CHAPTER THREE
Riana's PoV
Parang gusto ko ng lumayo at hindi na magpakita sa pamilya ko. Arggh kanginis!
"Tara na, Riana.."
Kasalanan 'to ng walangyang aso na 'yon lalo na do'n sa among matanda na 'yon. Kundi dahil sa kanila 'di ako magkakaproblema ng ganito.
"Hoy, Riana!!"
Kailangan kong makapag isip-------
Nabalik ako sa wisyo ng may biglang humanpas sa 'kin ng malakas.
"ARAYKO!!!" muntikan ng malaglag 'yong utak ko dahil sa pagsapok sa 'kin ni Chloe ng libro sa ulo ko.
"Buti naman at bumalik ka na sa planeta mo. What's with you na naman ba? Kanina ka pa sa klase, ha?!" pagtataka niya sa 'kin
"Tsk. Wala," wika ko
Teka. Parang may napapansin ako. Asan 'yong mga tao dito sa loob?
"Where's everybody?" tanong ko sa kanya
*PAKK**
(batok nya sa kin)"Ano ba!!!" inis ko sa kanya. Ang hi-hilig nilang sapakin ako, ha.
"Gaga. Kanina pa tayo na dismiss na. Ano na naman ba kasing problema mo?" naka taas pa ang isang kilay niya
"Wala. Namatayan lang ako." pamimilosopo kong sagot sa kanya
"HUH? Sino bruha? Sinong namatayan? Sumagot ka?" hawak niya sa balikat ko at niyo-yogyug pa ako
Aray ko po! Ang sakit sa leeg besh.
"Tsk." inalis ko ang kamay niya sa balikat ko. "Babalian mo ba ako ng leeg ha? Muntanga ka talaga." wika ko
"Ay, oh! Nagsalita ang hindi number 1. Psh. Makaalis na nga. Basag trip ka sa drama ko." sabay walk out niya
Ngayon naman siya? Ako na nga itong mabalian ng leeg siya pa itong umaarte na ako ang may kasalanan? Bagay nga talaga kami sa ka-cornyhan.
Hinatid ako ng driver ko sa company namin. Si Chloe? Ayon! Parang tangang naglalakad mag-isa pauwi. Ayaw raw niyang sumakay sa driver niya dahil naiinis siya. Psh. Bakit? 'Yong driver ba ang may kasalanan? Tsk. Nakakabobong babae talaga kapag siya ang kasama.
"Good afternoon, Ma'am Adriana.!"
"Good afternoon, Ma'am."
"Uy si Ma'am Riana oh. Good afternoon po ma'am."
Iilan sa mga taong bumati sa 'kin dito sa company ni Dad. Kilala na nila ako dahil minsan na akong pumupunta rito. 'Yong iba naging close (hindi open) ko na.
"Ma'am Riana. Andito po pala kayo." si Vince
"Andito ka din naman ha." Pilosopo kong sagot sa kanya. Napakamot nalang siya sa batok niya. Sanay na sila sa asal aso ko kaya wala ng problema 'yon.
"Pupuntahan niyo po ba ang Daddy niyo?" si Richard. Ang baklang ass. marketing sa company ni Dad
"Hindi. Uuwi na ako. Uuwi na." strike 2
BINABASA MO ANG
My Boss is a Gangster (COMPLETED)
RomanceMeet Adriana. Ang pinaka pilosopa sa lahat ng pilosopa. Mahilig sa pagluluto lalong lalo na sa pagpipilosopa nya. Pero ng dahil sa punishment, makikila nya si Fiezer. Ang boss nyang ubod ng ka gwapohan. Paano kapag may malaman syang hindi maganda, a...