Friendship❤❤

1.9K 32 2
                                    

CHAPTER TWENTY-THREE

Riana's PoV

MONDAY

Buong magdamag akong nakabantay kay Kuya. Halos di na nga ako makatulog ng maayos dahil sumasakit lage 'yung puso nya. He took his medicine everyday. Pero kahit na ganun, bumabalik parin 'yung sakit nito. Yung kirot.

Kahit ako walang magagawa kundi ang tignan nalang ang Kuya ko na nagdurusa sa sakit nya. Lage nya'ng sinisigaw na ang sakit sakit daw ng puso nya. Ang sakit sakit na naman daw ng puso nya. Pero alam nyo kung anong mas masakit? Yung makita ang kapatid mo na nahihirapan na at gusto paring wag sumuko. Kahit ngumingiti sya pero alam mong sa kaloob looban nito ay isang nakakalungkot na ngiti.

Lunes ngayon at kahit gusto kong wag nalang pumasok pinapapasok parin ako. It's our exam.

Walang gana at pagod akong pumasok parin sa school. I saw Chloe and Ivan na papalapit na sa akin.

"How's Kuya Cielo? Is he ok, now?" bungad agad sa kin ni Chloe

Umiling lang ako sa kanya bilang sagot sa tanong nito. Mayamaya ay lumabas na naman ang mga luha ko. Pagod na pagod na ako. Pagod na pagod na akong makitang ganun si Kuya sa harapan ko. Ang sakit. Ang sakit sakit lang. Na kahit sabihin man nating nagpakatatag si Kuya, ako parin 'tong nahihirapan. Ako parin 'tong nahihirapan na makita syang dinaramdam ng paulit ulit sa kanyang sakit.

Yinakap nalang nila akong dalawa saka dun na humagolgol. Wala akong pakialam kahit pagtinginan man kami dito sa corridor. Ang gusto ko lang ay mailabas lahat ng nararamdam ko.

"Chloe.. Bakit ganun? Bakit kami pinaparusahan ng ganito? Bakit pa kailangang humantong sa ganun si Kuya? Ang sakit sakit na, Chloe. Natatakot akong mawalan na naman ng isa pang Kuya.. huhuhuhu.." pag iyak nalang ang kaya kong magawa. Dahil sa klase ng sakit ni Kuya, wala akong magagawa.

"Sshhhhh... magpakatatag nalang tayo para kay Kuya Cielo. Let's just pray for him. For his health. Ng sa ganun.. kahit 'yun nalang.. 'yun nalang ang kaya nating maibigay na tulong para sa kanya." hinahagod nya lang 'yung likod ko upang pakalmahin ako

"God has a reason, Riana... All is well." Ivan

After ng pag uusap namin dumiretso na kami sa classroom. Mugtong mga mata ang ibinungad ko sa lahat ng mga kaklase ko. Lahat sila nagpapasalamat ako na kahit di ko sila close.. pinagdarasal parin nila ang kalagayan ni Kuya.

Mga ilang oras rin kaming naghintay sa prof namin at maya't maya ay dumating naman ito. Lahat sila excited na sa exam maliban nalang sa akin na walang iniisip kung ano na nga ba ang nangyayari kay Kuya sa Hospital. Sumasakit na naman ba 'yung puso nya? Inaalagan ba sya ng maayos ng mga nurse? Pati kay Dad? Pero may tiwala naman ako kay Dad. Alam ko namang aalagaan at babantayan nya si Kuya katulad ng ginawa ko sa pag aalaga at pagbabantay nito 24/7.

".. so this time.. I will gave you 30 minutes to finished your made. Finish or none, lahat kayo ay titigil na at dadalhin nyo isa isa ang mga niluto nyo sa harapan ko. Then after that, doon ko lang ibibigay ang grades nyo for your preparations. Lahat naman siguro kayo may Grade Slip na nakahawak, right? Then.. let's start..." Mrs. Cajocson

Lahat kami nakapwesto na. Katabi ko si Ivan at katabi naman nya ay si Chloe. Kahit kailan talaga di naghihiwalay 'tong magsyota na 'to sa isa't isa. Kung asan ang isa nandun din ang isa. Napailing nalang ako sa naiisip ko.

"Kaya natin 'to.." masiglang sigaw ni Chloe sa amin

Nagsimula narin naman kami. 30 minutes lang ang ibinigay sa min nung prof namin kaya kailangan matapos na agad to. Mukha kaming nasa contest. May oras pa.

Medyo nasunog pa 'yung niluto ko kaya kinakailangan kong gumawa ulit. Yung kay Chloe imbes na sakto sa lasa naging maalat. Nakakatawa yung mukha nya ng tikman nya yung niluto nya. Kung di naman kasi maalat kulang naman sa timpla. Yung mukha nya gusto ng sumuko. Si Ivan naman kanina pa natapos. Kaya ang ginawa nya ay palihim nyang tinutulongan sa Chloe. Ang gaga ang saya saya pa nya. Tsk. Lovebirds nga naman.

Tinikman ko naman 'yung niluto ko. Perfect na ewan. Bahala na. Kapag kasi ako 'yung nagluluto di ko alam kung ok na ba o hindi. Ewan ko sa dila ko. Wala atang support sa kin. Ng ipinatikim ko naman kay Ivan at Chloe nag thumbs up 'yung dalawa. That means.. PERFECT!!

Pagkatapos nun. Nagsiayos narin kami dahil tapos na kami lahat. Unang pumunta sa harapan si Mitch. Yung babaeng feelingera naming president. Sunod sunod yun.. then si Nerd. Then si Chloe. Lumapit sya sa amin na masayang nakangiti habang pinakita nya 'yung nakuha nya.

'1.3 -

That means pasado sya.

Sumunod naman ay kami ni Ivan na halatang kabado din mula pa kanina. I tapped his shoulder and smiled.

"Pasado ka. Don't worry. Alam ko namang mula pa kanina iniisip mo si Chloe kaya ka madaling natapos." ako. Bigla namang namula 'yung tenga nya. Tamo. Nagblush pa ang loko. HAHAHA!!

Unang pinatikim kay Ivan. Kain subo lang ang ginawa ni Mrs. Cajocson saka kinuha 'yung grade slip ni Ivan. Pagkatapos ay ibinalik naman eto na may laman ng grade. Di ko na nakita 'yung sa kanya dahil dumiretso na sya.. malamang.. saan pa nga ba? Edi sa Girlfriend. Kita ko sa mukha nilang dalawa ang saya kaya kahit di ko alam. Pasado si Ivan. For sure. Sunod naman ay 'yung akin. Ganun din naman 'yung ni Ma'am katulad kay Ivan. Kain subo lang. Pero nakakapagtaka dahil ubos 'yung ginawa ko. Tumingin ako kay Mrs. Cajocson na nagtataka. Ngumiti lang sya sa kin tapos ay kinuha nya 'yung grade slip ko. And there.. i was shocked when i saw my grades. It's plot 1.0. Mukha na kong teary eyed ng makita ko ang nakuha ko. Masaya akong bumalik sa pwesto saka pinakita sa kanila ang nakuha ko.

"Wee... di nga?!" di makapaniwalang titig sa kin ni Chloe "Gaga ka. Ganun din 'yung kay Ivan." sabay nguso pa nya

Pinakita naman ni Ivan 'yung sa kanya. Totoo nga. Pareho din kami nito.

Napa'ARAY' naman ako ng hilahin bigla ni Chloe 'yung buhok ko.

"Inspired si Ateng oh," kantyaw nya sa kin

"Kailangan talaga hilahin pa 'yung buhok ko?! Tsk. MakaGaga ka sa kin ha," wika ko

Kahit papaano nawala sa isip ko ang problema ko dahil sa kanila. I'm very blessed to have them. Kung wala sana sila, ano kayang mangyayari sa 'kin?! Maybe.. I am now in a middle of suicide because of my problem.

Akala ko tuloy tuloy na ang saya ko ngayon but when i felt my phone vibrating and check whose been calling me.. parang lahat.. bumalik na naman..

"D-Dad?!" utal kong sagot sa kanya

"Yung kuya mo......"

My Boss is a Gangster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon