CHAPTER FOURTEEN
Riana's PoV
1:00 am na kaming nakauwi ni Chloe kagabi dahil sa pagbisita namin ni Kuya sa puntod nya. Kaya ngayon ay pagod na pagod pa 'yung katawan ko. Napag usapan din namin ni Chloe 'yung nakita kong eksena kahapon dito sa bahay. Ang bruha na 'yun sinabihan pa akong maghanda ako dahil sa feelings ko daw. Ewan ko sa babae na 'yun. Ang daming kalokohang naiisip.
"Oh, ija!! Ang aga mo atang nagising ha!!" si manang
Sabado pala ngayon kaya kahit pagod pa 'yung katawan ko kailangan na naman akong magtrabaho nito. HAY NAKU!!
"Baka pagalitan ako ng boss ko manang pag nauna pa syang gumising kaysa sa akin." wika
"Naku! Tama 'yan. O sige na. Ipagluto mo na 'yung boss at ng magising mo na 'yun pagkatapos." iniwan na nya akong mag isa sa kusina.
Breakfast in bed. Araw-araw ko ng ginagawa 'yun sa kanya. Na spoiled ko pa ata ang whiteman na 'yun. Tss. ANG SWERTE NG HAYOP NA 'YUN!!
Habang nasa kalagitnaan ako ng pagluluto, hindi ko namalayang may tao na palang nakatingin na sa kin. Kaya nung paglingon ko, muntik ko ng mabato yung boss ko ng mangkok. Tss.
"Peeww!! Boss naman. Ginulat mo pa ako." wika ko sa kanya
Teka. Himala ha. Ang aga nya ata ngayon? Tsaka, may pasa na naman sya sa kabilang mukha nya. Ano na naman kaya ang ginawa nito?
"What?" takhang tanong nya. Ang hilig nyang itaas 'yung isang kilay nya ha!!
"Nakakapagtaka lang boss. May pasa na naman po kasi kayo sa mukha nyo."
"None of your business." malamig na turan nya sa kin
Edi hindi!! Nagsasabi lang naman 'yung tao. Ang sungit talaga. Nagsandok nalang ako ng pagkain at ibinigay yun sa kanya. Tinanggal ko na rin 'yung apron ko. Kinuhaan ko pa sya ng tubig saka aalis na.
"Magli----" di ko na natapos 'yung sasabihin ko dahil sa gulat ko sa biglaang pagyakap nya sa 'kin.
*DUG DUG* *DUG DUG**
Y-yung puso ko. O_____O Heto n-naman yung nararamdaman ko.
"B-boss..." mahinang sambit ko sa pangalan nya
Mas hinigpitan pa nya 'yung yakap nya sa 'kin to the point na nararamdaman ko na 'yung hininga nya sa tenga ko.
"Why did i feel this thing when your around?" sya
"Boss---"
"Maybe because I lik----" i stopped him saka humiwalay sa kanya
"U-Uhmm.. M-maglilinis na p-po muna ako b-boss." then i leave him..
Bumalik ako sa kwarto ko at nagsimula ng maglinis. Kunting ayos at pagpapalit lang sa bedsheet ko ay tapos na ako. Sumunod naman ay sa kwarto ng boss ko. Dahan-dahan kong pinihit 'yung doorknob saka pumasok ng dahan-dahan sa kwarto nya. Baka lang kasi maabutan ko pa sya. Nakita ko ang mga nagkalat na damit sa sahig nya. May naapakan pa akong bote ng alak. Tss. Basagulero na nga lasinggero pa. TURN-OFF NA TALAGA AKO SA KANYA!! Pero sa Abs nya malaking HINDI!! Ang sarap kayang pagmasdan nun.
BINABASA MO ANG
My Boss is a Gangster (COMPLETED)
RomanceMeet Adriana. Ang pinaka pilosopa sa lahat ng pilosopa. Mahilig sa pagluluto lalong lalo na sa pagpipilosopa nya. Pero ng dahil sa punishment, makikila nya si Fiezer. Ang boss nyang ubod ng ka gwapohan. Paano kapag may malaman syang hindi maganda, a...