Dilated Cardiomyopathy

2K 31 2
                                    

CHAPTER TWENTY-ONE

Riana's PoV

Pagkarating ko sa mansyon. Diretso sa kwarto. Ayos ng sarili at saka pupunta sa kusina.

"Oh, ija. Andyan ka na rin pala." si manang

Pero teka. Rin?

"Dumating na rin po si boss?" takang tanong ko sa kanya

"Kanina pa. Nauna lang siya sa'yo ng ilang oras. Tsaka sinabi rin niya sa akin na huwag ka na raw magluto. Tapos na siyang kumain sa labas." manang

NA NAMAN?

"Sige manang. Salamat." ako

Problema ng lalake na 'yon? O baka naman nahihiyang ipakita niya ang sarili niya sa akin noong nakaraang gabi? Dalawang araw na siyang ganya. Tsk. Bahala siya. Ang arte-arte.

Jusko!! Ako ata mamomoblema sa taong puti na 'yon.

Napadaan ako sa kwarto niya nang makarating na ako. Papasok pa ba ako? 'Wag na lang siguro? Baka kasi ako naman ang mapahiya nito. Aist!! (gulo ng buhok) Bahala na nga lang!

Bubuksan ko pa nga lang sana 'yong pinto ng makita kong umikot 'yong doorknob at iniluwa doon ang isang naka-muscle shirt na lalake sa harapan ko. Tangna Riana!! 'Yong abs. Bakat na bakat.

"H-Hi---"

*BOGSSS**

Napapikit ako dahil sa isang malakas na tunog galing sa pinto niya na isinara bigla sa harapan ko. TAKE NOTE: Ang lakas ng pagkakasara niya. Na ultimo hangin naramdaman ko na. Letche 'yon, ha! Asan ang manners ng hayop na 'yon?

"Bwisit!! Walang modo---ARAYY ARAYY ARAYYY.." daing ko sa sakit. Pinatid ko lang kasi 'yong pinto niya dahil sa inis ko.

Biglang bumukas ulit 'yong pinto at lumabas ang nag-aalalang demonyo.

"What happened? Are you okay? Saan ang masakit?" sunod-sunod na tanong niya habang nakahawak sa paa ko

Napangiti naman ako agad dahil sa inasta niya. His avoiding me yet he cares me.

Mukhang natauhan naman siya sa ginawa niya saka papasok na ulit sa kwarto niya. But before he can escape,  I immediately grab his shirt.

"No more avoiding me again, Fiezer. At baka pagsisisihan mo kung anong gagawin ko sa'yo." banta ko sa kanya

Humarap naman siya agad sa 'kin na blanko ang kanyang mga titig.

"Pagsisisihan ang alin?" painosente pa niyang tanong sa 'kin

"Na baka 'di na rin kita kakausapin katulad ng ginawa mo sa 'kin noon sa pang-iiwas?!" I said then smirked

"Your kidding right?" sabay taas ng kilay niya

"Am I?" pabalik ko sa kanya

"Fuck, Riana. Bakit ka ba lageng ganyan?" Ano daw?

"What? Gusto ko lang namang magpapansin sa'yo, ayaw mo noon? Bakit hindi mo ba ako namiss?" mapang-asar kong tingin

My Boss is a Gangster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon