First Day of being katulong

2.6K 50 4
                                    

CHAPTER FIVE

Riana's PoV

"Ang ganda mo." wika niya sa kin

"Grabe ka!! Ngayon mo lang ba nahalata?" sabi ko sa kanya

"Pero mas maganda 'yong mga labi mo. Ang sarap halikan.." at unti-unting lumalapit ang mukha niya sa 'kin. Kunti nalang at mahahalikan na niya ako.

4 inches

3 inches

ayan na...

2 inches

magkadikit na 'yong mga ilong na----

"WAHHHHHHHHH.. Aray ko po." sakit ng pwet ko.

Napahawak ako sa labi ko. Shit!! Panaginip lang pala 'yon? Badtrip naman Oo. *snap*

"Teka? Anong oras na----*

"Iha. Gising ka na ba?" 'yong katulong siguro

"Ahh... opo.--Arayko!!" tsk. sakit talaga ng pwet ko

"Bumangon ka na. Maaga ka pang maglilinis." sigaw niya mula sa labas

Lumapit ako pintuan saka pinagbuksan siya ng pinto sa kwarto ko.

"Good morning po." bati ko sa kanya. Ngumiti lang siya sa 'kin saka naglakad na pero huminto ulit eto saka tumingin sa 'kin pabalik.

"Nga pala. Personal maid ka ni Sir Fiezer kaya kailangan mo siyang pagsilbihan ano mang oras. At kailangan mo na siyang gisingin ngayon para makakain na siya. Papasok pa 'yon sa trabaho niya." saka siya nagsimulang maglakad ulit

Doon ko lang na realize na may pasok din pala ako.

"HALA!! Oo nga." dali-dali akong pumasok sa kwarto ng BOSS KO DAW ng walang katok-katok. Nakahilata pa siya sa kama niya at ang sarap ng tulog niya.

Napaka-amo niya pag tulog. Sana ganyan nalang siya palagi.

"Ang gwapo ko diba?" biglang salita niya na ikinagulat ko

Peste!! Ang hangin niya.

"Ahh..G-Good morning boss." nanlalamig na boses ang lumabas sa bibig ko. Bakit naman kasi?

"Wala kang pasok?" tanong niya

WAAAAHHH OO NGA PALA. Aist. Talagang late na ako nito. Aalis na sana ako ng mahuli niya ang kamay ko. Shit!! Electricity. Anong nangyayari?

"Saan ka pupunta?" malambing na wika niya sa 'kin

Napalunok ako ng ilang beses saka tumingin sa kanya. Teka. Tulog ba 'to o gising na? Nakapikit pa kasi 'yong dalawang mata niya.

"May klase pa po ako Boss. Late na ako----KYAAAAAHHHHH!!" napahiga ako sa kama niya ng hilahin niya ako. Grabe. Ayoko sa ganitong feelings.

"Boss.. ang aga-aga pa po para halayin mo 'ko. Tsaka maid niyo ho ako." pabebe kong wika. Eh sa nakakakiliti 'yong hininga niya mula sa tenga ko.

My Boss is a Gangster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon