Sacrifice

2K 35 1
                                    

CHAPTER 25

Riana's PoV

Nasa hospital ako ngayon kasama sina Ivan, Chloe at Daddy. Pagkarating ko kasi dito nadatnan kong tulog pa si Kuya.

"Bruha!! Bili na muna kami ng makakain natin." wika ni Chloe sakin. Tumango lang ako sa kanya. Lumabas narin naman sya kasama si Ivan.

Napansin kong kanina pa tahimik si Dad pagkarating ko dito. Ano na naman iniisip nya?

"Dad!" sambit ko sa pangalan nya. Tumingin naman sya sakin. Pero halata sa itsura nya na pagod na pagod na sya.

Tumabi ako sa kanya sa pag-upo.

"Inaatake na naman ba si Kuya ng sakit nya?" tanong ko nito

"Hindi naman." walang kagana gana nyang tutop nya sa kin

Hinawakan ko 'yung kamay nya.

"Magiging maayos din si Kuya, Dad. Trust me." ako

"I know, Riana. Kaya lang. Habang palala ng palala 'yung kalagayan nya mas natatakot ako sa kung anong mangyayari sa kanya. Matagal na tayong naghahanap ng donor nya pero.. kahit isa wala parin." malungkot na wika ni Dad sa kin.

Pati si Dad. Unti unti na din syang sumusuko. Hindi naman kasi biro ang sakit ng kapatid ko. Yung iba nga namamatay na lang sa paghihintay. At 'yun ang ayokong mangyari sa kanya.

"Ako rin naman Dad. Natatakot rin naman ako na baka.. na baka mawala nalang bigla si Kuya sa atin. Pero alam mo ba kung ano ang mas maganda? Ang ipakita natin kay Kuya na di tayo sumusuko. Na nagpakatatag tayo. Makita nya lang 'yun.. masaya na sya." ako

"Hindi ko alam kung bakit napakabait ng diyos sa akin at biniyayaan ako ng isang mabait at matatag na anak, katulad mo. Pero hindi ko rin alam kung bakit pinarurusuhan ako at binigyan pa ng isang malaking problema." wika nya

"Dahil alam ng diyos, Dad, na makakaya mong lagpasan ang problemang ibinigay para sa'yo. God has a reason. God put you in this situation, because he know that you can do it. That you are strong enough para malagpasan 'to." ako

"I know." tanging na sabi nya

Naramdaman ko naman ang pagvibrate ng phone. Cheneck ko kung sinong tumawag. Si Monice pala. Lumabas na muna ako sa kwarto at saka pinindot 'yung call.

"Monice!!" i started

(Good news, Sis. I found a donor that match with your brother,)

Napatakip naman ako bigla ng bibig ko. Totoo ba talaga 'to?

(.. but the problem is you have to be here.)

"Monice... you don't know how happy I am right now because of that. It's ok. It's ok. We will just talk to the doctor at sabihing ililipat namin si Kuya dyan. Pero.. are you sure? Totoo ba talaga 'yan?" gusto ko lang marinig ulit na totoo talaga. Na totoong may donor na si Kuya.

(Gosh!! Im serious here. Usapang buhay na 'to for pitty sake.)

Tuloy tuloy parin ang pagtulo ng aking mga luha. God. Maraming salamat talaga. Sobra sobra akong nagpapasalamat sa inyu dahil hindi nyo kami pinabayaan.

My Boss is a Gangster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon