Her NEW HOME

2.4K 39 1
                                    

CHAPTER FOUR

Riana's PoV

Lugmok akong nakaupo sa passenger seat kasama ang bagong amo ko DAW!! Daddy. Talaga bang kailangan pa akong maging maid sa hinayupak na 'to? Ang ganda ko namang maid niya. Sana inasawa nalang niya ako.

"Mukha kang parot sa itsura mo. Will you just.. try to smile? Just now?" Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya

Nakakainis ang kapogian niya.

"Parot ka d'yan! And how can I smile kung 'yang pagmumukha mo ang nasa harapan ko? Mas gugustohin ko pang umupo sa likuran para magmukha kang driver. Tsk!" inis kong wika sa kanya

Tumingin siya sa 'kin ng masama. Singkit na rin 'yong dalawang kilay niya. 😂

"WHAT? Sa gwapo kong 'to magiging driver mo? Fuck you!!" singhal niya sa kin

Aba!!

"Grabe ka namang maka fuck you sa 'kin. Kita mong ang aga-aga pa. Excited ka masyado. Bakit? Type mo 'ko?" 😏 pa cute kong tingin sa kanya

Inalis naman niya 'yung mukha ko at pinalingon sa kabila.

"Nakakadiri ka." wika niya

Lumingon ako sa kanya pabalik. Aba! Kung hindi lang 'to nagmamaneho ngayon kanina ko pa 'to napatay.. Sa sarap 😂😂

Kadiri nga ako!! 😅😅

"Itong pagmumukha kong 'to nakakadiri? H'wag mo kong mainis-inis whiteman ka. Nauutot na ako dito. Baka gusto mong pasabugin ko 'to sa loob ng magkatotoo 'yang sinasabi mo sa 'kin?" inis kong singhal sa kanya. Napa break naman siya bigla sa pagmamaneho kaya ang resulta ay napasubsob 'yong pagmumukha ko sa harapan.

"TANGNA MO!! Bubukolan mo ba ako?" nakakainis na talaga siya

Nagmaneho ulit siya.

"First impression palang nakaka turn off ka na." wika niya

"So crush mo nga talaga ako?" gulat akong napa eye to eye sa kanya

Grabe. Makamandag pala ang kagandahan ko. Kapag eto nagsinungaling.. CONFIRM.. crush nga niya ako.

"Tsk. Where here." saka lumabas siya. Tumingin ako sa labas at halos malaglag 'yong panty ko dahil sa ganda ng bahay. Ang laki.

Lumabas ako ng kotse ng hindi inaalis ang tingin ko sa bahay. Mansyon ba 'to?

"B-bahay mo 'to?" tanong ko sa kanya

"What do you think?" pabalik na tanong niya sa kin

Aba! Kung ganitong bahay lang din naman ako maglilinis hindi na ako uuwi sa amin. Re-rapin ko 'tong puting tao na 'to para mabuntis ako at maging asawa na niya ako. Ayos 'yong naisip ko ha! 😅😅

"ARAYKO!!!" sabay hawak ko sa noo ko. Ang sakit makapitik ng tao na 'to.

Bakit ba ang mga lalakeng maputi ngayon, mukha ng mga babae? 😑

"Ngumingiti ka ng mag-isa d'yan. Para kang tanga." wika niya sa kin

Teka..

(..will you just.. try to smile? Just now?)

Oo nga naman.

"Tanga ka ba o sadyang matanda ka lang? Ikaw tong sinabihan akong ngumiti kahit ngayon lang, tapos ngayon pagsasabihan mo kong mukha akong tanga? Nakakabobo ka rin, e, noh? Nagkaitsura ka lang ng ganyan naging makakalimutin ka na. Tsk." wika ko sa kanya na may pailing-iling pa

I heard him murmured but I didn't know what he say. Tsk.

Pinapasok niya ako sa bahay niya at pinalibot sa buong lugar dito sa loob. Akalain mong may 20+ silang kwarto. At walangya. May mga katulong pala siya dito kumuha pa talaga ng isa pa. Grabe!! Oh, edi siya na talaga mayaman. Dumiretso kami sa kwarto niya at halos lumuwa na 'yong eyeballs ko dahil sa laki ng espasyo nito. Malaking kama. Malaking banyo na parang kwarto ko na ata sa laki. Pati sa walking closet este walk in closet niya ang laki.

"Maglinis ka na." utos niya sa kin

"Hindi ba pwedeng bukas nalang? Pagod na pagod ako eh." sabi ko sa kanya.

Sa laki ng kwarto niya, kaya ko pa bang linisin 'to?

I heard him sighed.

"'Yong kwarto mo. Katabi ng kwarto ko. Go and have some rest." wika niya sa kin. 'Yon, oh!

Biglang nabuhayan ang katawang lupa ko dahil sa narinig ko mula sa kanya.

"Talaga? Yeyy! Salamat boss." He just nodded saka dumiretso sa kama niya at humiga na

Dali-dali naman akong lumabas sa kwarto niya at pumasok sa kwarto ko. Grabe ang laki din ng kwarto ko. Mukhang nasa half 'yong sa akin. Lumibot libot lang ako sa kwarto ko saka dumiretso sa kama. Maya-maya pa ay nakatulog na ako dahil narin sa pagod.

My Boss is a Gangster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon