Chapter 34: JaeLia
Malia's POV
Nakakagulat naman 'tong si Jaeden. Pinapatawag ako sa harap ng school ng Xien Academy. Ano bang problema nito? Kanina lang sabi niya may emergency? Tangina, alas-siyete na oh! Mabuti nalang talaga at pinayagan pa ako ni Mama! Kailangan before 9PM makauwi ako.
From: Jaeden Pangit
Lia, punta ka rito sa harap ng Xien Academy, may sasabihin ako sayo. Don't make me wait.Curious pero kinikilig, ano kayang sasabihin ni Jaeden?! Crush niya rin kaya ako? Ano kayang trip nito? Akala ko ba ang crush niya si Ate Angel? Napansin ko ngang close na sila e! Pero dati rin naman close sila pero ngayon, para na silang magkapatid o magpinsan na ewan! Hay jusko!
Pagdating ko sa tapat ng school, nakita kong kasama ni Jaeden si Ate Angel. Sabi na e, ano bang gusto nilang ipamuka sa akin? Na wala na akong halaga kay Jaeden? Na wala akong chance sa kanya? Tangina, magsama nga sila ni Nash! Tangina, birds of the same feathers flock together! Badtrip!
"Lia!" Pagtawag ni Jaeden sa'kin. Humarap ako sa kanya at agad siyang sinampal. "Fuck you!"
Nakasunod sa kanya si Ate Angel. Nakangisi pa siya. Gusto ko siyang sabunutan! Naiinis ako sa pagngisi niya! Inirapan ko siya at natawa naman siya. Tangina, kung ano mang masabi ko sa kanya, 'di ko pagsisisihan!
"Ikaw! Maharot ka! Tangina, Ate Angel! Tinitingala kita e! Bakit naman si Jaeden pa? Ampucha, sa lahat ng lalaki, bakit siya pa? Pwede namang si Kyle ah? Walang fling 'yon ngayon! Tangina ka!" Sabi ko pero natawa lang siya. Aba't sinusubukan ako nito ah? Gusto ko na talaga siyang sampalin, grabe!
"Cousin, sabihin mo nga kay Lia kung ano ako sayo. Tangina Lia, anong sapak mo?" Tanong ni Ate Angel na kanina pa natatawa. Magpinsan sila? Seryoso? Kaya pala ang close nila! Alam ba 'to ni Carmela? Agad kong kinuha ang cellphone ko, hindi ko pinapakinggan ang sinasabi ni Jaeden.
To: Carmela
Hoy gaga! Alam mo bang magpinsan si Jaeden at Angelica? Tangina, what the fuck?"M-magpinsan kayo?!" Sigaw ko at tumango lang silang dalawa. Damn! Bakit 'di ko 'yon napansin?! Umalis na si Ate Angel pero tinapik niya muna ang balikat ko at bumulong, "Don't worry, I'm not gonna take your curses seriously. Ingatan mo pinsan ko ha!" Naiwan kaming dalawa ni Jaeden dito. Hindi siya nagsasalita kaya nag-first move na ako.
"Uy Jaeden, anong gagawin natin dito?" Umiwas ako ng tingin sa kanya.
"May sasabihin ako sayo, Lisa."
"Ano feeling close lang? Lisa? Tangina!"
He laughed. One of the reasons why I like him. His sexy laugh. "Nakakatuwa ka talaga!" He pinched my cheeks and I glared at him.
"Aray! Ang sakit! 'Wag mong lamutakin 'yung pisngi ko! Sasapakin kita, Jaeden!"
"Cute mo talaga, tangina."
I stiffened. His voice sounded so sincere! It sounded like love in my ears! Ay shit, ano ba 'tong naiisip ko? Kadiri! "Umaano ka ba at pinatawag mo 'ko? Ano bang sasabihin mo?!" Hindi na ako makapagtimpi.
"Uhh.... Kase... Diba.. Ahh.."
"Letche! Sasabihin mo aalis ako?!"
"Ahh... Ehh... Ihh... Ohhh.. Uhhhh?"
"Kingina! Aalis na ako!"
Tumalikod ako sa kanya pero bigla naman siyang sumigaw.
"Lia gusto kita! Fuck, I like you!"
"H-ha?" Pagharap ko ay nakayuko nalang siya. Hindi siya makatingin sa'kin. Natawa naman ako sa kanya. Hinawakan ko ang mukha niya pero inalis niya 'yon sa kamay ko. Noong pangatlong beses kong gawin 'yon ay hinuli niya ang kamay ko at ipinagsalikop 'yon kasama ang kanya.
YOU ARE READING
Heartthrob Series 1: Campus Heartthrob (COMPLETED)
Ficção AdolescenteHEARTTHROB SERIES #1 Carmela Alcantara, a typical high school student, experienced being linked with the campus heartthrob of Xien Academy. She is a straight honor student from elementary with her mother, brother, Cali, and her friends at her side...