Tempting

2.3K 44 1
                                    

CHAPTER SIX

Riana's Pov

Grabe naman palang ang laki ng bahay ni boss. Kanina pa ako tapos sa gawain ko pero tumulong na ako sa iba dahil wala rin naman akong magawa. (Wow ang bait ko!!)

Katatapos kong lang maglinis sa banyo ng tawagin na naman ako ng Boss ko.

"RIANA!! RIANA!!!"

Agad-agad akong pumasok sa kwarto nya ng walang katok-katok. Take note. May dala pa akong walis ting-ting n'yan.

"Bakit boss?" tanong ko agad sa kanya. Mukhang kakagising nya lang ata pero infairness ang gwapo nya parin. At lintik na abs sarap nya besh.

"Done staring at me?"

Nabalik ako sa ulirat ko. Kita ko ang nakakunot nyang noo sa 'kin.

"Ahh oo nga--ahh este bakit po boss?" tanong ko sa kanya

"Where's my food?" inis na wika nya sa kin

Himala naghanap.

"Ahh mawalang galang lang ho, boss, ha. Katulong po ako dito. Hindi po asawa nyo. Kung gusto nyo asawa----" he cut me off

"Nagrereklamo ka ba?" tanong nya sa kin

ADRIANA ANDERSON SMITH. Kalma ka lang. Kumalma ka lang. Boss mo yan---

"Boss! Hindi ka ba naaawa sa kin? Halos araw-araw akong nagtatrabaho para lang mabuhay ako sa mundong 'to. Halos araw-araw kinakaya ko kahit hirap na hirap na ako. Tapos ngayon sasabihin nyong nagrereklamo ako? Aba boss, palit kaya tayo ng pwesto? Ikaw ako, ako ikaw. Tignan natin kung di ka magrereklamo." bow!!! Whoooaaa. Ang galing ko. Pwede na. Pwede na.
Kunot noo akong tinignan ng boss ko na parang sinusuri pa.

"Ano boss? Ok ba 'yung acting ko?" nag sign pa ako ng approve sa kanya . Kinuha nya 'yung wallet nya at may kinuhang pera dun. Nilagay nya pa sa mini table nya saka tumayo eto. Bago sya pumasok sa cr ay nagsalita pa sya.

"10,000. Kunin mo at mag-impake ka na." wika nya

10,000?

"Huh? Ahh boss?! Anong gagawin ko sa perang 'yan? Tsaka bakit mag iimpake ng gamit ko? Pagbabakasyonin nyo po ba ako? Hala boss, ang bait----" naputol yung sasabihin ko ng magsalita sya. Nagulat pa nga ako e. Sobrang gulat na gulat.

"Packed your things. Go home 'coz your Fired."

*bang*

WHAT THE HELLLLLLLL??????

"WAAAHHH BOSS!! Wag ka namang ganyan. That's not fair!" Habol ko sa kanya mula sa cr pero muntik na kong mamatay ng makita kong nakaboxer lang sya at basang basa dahil sa tubig na umaagos mula sa shower nya.
8 pack abs. Yummy.Gummy.Bear. Ang hot nya..

"SHIT! RIANA!!!"

"Bo--sh!!" wala sa sarili kong sagot sa kanya

"RIANA ANDERSON!! GET OUT!! AND YOUR FIRED!" sigaw nya dahilan para mabalik ako sa ulirat ko. Kinaladkad nya pa ako palabas ng cr nya.

"Pahawak ---este Boss naman. Sabi ko nga diba dadalhin ko na 'yung mala breakfast in bed mong pagkain." wika ko

"No!" Matigas na sabi nya

"No ka dyan!! Yes i do. Sige na boss. Balik ka na sa cr. Sige ka boss baka may manghalay pa sayo dito." (Baka halayin kita dyan. Ang sarap mo pa namang isawsaw sa icecream) bulong ko

"What did you say?" sya

"Wala. Ge boss. Good morning." patakbo akong lumabas ng kwarto nya at sinarado yung pinto. Napahinga ako ng maluwag. Grabe. Nakakamanyak talaga ang kapogian ni boss. Lalo na sa mala adones nyang katawan.

Buti at wala pang asawa si boss. Kundi sayang talaga. Bakit? E 'di ko makikita ng ganun si boss araw-araw noh. Kilala nyo ako. Di ako papatalo.

3 weeks na rin pala simula nung magtrabaho ako kay boss. Grabe ang bilis ng araw. Sunod nito asawa na nya ako. BWAHAHAHA. (Libre mangarap Riana) Nga naman!!

3 weeks na rin simula nung umalis ako sa bahay. Wala na atang balak tumawag yung mag ama sa kin. Di ata ako namiss ng dalawang unggoy na 'yun. Anyway, did i mentioned my Mother a while ago? Charot!! Umeenglish na ang tita nyo.

My mom died when i was grade 6 palang. She had a brain tumor. Yeah, yeah i know. Im so gonna miss her na nga talaga. (conyo lang te??) Di joke lang. Ang totoo kasi nyan. Hiwalay na ang parents namin. Si Mommy? Ayun!! NANGANGABIT-BAHAY. Matagal na rin naman kasing alam namin na di nila mahal ang isa't isa. Dahil lang naman sa parents nila kaya sila nagpakasal. Kaso 'yun nga. Kahit may tatlo silang anak. Wala parin naman. Di parin nila mahal ang isa't isa. At dahil mabait ang Daddy namin kaya 'yun. Sya na ang kusang humiwalay kay Mommy. Sya na ang kusang nagparaya. Pero kahit naman ganun, tinuruan parin naman kami ni Dad na wag magtanim ng galit sa puso namin para sa Ina namin. She's still our mother.

"Iha..."

Ay naku. ayoko na at baka umiyak na ako nito---

*PAKK**

"ARAYKOPO!!" napaatras pa ako dahil sa nangyari. Si manang pala. Binatukan ako. Bat ba ang hihilig nilang gawin 'yun sa 'kin? Nakakaganda ba 'yun? Tsk.

"Manang naman.." wika ko sa kanya sabay kalmot sa ulo ko

"Kanina pa kita tinatawagan. Di ka ata nakikinig." sabi nya

"Ha? Tinawagan nyo po ako? May number kayo sa 'kin manang? Hala! Saan nyo po nakuha number ko?" sunod sunod na tanong ko sa kanya.

Napabuntong hininga nalang sya.

"Mga kabataan talaga ngayon." sabay walk out nya

Ay hala! Nag walk out si manang? Hala! Pabebe din 'to si manang ha. Ay naku manang, ang tatanda nyo na ho. Tsk. Kakain na nga lang muna ako. Nagutom ako sa batok ni manang ha. WOW MAGIC!!

Pero syempre. Totoo naman kasi na nagutom ako. Wala pa kaya akong kain noh. Buti nasapok ni Manang 'yung ulo ko dahil pumasok rin sa isipin ko na di pa ako nakakakain ngayon.

My Boss is a Gangster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon