Walang lalaki ang nakakapansin sa katulad kong napaka-natural ang itsura pero bakit naman ako tutulad sa mga babaeng ganda lang ang puhunan at puro kalandian sa sarili ang ibinabalandra?
Ako si Sandra Jeremiah Carte, 17 years of existence and on-going third year highschool sa Del Cortez Academy na pinapasukan ko na at siyang pagmamay-ari ng mayamang dinastiya ng mga Cortez. Tahimik ang buhay ko sana, oo may sana kasi unti-unti itong nagulo nang makabangga ko sa unang pagkakataon si Gerald Cortez na nag-iisang anak o unico ijo ng May-ari nitong pinapasukan ko. Hindi din siya nag-iisa kasama niya sa bawat kabalbalan ang kaniyang damuhong barkada. Sila ang tinaguriang BADLORD ACADEMIANS ng Del Cortez Academy, bakit? Ipapakilala ko sila.
Jade Natalie Lopez
half pilipino and half brusko. Member siya ng soccer team. Gwapo pero siya ang pinakadakilang Casanova sa kanilang apat, bakit? Paano ba naman, lima-lima ang girlfriend niya kada araw at di lang iyon, kinakama pa niya. Astig di'ba? Ito rin iyong tipo ng mga babae sa campus namin dahil tipong ngiti pa lang nito at simpleng kindat, nakakamatay na. Eh kung siya kaya patayin ko, di naman uubra sa'kin ang charms niya.
John Larrynato Roz
Popular ito lalo na sa mga competitions and pageants dahil siya lang naman ang overall escort ng campus. Gwapo naman talaga siya kaya lang masyadong nasobrahan ng confident sa sarili like pati ba naman pagsisipilyo niya ng ngipin pinagyayabang niya pa sa buong madla. Pumapangalawa siya sa pagiging Casanova sa apat and take note, may abs iyan. Ito yung lalaking masarap palamunin ng siling labuyo sa sobrang mahangin, napakayabang kasi.
Alexis Xander Jarin
Member din ito ng soccer team at sobra
ng studious pero hindi tipikal na nerd ang dating. Gwapo din at siya ang ultimate crush ko for almost two years kong pananatili sa high-school! Naoobserbahan ko ito lagi, very gentleman ito lalo na sa mga teachers at sa kung sino mang superior pero hindi naman sipsip o pabidabels. Pasok na pasok siya sa ideal standards ko sa isang lalaki, wish ko lang sana mapansin niya ko if ever man.At ang panghuli, nako eto na...
William Gerald Cortez
As what I've said kanina, siya yung the one and only heirs ng Cortez at anak ng may-ari ng Del Cortez Academy na pinapasukan ko. Siya ang tinaguriang hearthrub king ng campus at notorious leader ng badlord Academians. Eto ang pinakakinaayawan kong nilalang na n pumasok sa academy namin. Nasobrahan kasi sa pagka-spoiled, medyo classy ang datingan at bipolar na maangas. Napakasuplado niyan, akala mo naman artista.
At sila ang badlord academians na hindi ko aakalaing magiging parte sila ng makulay na matamlay kong buhay sa sekondarya. Sila ang manghihamasok at magiging gate crusher ng simpleng buhay ko bilang estudyante. Nang makilala ko ang magugulong apat na iyan ay tila ba nag-iba ang ihip ng hangin at di ko rin inaasahang sila ang magiging kasangga ko sa larangan ng pag-ibig at mga totoong kaibigan.
Maging masalimuot kaya ang buhay ko sa pagdating nila? Trip lang ba ni kapalaran na makatagpo ko sila o sila ang aksidenteng babago sa kung anong meron ako sa hinaharap?
Ang paniniwala ko noong tatanda ako ng dalaga ay mababago na ba sa pagkakataong ito? Posible kayang may mainlove sa babaeng napakunat ang taste sa pananamit at parating simple?
Halina kayo at sama-sama nating tunghayan ang aking kwento.
BINABASA MO ANG
The Badboy is Inlove With The Simple As I am [COMPLETED]
Teen FictionI wrote this story year 2016 so please bare with my childish writing style, errors, terms and etc. -a c h i e v e m e n t s- RANK 1- Symphoniah RANK 1- High School Experience RANK 1- Carlisle RANK 1- Teenwolf RANK 1- Lovesquare RANK 2- bluemaiden RA...