Chapter 1

5.1K 76 1
                                    

6 years ago...

Hindi ko gusto ang mga titig ng mga tao sa akin. Bakit ba ganyan sila makatitig sa akin? May dumi ba ako sa mukha? Wala na ba sa fashion ang suot kong damit? Pero alam ko naman palagi ako nasa fashion.

Simulang lumipat ang pamilya ko dito sa states ay iniwanan ko na ang mga kaibigan ko sa Pilipinas. Wala pa naman ako kilala dito at hindi ko rin kilala ang magiging roommate ko sa dorm. Medyo kinakabahan ako sa mangyayari.

Pagkarating ko sa tapat ng magiging kwarto ko ay huminga na muna ako ng malalim bago buksan ang pinto. May nakita akong isang lalaki nakaupo sa hapag habang kumakain ng instant ramen.

"Hi." Bati niya sa akin.

"Hello." Mahinang bati ko sa kanya. Ang tandang tanda ko na nahihiya pa ako sa bagong mukha.

"I'm Aizen Evergreen." Lumapit na pala siya sa akin hindi ko man lang napansin.

"Uh, um, Alexander Murry."

"Nice to meet you. I'm your roommate for 4 years and I hope we can get along together." Bumalik na siya kung saan siya galing kanina. Tinuloy na rin niya ang pagkain ng instant ramen. "What department are you?"

"Department of Radiology."

"Ohh... We're not only a roommates because we're also classmates."

"Really? What department are you?"

"Department of Surgery."

"So gusto mo pala magopera ng--" Bakit ako nag-Tagalog?! Obvious naman hindi niya iyon maiintindihan. "Sorry about that."

"No, it's fine. Actually, naiintindihan naman kita dahil galing ako sa Pilipinas."

"Really? That's great. Nahihirapan na ako mag-English at iniisip ko baka hindi kami magkakaintindihan ng magiging roommate ko."

Mabuti na lang marunog mag-Tagalog ang kasama ko dito. Hindi ako mahihirapan kausapin siya.

"Mga ilang taon ka na dito, Aizen?" Tanong ko sa kanya.

"Months pa lang. I think 4 months pa lang ako dito. Ikaw?"

"Isang buwan pa lang ako dito kasi last month lumipat kami dito ng mga pamilya ko kasi dito na inassign si dad ng work."

"You're lucky dahil kasama mo ang pamilya mo. Ako kasi nasa Pilipinas si dad dahil nandoon ang trabaho niya."

Mga ilang buwan ang nakalipas ay ang dami na pinapagawa sa amin ang mga professor. Mabuti na lang palagi si Aizen ang nagiging partner ko kaya walang problema.

"Alex, gusto mo ba maging partner ko kahit graduate na tayo?" Tanong ni Aizen sa akin. Kumunot ang noo ko sa kanya.

"Bakit mo naman tinatanong sa akin iyan?"

"Kasi balak ko sana gumawa ng sariling ospital sa Pilipinas. Kung gusto mo maging partner ako."

Napangiti ako. Sariling ospital?! Ayos lang sa akin kahit vice lang ako ni Aizen.

"Sige. Walang problema."

"Hi, Aizen." Napatingin ako sa nagsalita at napansin kong kumunot noo ni Aizen.

"Nika, what are you doing here? Bawal ka pumasok sa school namin ah."

"Wala kasi yung bantay sa labas kaya nakapasok ako agad."

"Ah, Alex si Nika, half sister ko." Pinakilala niya sa akin yung babaeng kausap niya.

"Half sister mo? Akala ko girlfriend." Napakamot ako ng batok.

Definitely YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon