Chapter 15

2.2K 113 37
                                    

Chapter 15: Finals

Carmela's POV

[Now playing: They Don't Know - Ariana Grande]

Ang kulit naman nito ni Nash sa messenger e, nakakainis na nakakakilig, sabing 'wag akong kukulitin kapag nagrereview ako para sa finals, 'pag ako bumagsak dahil dito, lagot 'yun sa akin. Nag-aaral ako ng matino dito, kung ano-ano sine-send sa'kin. Actually, wala naman talaga akong balak buksan 'yon hangga't 'di ko natatapos 'yung Math.

Kuya Cloud
• active now •

Oy chubs! Chubby cloud!

Tulog ka na ba? Ano ba 'yan 'di
mo 'ko hinintay.

Weh? Sige review ka na dyan.
Goodluck!

Ganyan ka naman eh. 'Di mo 'ko
pinapansin kahit sa school.

Isa lang, may aaminin lang
ako sayo.

Carmela Kim!

Ano ba 'yon, kuya? Baka
nagre-review ako?

Sabihin mo na, dali. 'Di ka ba
nagre-review dyan? Sabay
lang finals ng JHS sa SHS ah?

Oy kuya Nash! Bahala ka nga
dyan,  magre- review na 'ko rito!

Hi, I love you.

Luh ampucha? 'Kala ko ba si
Malia ang mahal mo?

Pag-titripan mo pa 'ko.

Hindi ko rin alam. Malia? E
kay Jaeden na 'yon! Bro code
nga Carmela!

Kuya Nash naman eh. 'Wag
mo na akong patiliin, gabi na.

Hala siya, kinikilig siya oh.
Okay lang 'yan, ikalma mo
puso mo.

Is that a yes? Ang aga naman, 'di
pa nga ako nanliligaw e.

Bakit may tinanong ka ba?
Para sagutin ko? Tsaka bakit?
Pumayag ba ako na ligawan
mo 'ko? Char not char.

Yuck ang landi mo.

Haha, sige na review ka na,
galingan mo ah, Fighting! Para sa
future natin!

Bakit tayo ba magkakatuluyan?

Ha? Crush niya ako? Akala ko ba magkaibigan lang kami? Akala ko ba si Malia ang crush niya? O rumors lang 'yon para mapagselos si Jaeden at umamin tapos pagselosin ako? My god, Carmela napaka-assuming mo! Akala ko ba si Ate Angel nung una? Huling tanda ko, si Ate Angel pa ah? Pero ba't ako? Magbestfriends lang naman kami, tropa tropa lang naman kami dito. Bakit ako?

Nung una, hindi niya ako kilala ang kilala lang niya lang na nagkakagusto sa kanya ay 'yung buong room lang naman maliban sa'kin, ako na palihim na dine-deny sa sarili ko na gusto ko siya, tapos ngayon, ako pala ang gusto niya? Bakit ngayon mo lang sinabi ni Nash? Bakit mo pa ako pinaghintay? I might have said yes agad! Joke.  Magrereview pa pala ako, pero paano ako makakapag-focus kung laging sumasagi sa isip ko 'yung "Hi, I love you" niya?

Carmela, you can do this. Acads before love. Acads!

------

Tristan's POV

Nakakainis 'tong nararamdaman ko. Ang gulo gulo. Bakit ganun? Bakit ganito ang nararamdaman ko kay Carmela? Bestfriend ko lang naman siya pero 'di ko siya nakakasama for a long time. Ewan ko kung nagseselos ba ako kasi mas gusto niya nang kasama ang F4 kaysa sa'min! Nakakairita!

Heartthrob Series 1: Campus Heartthrob (COMPLETED)Where stories live. Discover now