Chapter 35

1.7K 65 36
                                    

Chapter 35: Mysterious Note

Nash's POV

Natulog ako sa condo ng daddy ko dahil tinatamad akong umuwi. Sino ba kasing 'di maiinis diba? Hinatid lang naman nung Kenneth na 'yon si Carmela! Sinong 'di maba-badtrip?  Letche kakaasar! Hay nako! Hindi ko rin alam kung paniniwalaan si Carmela about doon sa dinner, baka kasi ginawa niya lang 'yon para matapos bangayan namin ni Kenneth!

Pagkagising ko, nag-order nalang ako ng makakain. Naligo, nagbihis, at nanood ng tv. Epal talaga! 'Pag naaalala ko si Kenneth, kumukulo dugo ko! Kapag naaalala ko 'yung sinabi ni Carmela, agad nag-iinit 'yung dugo ko, punyeta!

Akmang tatayo na ako sa sofa nang may napansin akong note at hindi na ako nag-atubiling pinulot 'yon. Ano na namang pakana 'to? Bwisit! Nang basahin ko 'yon, agad nawala ang inis ko at napalitan ng kaba. Napakunot ang noo ko habang hawak 'yon. Tangina, hindi pa ba tapos 'tong larong 'to?

Wanna play a game? Here. Tomorrow 11pm, someone will be abducted. Find her or she'll die at 2pm (Monday), goodluck. Babe. We are four minus one.

Kilala ko 'to ah? "Babe?" shit! Hindi kaya si ano? Oh my god! Sino ba 'to! Tangina! Don't tell me 'yung dalawang epal na naman? Ang aga-aga pa para magsimula ako ng problema. Ang aga-aga gusto na nila agad maglaro? Napakamot ako ng ulo hanggang sa may pumasok sa isip ko. Pero posible kayang si Carmela ang i-abduct nila?

No! No! Not again! Not her!

It's Saturday and ayaw kong manggulo. Mamayang 11AM na ako magsasabi sa kanila at ngayon kakausapin ko muna si Kenneth, kabilang kwarto lang naman siya. Nagulat nga rin ako na nandito rin siya. Dito kasi siya umuwi, at sa kasamaang palad, nagkabungguan pa kami. There's no conversation dahil agad uminit ang ulo ko at nilampasan siya.

"Kenneth?" Kumatok na ako ng dalawang beses. At sa pangatlong beses, binuksan niya 'yung pinto at halatang nagulat sa presensya ko dito? Why? Multo ba ako? Akala niya ba naghahanap ako ng away? Mukha ba akong basagulero? Tss.

"Ang aga-aga, nam-"

"Shut up, tungkol 'to kay Carmela!" Agad siyang nagmadali at napatingin sa'kin na malaki ang mata. Natawa naman ako dahil mukha siyang bagong gising.

"What about Carmela?"

"Papasukin mo kaya ako?"

"Okay pasok."

Nang makarating kami sa sofa ay nag-offer siya ng kape at habang naglakad siya papunta sa'kin ay nagsasalita na siya. "So ano ngang meron?"

"Ano kasi..."

"Bakla ka pre?"

"Gago! Bukas kasi may ma-a-abduct. Ito oh," inabot ko ang letter at binasan niya naman 'yon. "Iniwan sa room ko e baka si Carmela ang kunin, nag-aalala ako. Eh si Yvonne at Natasha lang naman ang tumatawag sa akin ng ganyan e."

"Okay so?"

"I want you to guard Carmela, tomorrow."

"No need to tell me."

"Okay so anong plano?"

"Kung matinik sila? Edi makikipaglaro tayo!"

"Want to join Mistaken Five? Cali's gone and he may be happy if you take part of his position."

"Okay."

"Good!"

"Very good!" Natawa naman siya.

"Ano vine-very good mo, Kenneth? Baliw ka ba, ha? May sapak ata ulo mo e!"

"Ah wala wala. By the way, paano kung ngayon nila gawin 'yan?"

Heartthrob Series 1: Campus Heartthrob (COMPLETED)Where stories live. Discover now