MILLENIALS

3.2K 45 1
                                    

CHAPTER TWO

Riana's PoV

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa aking mukha. Tsk. Sino ba kasi ang nagbukas ng kurtina sa kwarto ko?

*Tok tok tok

Sabay pasok ng kung sinong alagad ni Anabelle. Si Kuya.

"Buti't gumising kana. Akala ko kasi nakulong ka na sa panaginip mo." unang bungad niya sa 'kin sa umaga.
"Oh? Bumangon ka na diyan. Dad's waiting for you." pagkatapos ay lumabas na siya sa kwarto ko

Wala akong magawa kundi ang bumangon na. Pero syempre kailangan ko ng kaunting exercise din noh. I need to stay sexy inside and out.

After a minute dumiretso na ako sa banyo ko para mag-ayos ng mukha. Baka kasi may laway. Aasarin na naman ako no'n ng kapatid ko.

Pagkatapos ng kaepalan sa mukha ko ay lumabas na ako ng kwarto at hinanap agad si Dad.

(Diretso sa kusina)

Wala si dad.

(Punta sa kitchen area)

Wala din. Ayts. Gano'n parin pala 'yong daan ko. Bobo ka talaga kahit kailan Riana.

(Punta sa pool area)

Ayon, kita ko na si Dad nagbabasa ng news paper.

"Dad----" 'di pa nga ako nakakatapos sa pagsasalita ng magsalita na siya. Naamoy niya pala ako? Aso ata Daddy ko noon.

"Go to my office after your class. Someone wants to meet you." He said sabay lagok ng kape niya

"Ahh ehh Dad----"

"And don't bring Chloe in my office. Ikaw, sarili at katawan mo lang ang dalhin mo doon sa opisina ko." dad

"Huh? Bak----"

"Are we clear, Riana?" Dad

Oh ano, Riana? Sasagot ka pa? H'wag nalang kaya?

"Y-yes----" and he cut my word off again

"Prepare for your school now. Go." Dad kong epal.

Edi go! Wala ka naman palang napala sa paghanap mo sa dad mo. I was about to go inside when he stop me.

"You're so quiet today. May problema ka ba, anak? Kanina ka pa hindi nagsasalita ha?" inosenteng tanong niya sa 'kin

Pigilan niyo ko! Pigilan niyo ko. Baka kung ano pang magawa ko sa dad ko. Ang lapit pa naman niya sa pool.

"Dad! Kanina pa HO ako nagsasalita, KASO pinuputol niyo HO." pakalma kong sagot sa kanya. Take note. Kinakalma ko lang sarili ko dahil DADDY ko 'yon.

"Huh? Gano'n ba?! Akala ko-----" ako naman ngayon ang pumutol sa salita niya

"Ubosin mo nalang kape mo, Dad. Baka lumamig na..." sabay pasok ko sa loob ng bahay.

KANGINIS!!!!!
(Sabay gulo ng buhok)

Nakita ko si Kuya sa dining na kumakain na. Tumingin naman siya sa gawi ko.

My Boss is a Gangster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon