CHAPTER FIFTEEN
Riana's PoV
Month's past by at nahahalata ko na ang pang-iiwas sa 'kin ng Boss ko. I'm not that kind of woman na hindi ko alam that he likes me. Tss. Yung whiteman na 'yun. Kung makaiwas sa 'kin kala nya di ko parin sya papansinin?! Aba! Sino nalang magbibigay ng sweldo sa 'kin noh. Pero nakakainis lang isipin na kung 'yun ang gusto nya, then maybe.. i can't utter a words right now.
"Oh! Ayan na ang cookies nyo. Sana naman magsawa na kayo ngayon?" inis kong nilapag 'yung pagkain sa harapan nila. Andito na naman kasi sila sa bahay ng boss ko.
"Salamat, prinsesa!!" masayang ngiti sa kin nitong impaktong kaibigan ni Boss. Simula ng bumabalik sila sa bahay nato prinsesa na ang tawag nila sa 'kin. Sana maid nalang dahil ako 'yung laging taga-luto sa mga hayop na mosquito na 'to. Psh.
Inismiran ko nalang sya at bumalik na ako sa kusina pero napahinto rin naman ng makita ko 'yung boss ko na inaamoy 'yung niluluto ko gamit ang kamay nyang pinapalapit ang amoy sa ilong nito.
"Gutom ka na po boss?" tanong ko sa kanya na nakapagbalik sa ulirat nya
"I'm not." matipid na sagot nya. Ni hindi man lang ako tinignan kahit ilang minuto. Umalis sya sa harapan ng niluluto ko. Lumapit ako dun at kinuha 'yung sandok. Tinikman ko 'yung niluto ko.
"Luto na 'to." wika ko kahit alam ko namang di nya ko kakausapin.
*clap clap** "OH!! MGA ANAK-ANAKAN KONG PATAY GUTOM, KUMAIN NA KAYO! LUTO NA 'YUNG NILUTO KO!!" sigaw ko sa kanilang lahat. Wala pang isang segundo ay dumating na lahat. Mukha silang nag re-racing!! "Masyado ata kayong gutom at ang bilis nyong nakarating dito!!" tawa kong sabi sa kanila
"Di naman.." si chinito
*ehem* tikhim ng isang nilalang na kanina pa nasa likuran ko. Lumingon ako sa kanya na nakangiti kahit ang sama ng mga pinupukol nyang titig sa 'kin.
"Ikaw rin kumain na. O baka naman gusto mo pang subuan kita?!" mapang asar kong sambit sa kanya. Nanlaki naman bigla 'yung mata nya dahil sa gulat.. i think? Isama mo pa ang mumula-mula nya'ng tenga. Hala!! Ang cute!
"Ang sarap ng sinigang mo, prinsesa!!" sambit ng isang kaibigan ni Boss
"Mas masarap pa 'yan kung may lason!! Bakit di ka nalang kumain dyan at manahimik? Lahat naman masarap sa'yo." galit-galitan kong sabi. Napakamot nalang sya sa batok nya saka nagpatuloy sa pagkain nya.
Lumingon ako pabalik sa boss ko pero nasa upuan na sya at tahimik na kumakain. Tss. Kita mo 'to. Ang sungit na bigla.
Kesa naman sa manood ako sa kanila na kumakain ay umalis nalang ako. Dumiretso ako sa pool area. Wala rin naman na akong gagawin kaya magpapalipas oras na muna ako rito.
Nakakatawa lang isipin na sa dami ko ng napagdaan dito sa bahay nya at sa kanya ay di parin ako natatanggal sa trabaho ko. Minsan na rin nya akong e-fired kaso matigas ang tita nyo. Di parin ako umaalis. Siguro nga nasanay na si Boss sa asal ko na nakakagaga lalo na sa mga pamimilosopa ko sa kanya.
Ang tagal ko ng nandito sa kanila pero kahit isang sagot sa nararamdaman ko wala parin. Abnormal na ba puso ko ngayon? Or maybe i can't accept the feelings that i have right now?
BINABASA MO ANG
My Boss is a Gangster (COMPLETED)
RomanceMeet Adriana. Ang pinaka pilosopa sa lahat ng pilosopa. Mahilig sa pagluluto lalong lalo na sa pagpipilosopa nya. Pero ng dahil sa punishment, makikila nya si Fiezer. Ang boss nyang ubod ng ka gwapohan. Paano kapag may malaman syang hindi maganda, a...