The Good Bye

2K 30 2
                                    

CHAPTER TWENTY-FOUR

Riana's PoV

"D-Dad?!" utal kong sagot sa kanya at kinakabahan din naman

(Yung kuya mo...hinahanap ka.) he said

"Pakibigay po sa kanya ng phone mo.." utos ko nito. Mayamaya ay nagsalita narin naman si Kuya. Nagtanong siya tungkol sa exam ko.

"Naka plot 1 ako," sabi ko sa kabilang linya

(Hmm.. congrats. At buti naman... d-di mo nilason.. 'yong prof mo sa l-luto mo.) mahinang wika niya

Pati boses niya. Pahina narin ng pahina dahil sa hirap niyang guminhawa.

"Kuya naman. Alam kong masama ako Oo, pero hindi naman ibig sabihin noon papatay na ako ng tao. Loko ka talaga.." ako

Narinig ko naman ang pagtawa niya ng mahina. Masaya na ako kahit ganyan kahirap si Kuya sa sakit niya ay nagagawa niya paring tumawa kahit papaano.

(Babalik k-ka ba d-dito?)

"Yeah. Alam mo namang aalagaan pa kita diba?!" sabi ko

(M-magpahinga ka na m-muna. Bukas k-ka nalang b-bumalik dito sa H-hospital.)

"Kuya naman----"

(Please, Riana. K-kahit ikaw man lang.. kahit ikaw nalang ang magpahinga. Buong araw ka ng n-nagbabantay sa a-kin. Please. This is what your brother's favor. Don't worry. Dad's here. He c-can take care of me.)

Wala akong magawa kahit na magpumilit pa ako. Kahit naman pagod ako.. basta sa kanya walang kapagoran kapag siya na ang binabantayan ko. He ended the call because he needs to rest for now. Don't worry Kuya. Bukas na bukas babalik ako sa hospital.

Nag congrats lang sa amin ang mga prof na nag exam sa'min then after 5 hours pinauwi na rin kami dahil wala na daw kaming klase sa hapon. Thanks god at makakapagpahinga narin ako kahit kunti man lang. Inayos ko na rin ang mga gamit ko dahil babalik na naman ako ulit sa mansyon. Ilang araw na nga ba? Ilang araw na nga bang wala kaming salitaan ng boss ko?

"Bruha!" si Chloe

"Hmm?" ako

"Bibisita kami mamaya kay Kuya Cielo. Baka gusto mong sabay nalang tayo?!" tanong niya

"Bukas nalang siguro ako. Pinapahinga rin kasi ako. Kuya's favor." ako

Tumangotango naman siya sa sinabi ko.

"Okay. Sige, una nalang kami. Bye." bumeso pa siya sa akin

"Bibisita nalang rin ako ulit bukas para may makasama ka naman sa pagbabantay sa kuya mo." Ivan said

"Hmm. Salamat, Ivan." ako

Umalis narin ako pagkatapos ng pag-uusap namin ni Ivan. Sana sila na talaga hanggang sa huli. They're perfect.

(A/N: It's ED-RI-YA-NA not AD-RI-YA-NA. 'Yan po ang tamang pagbigkas sa name niya.)

Pagdating ko sa mansyon. I was about to open the door nang may marinig akong nag-uusap sa loob. Mukhang andito na naman ang barkada ng boss ko.

My Boss is a Gangster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon