CHAPTER TWENTY-SEVEN
Riana's PoV
Ang bilis ng panahon. Bukas babalik na kami sa pilipinas para sa graduation namin.
Nandito parin naman kami sa Italy. Pero syempre kasama na namin si Kuya. Pagkatapos kasi ng pamamalagi nya sa hospital nung binalita na gising na sya ay bumyahe na agad sila. At sobrang saya ko din dahil ikakasal na silang dalawa ni Monice este Ate Monice na pala. Nakaraang araw lang nag propose si Kuya sa kanya. Akala nga namin aayaw ni si Ate Monice dahil ilang minuto na syang tahimik. Pero saglit lang at nagsalita na rin sya.
"Bruha. Handa na ba lahat ng gamit natin para bukas?" si Chloe.
Oo nga pala. Sina Ivan at Chloe stay strong parin naman. Kaso. Enemy sila ngayon. Akala ko nga di sila mag aaway ee. Ang sweet kaya ng relasyon nila. Pero 'yun nga.. di sila bati ngayon. Wanna know why? O sige. Chika ko sa inyu.
So ayun nga. Kaya sila nag away dahil nakita daw ni Chloe na may kahalikan si Ivan. Pero sabi naman ni Ivan. Pagbebeso lang 'yun. Naalala ko tuloy dito si Fie--aistt.. tama na nga.
Ahh basta. Di sila bati ngayon. The end. Period.
"Nga pala. Nakita mo ba si Ivan ngayon?" tanong ko sa kanya. Kanina ko pa kasi nahahalata na walang Ivan sa bahay na 'to.
"Ay naku! Ewan ko sa lalake na 'yun. Baka nasa kabit na nya. Aishh. Kagigil talaga sya." inis na wika nya habang ginugulo pa nya buhok nito. Nakakatawa lang itsura nya.
"Kabit ka dyan. Di pa nga kayo kasal diba?! Tsaka.. alam mo namang ang gwapo ng Boyfriend mo. Malamang ang daming maghahabol nun. Ako nga crush ko 'yun e," pagbibiro ko sa kanya. Kumunot naman bigla 'yung noo nya.
"Hmp. Pati ikaw di na tayo bati." alis nya sa harapan ko. Sinundan ko naman sya hanggang sa makalabas kami ng bahay. Nasa pool kami ngayon.
Tss. Mukha talagang bata 'tong babae na 'to.
"Wow te!! Grabe ka ha. Crush lang naman. And i never imagined myself na susulotin ko 'yang Boyfriend mo." sabi ko
"Bakit ba kasi---ARGGGHHHH!!" sigaw nya sa inis. Frustrated na rin 'yung pagmumukha nya.
"Alam mo kung ako sa'yo. Makikipagbati nalang ako kay Ivan kesa naman lalaki pa 'yang away nyo. Ivan love's you. And don't also jump into conclusion. Oo nakita mo 'yung pangyayari pero.. do you.. try to asked him or to hear his explaination?" wika ko. Tumingin naman sya sa 'kin saka umiling ito.
"See. Alam mo bruha.. ang sarapppp sarap na ng pag ibig nyong dalawa at ngayon sisirain mo pa dahil lang dyan sa pag iinarte mo." ako
"Ayoko lang naman kasing.. m-may lumapit sa kanya na ibang babae. Tsaka nung makita kong ang saya saya nilang dalawa na nagtatawanan parang.. ang sakit lang sa pakiramdam na 'yun." malungkot nyang kwento sa 'kin.
"Hindi naman kasi natin masisisi 'yung ibang tao, bruha. Baka lang kasi may sinabi 'yung babae na 'yun na nakapagpatawa kay Ivan. Pero alam mo kung ano ang mas maganda? Ang makipagbati ka na sa kanya. Kasalanan mo man o hindi, kapag mahal mo 'yung isang tao, makikipagbati ka sa kanya at hihingi nalang ng tawad." sabi ko nalang sa kanya
BINABASA MO ANG
My Boss is a Gangster (COMPLETED)
RomanceMeet Adriana. Ang pinaka pilosopa sa lahat ng pilosopa. Mahilig sa pagluluto lalong lalo na sa pagpipilosopa nya. Pero ng dahil sa punishment, makikila nya si Fiezer. Ang boss nyang ubod ng ka gwapohan. Paano kapag may malaman syang hindi maganda, a...