Special Chapter: Kyle's Surprise
Angelica's POV
Nagulat ako ng bumulabog sakin nang tumunog 'yung cellphone ko. Bwisit naman oh! Umagang-umaga nambubulabog! Nakakainis! Sino ba 'tong tumatawag? Natutulog 'yung dyosa oh! Inis kong sinagot 'yon at sinuklay ang maikli kong buhok.
"HELLO?!"
[Ey, sweetie, calm down.]
"Kyle?!"
[Ohh? Bakit bad mood ang sweetie ko?]
"Eh paano naman kasi?! Nambubulabog ka! Bwisit na 'to! Natutulog ako! Gago ka ba? Ikaw kaya bulabugin ko dyan!" Wala akong pakialam kung mainis siya sa'kin. Ang ganda-ganda na ng panaginip ko!
[Sorry na sweetie.]
"Ba't ka ba tumawag ha?"
[A-ahh k-kasi w-wala.] Narinig ko siyang umubo. [Sige na byeeee sweetie!]
"Hoy Kyle! Nasaan ka?"
[Nasa bahay ako sweetie. Pupunta ka ba?]
"As if naman na may choice ako, sweetie diba?" I added sarcasm on our callsign. Damn him! Hindi ko pa nga siya sinasagot, gusto niya may callsign na agad kami!
[Ha? Sige sweetie!]
"Mukha namang wala ka ng sakit eh. Hindi na ako pupunta."
[Eh? H-hindi pa ako o-okay!] Umubo uli siya at napangiti naman ako.
"Sige na sige na papunta na po ako dyan Sir Kyle."
Binaba ko na yung tawag. Ewan ko ba dun sa lalaking yun. Hindi ko pa nga sinasagot 'yon eh. He keeps bugging me around. Hindi niya ako tinitigilan hanggang sa sagutin ko siya. Pero kamusta na kaya si Carmela sa Korea? It's been a year since she left Philippines.
Nagsuot nalang ako ng long sleeves na croptop at nag-leggings nalang ako. Kinuha ko na rin 'yung sling bag ko tsaka nag-abang ng cab.
"Saan ka po miss?" Tanong sa akin nung driver.
"Sa Delos Reyes residence po." Sabi ko. Mayaman sila Kyle. Actually, 'yung Daddy niya 'yung may-ari nung residence na 'yon.
Pagbaba ko sa cab na 'yon. Pumunta na agad ako sa bahay nila Kyle. Naabutan ko 'yung Daddy niya dun sa sala na nanonood ng TV.
"Ma'am Angelica, si Master Kyle po ba hinahanap nyo?" Sabi ni Ate Ging na maid nila. Wow, "master"? Sana all master! Taena, elite pa nga lang ako sa mobile legends eh! Ang unfair talaga! Hindi ako tinutulungan ni Kyle! Joke.
"Opo, ate si Kyle po hinahanap ko. May sakit daw po siya." Sabi ko nang sumilay sa labi ko ang isang ngisi.
"Huh? Sakit? Wala po siyang sakit. Kagagaling nga lang po niya sa mall kanina. Andami nga po niyang binili eh. Sabi niya para daw sa-" naputol yung sabi ni Ate Ging dahil biglang sumulpot si Akisha na kapatid ni Kyle.
"Ate Angelica! I miss you po!" Sabi niya sabay yakap sa akin sa baywang. Lumuhod ako at pinisil 'yung pisngi niya at saka ko siya kinarga.
"Bagay ka talaga maging mommy, Ate Angelica!" Sabi niya na ikinangiti ko. Mahilig ako sa bata kaya tuwing bumibisita ang mga pinsan ko, ako na ang nagvo-volunteer para alagaan ang mga anak nila.
"Bagay din maging girlfriend ko. At asawa ko balang araw." Nagulat ako nang biglang sumulpot si Kyle sa kung saan at niyakap kaming dalawa ni Akisha.
Mukha tuloy kaming one big happy family. Sasapakin ko 'to si Kyle eh. Bwisit siya! 'Di ba siya makapaghintay na sagutin ko siya? Alam ko namang darating din 'yon balang araw! Binaba ko na si Akisha at pumunta ito sa garden nila.
"Hoy akala ko ba may sakit ka? Ungas ka talaga Kyle! Nakakainis ka!" Sabi ko sa kanya at inirapan. Nagulat naman ako nang bigla siyang lumapit ng lumapit sa akin.
"U-uy Kyle..."
"How dare you para sigawan ako? Ha?!"
"Hoy gago joke lang 'yon, itigil mo na nga 'yan. P-para kang tanga!"
Pagkatapos ko yun sabihin ay hindi ko alam na may skateboard pala kaya nadulas ako at nahatak ko si Kyle pababa kaya ngayon? Nakapaibabaw siya sa akin. Oh gosh, what the fuck!
Why the hell does his face comes closer to mine? Natigil nalang ang paglapit na 'yon nang may sumigaw.
"Kuya!" Rinig naming iyak ni Akisha sa garden nila kaya naitulak ko si Kyle saka pinuntahan si Akisha sa garden.
---------
Kyle's POV
"Kuya!" Right timing Akisha. Tama lang kasi baka nahalikan ko na talaga 'tong si Angelica. Damn that face! Nakakainis na nakakabaliw. Baka hindi ko na napigilan ang sarili ko kanina kung hindi pa sumigaw ang kapatid ko!
Planned.
'Yan ang salitang maikukumpara ko sa ngayon. Planado namin 'yan nila Akisha, Ate Ging, at ni Daddy. May nakalagay kasi sa garden na message kaya dapat maingat kami sa galawa namin para hindi makahalata si Angelica. Ang lakas pa naman ng radar ng babaeng 'yon!
"Akisha?!" Sigaw ni Angelica dahil hindi niya makita si Akisha dahil sa nakapatay ang ilaw. Nasa harap na ako, maski sina Daddy ay nanonood sa 'di kalayuan.
[Now Playing: Til I Met You- Angeline Quinto]
Pinindot ko na 'yung bell para buksan na ni Akisha 'yung ilaw. Nakita kong nagulat si Angelica ngayon, dahil sa may hawak akong bulaklak at may nakalagay na banner sa likod ko, saying:
Angelica, sweetie? Will you be my REAL girlfriend?
Ako rin naman ay kinikilig sa sarili kong pakulo. Oo, crush ko si Angelica mula Grade 7. Tagal na rin no'n. Sobra. Nagtiis ako ng matagal. Kasi sa pagkakaalam ko nagkagusto rin si Nash kay Angelica. Eh wala naman akong panumbat kay Nash eh. Tsaka pinagbabawalan ako nang pinsan niyang si Jaeden. Nako off limits talaga ako no'n kahit noong third year na kami!
"K-Kyle..." Sabi niya at tuluyan ng umiyak sa harap ko kaya nilapitan ko siya at niyakap.
"Angel... Sweetie... Please don't cry."
"K-Kyle a-ano 'to?"
Pinaupo ko nalang siya sa harap ko habang magsasalita muna ako sa harap. Balak kong mag-story time muna at ipaalala sa kanya ang story naming dalawa.
"Uhhhm... Hi Angel, a.k.a Ms. AKLO or Akin Ka Lang, Okay? Uhhm, alam ko na minsan gago ako rito sa harap mo. Mukha na akong tanga rito, mukha na akong bakla dahil sa setup na 'to. Pero 'tong gago, tanga, at baklang nasa harap mo ay minahal ka ng limang taon at nagpapatuloy pa rin hanggang ngayon. Mula Grade 7, Angelica. Sa totoo lang? Na-love at first sight ako sayo." Natawa ako. "'Di ko nga alam na ganito ako tatamaan sayo eh. Oo, maliit ako. Kinulang ako sa height. Pero pangako hindi ka kukulangin sa pagmamahal na pwede kong ibigay. Angelica? Sweetie? Mahal mo rin ba ako? Kasi ako? Mahal na mahal na mahal na mahal kita times infinity." Sabi ko. Nagulat naman ako nang tumayo siya at kinuha sa akin 'yung mic. Teka, anong gagawin niya? Shit.
"Mr. Kyle Delos Reyes, a.k.a Mr. Tsundere. 'Yan. 'Yan ang first nickname ko sayo. Akala mo ba ikaw lang ang na-love at first sight sa ating dalawa? Jusko naman Kyle. Ako rin naman. Limang taon at nagpapatuloy pa rin kitang minamahal. Mr. Tsundere! Mapang-asar ka pa! Ay jusmeyo marimar! Believe me, 'di ka mahirap mahalin!" Natawa pa siya sa mga sinasabi niya.
"Your answer is?"
"Yes?" Awit, bakit patanong?
"Awit, 'di sure."
"Ito naman 'di mabiro. Of course yes! Oo naman yes sure!"
"T-talaga? S-sinagot mo na ako?!"
Hindi siya sumagot. Next thing I knew? My lips was into hers. Her soft lips. Nakakaadik. It's like I'm addicted to a kind of drug. And I can't stop. I bit her lower lip and she moaned.
"Hmmm... Kyle..." She whispered and it turned me on pero pinilit kong pigilan muna 'yung nararamdaman ko kaya inilayo ko na siya.
"I love you so much, Angelica. I waited five years for this to happen." Sabi ko at niyakap ko siya. Niyakap din niya ako pabalik.
Baka ang next milestone namin ay kasalanan na? Bring us to the church please!
YOU ARE READING
Heartthrob Series 1: Campus Heartthrob (COMPLETED)
Teen FictionHEARTTHROB SERIES #1 Carmela Alcantara, a typical high school student, experienced being linked with the campus heartthrob of Xien Academy. She is a straight honor student from elementary with her mother, brother, Cali, and her friends at her side...