CHAPTER THIRTY
Riana's PoV
Pagbalik ko sa bahay may mga tao ng andito. It's 8:30 in the evening now, actually.
"Dumating ka na pala. Kamusta lakad?" si Kuya ng makita nya akong paakyat na sa hagdan.
"Ok lang naman." walang gana kong sagot sa kanya
"Si Kuya Stevan mo ba ang pinuntahan mo?" alam nya agad?
"Hmm." tumango nalang ako. Pinaakyat na rin nya ako sa kwarto ko para makapagpahinga raw ako kahit saglit lang.
Pumasok na rin ako sa kwarto ko. Nakita ko sa lamesa 'yung phone. Naiwan ko pala 'to. Nakita ko namang biglang umilaw 'yun kaya agad akong lumapit para kunin 'yun. I saw Chloe's name on the screen.
"Bruha---"
(Asan ka?) pagputol nya agad sa kin
"Kwarto ko. Bakit?"
(Sa'n ka galing? Sabi ni Kuya Cielo umalis ka raw.)
"Bumisita lang kay Kuya Stevan sa sementeryo. Ngayon lang din ako nakabalik. Yung phone ko naiwan ko dito sa kwarto."
(Ahh ok! We're on our way na sa bahay nyo.)
"Ge. Pahinga na muna ako saglit. Just don't disturb me while im sleeping. Got it?"
(Yes boss. Hahaha, bye!)
Tss. Loka-loka talaga.
Pagkatapos ng pag uusap namin dumiretso na ako sa banyo para makapagligo.
After a minute tapos na ako. Pumunta naman ako sa walk in closet ko. Simpleng damit lang ang sinuot ko. Nasa bahay lang din naman ako at matutulog lang. Kaya ok na 'to.
*tok tok tok*
Nabaling 'yung tingin ko sa pinto ng may kumatok. Lumapit ako sa pintuan saka pinagbuksan ng pinto 'yung kumatok. Bumungad sa 'kin ang malaking ngiti ni Chloe saka dire-diretsong pumasok sa loob ng kwarto ko. Psh. Manners.
"Did i even told that don't distu----"
"disturb you while your sleeping?" dugtong nya sa salita ko. "Di ka naman natutulog ee. Tsaka pinagbuksan mo pa nga ako ng pinto," nakapamewang pa sya
"Patulog pa lang, ok! Pagod din ako kaya kailangan kong magpahinga saglit." wika ko sa kanya. Dumiretso ako sa kama ko at humiga. Sumunod naman sya sa 'kin pero nakatayo lang sya habang nakataas pa ang isang kilay nya.
"Na-uh!! Your not going to sleep my dear bestfriend," nakita ko ang pagguhit ng kanyang ngiti sa kanyang mukha
"Pagod ako, ok. Tsaka bakit ba kasi-----"
"So ayaw mong makita 'yung dear Ex-boss mo na kasama ang babaeng 'yun? Ahh sino nga ulit 'yun? Ahh yes! It's Lalaine," sabi nya
"What?" muli akong napabangon dahil sa gulat.
A-andito na siya? Kasama si L-Lalaine?
BINABASA MO ANG
My Boss is a Gangster (COMPLETED)
RomanceMeet Adriana. Ang pinaka pilosopa sa lahat ng pilosopa. Mahilig sa pagluluto lalong lalo na sa pagpipilosopa nya. Pero ng dahil sa punishment, makikila nya si Fiezer. Ang boss nyang ubod ng ka gwapohan. Paano kapag may malaman syang hindi maganda, a...