The boss and The Ex

2.1K 32 3
                                    

CHAPTER THIRTEEN

Riana's PoV

Arggg!! Langya'ng alak na 'yun. Ang sakit ng ulo ko. Nilibot ko 'yung paningin ko sa buong kwarto.

Hmm. Baka hinatid ako ng bruha na 'yun. Napatingin ako sa maliit na lamesa ko. May maliit na papel na nakasulat sa gamot at tubig.

"Eat me!! Drink.. me?!"" sabi ko

Kinuha ko nalang 'yun saka ininom. Mukhang pain killer ata yun. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa banyo para makapag ayos.

Lumabas na ako ng kwarto ko at pababa palang ako ng marinig kong may nag uusap mula sa living room. Mula sa itaas tumingin ako sa baba.

"..FUCKING CAREER OF YOURS. YOU LEFT ME BECAUSE OF THAT AND NOW YOUR TRYING TO GET WORK ONCE AGAIN?" sigaw ni boss

Nag uusap o nag aaway?

"I love you, fiezer, that's why i came back. Tinalikuran ko na ang career ko just because of you. Baby, please. I know you love me also." hinawakan ni Lalaine ang mga kamay ni boss pero iwinaksi nya lang ito

"Stop fooling me around, Laine. Nasaktan ako nung sinabi mong mas pinili ang career mo kaysa sa ating dalawa. I even tried to suicide but what happened, you only choose that career and not me." ay ganun? Nasaktan ka pala? Ee ako? Huh? Langya ka, Riana, moment nila 'to ano ka ba?

"My father will dissapointed me if kung susuwayin ko sya.. Fiezer, all i want is that he will proud of me..." Lalaine

Ang sarap ng eksena nila. Kulang nalang popcorn para mukha na talaga akong nanonood ng sine. Pero astig to. Naka live show. HAHAHA.

"I don't believed you. (sigh) Umalis ka na." tumalikod na sa kanya si boss pero bakit parang nakikita ko sa itsura ni boss na mukhang hanggan ngayon nasasaktan parin sya? Charot!! Talagang nasasaktan naman si boss ee.

"Fiezer, please..." saka hinablot ang braso ni boss. Sa isang iglap lang, they were both kissing. To think na andito ako at mukhang hindi nila ako nararamdaman.

Teka. Bakit ang sakit? Aray.. aray.. aray!! Manganganak na yata ako..

"WAAHHHHHH sumabog na 'yung tubig ko.." dahil sa kaingayan ay naistorbo ko ang moment nilang dalawa. Tumingin sila sa itaas kung na saan ako

"Riana?" boss

Dali-dali akong tumakbo papunta sa kwarto ko saka ni lock yung pinto. Nakakainis na nakakaasar na nakakainis ka Riana. Ano bang ginagawa mo?

Nag flash back 'yung nakita kong pangyayari sa kanilang dalawa.

"HAHAHA!! Di ka apektado diba? Haha langya ka, Riana, bakit ka nagkaganyan?" di ko namalayan na umiiyak na pala ako. Sinusuntok ko 'yung dibdib ko dahil sa sobrang sakit na naramdaman ko. Bakit ako nasasaktan? Eto na ba 'yun? Eto na ba 'yung kinatatakutan kong mangyari?

Bagay na bagay silang dalawa. Bagay na bagay na halos di na sila bagay. HAHAHA. Ang sama ko.

*tok tok tok**

Katok mula sa isang tao sa labas.

"Hey, Riana!! Are you ok?" mukha syang nag aalala dahil sa boses nya

Kalma kalang. Wag mong ipakita na umiiyak ka.

"Riana!!" sigaw at katok nya mula sa labas

Kinalma ko 'yung sarili ko saka pinahiran yung mga luha ko. Ok ka na.

Lumapit ako sa pinto at pinagbuksan sya. Kita ko sa mga mata nya ang pag alala. Pero bakit?

"Are you ok?" muli nyang tanong sa kin

Nakita ko ang pagkagulat nya ng ngumiti lang ako sa kanya.

Nag ok sign pa ako.

"Ok pa sa alright boss. Hehhe." wika ko sa kanya

Tumingin tingin pa ako sa paligid pero no sign of her.

"A-asan po si Ma'am Lalaine?" hanap ko sa babae nyang mahal

"Riana.." tawag nya sa kin kaya tumingin ako sa kanya

"Tungkol sa nakita mo sa living room.. I-It's not---" pagpuputol ko sa kanya

"Naku boss!! Im sorry kung na istorbo ko kayo.." buti nga BLEH!! ".. nagkataon lang na nakita ko kayo. S-sorry po." ako

"N-no!! It's not what i meant.."

"Ay hala!! Late na pala ako sa klase ko ngayon. Sige boss. Bihis na po ako." saka sya sinarhan ko ng pinto.

Ngayon ko lang na realize. Free day pala namin ngayon dahil tapos na 'yung exams namin. Napasapo ako sa noo ko dahil sa katangahan na sinabi ko sa kanya. Gaga ka!! Gaga ka!!

My Boss is a Gangster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon