Kuya's Concern to ME?!

3.9K 56 2
                                    

CHAPTER ONE

Riana's PoV

Kanina pa ako bagot na bagot sa upuan ko. At halos 'di ko na maialis ang tingin ko sa aking relo. Shocks naman kasi. Dadating si Daddy ngayon mula sa states.

"Hoy Riana. Anyare sa'yo? Mukha kang natatae diyan sa itsura mo-tsaka.. tsk.." Alis niya sa kamay ko mula sa bibig. "Kagat-kagat mo pa 'yang koko mo sa daliri." inis na wika sa 'kin nang maepal kong Best friend. That's Chloe Shane Bernadillo.

"Eh.. uuwi na kasi si Dad, e. Paano kung.. paano kung nalaman pala niya 'yong ginawa ko?! Bruha ayokong makulong--ARAYKO!!" walanjo. Ang sakit makabatok ng babae na 'to.

"Gaga ka ba? Talagang makukulong ka. E kamuntikan mo ng mapatay 'yong alagang aso ng kapitbahay niyo. Tsk." paalala niya sa nangyari

E sa gago naman kasi 'yong aso na 'yon. Do'n pa talaga sa bakuran namin nagdumi at ang walangyang kapitbahay namin wala man lang ginawa. Mukhang siya pa nga ata ang nagdala sa alaga niya roon sa bakuran namin.

"Hoy!!"

"Aray ko!!" namumuro na 'tong babae na 'to sa 'kin ha. "Bakit ba kasi?" inis kong sambit sa kanya

"Wala ka na naman sa wisyo mo---Aray ko--OUCH!!! sigaw niya. Sinabunutan ko lang naman kasi. Pinigilan naman ako ng mga kaklase ko.

"Makapanakit ka sa 'kin kala mo wala tayong pinagsamahan. Tao ako. Tao. Mmm." galit-galitan kong sabi sa kanya

"Kailangan ba talagang sabunutan mo pa ako?" tanong niya

"Kung makabatok ka kasi sa akin para akong bobong tao." wika ko

"Hoy Riana, Chloe. Magkaibigan kayo. Tama na 'yan." sambit ng isa naming kaklase

"CHE!!!" sabay naming sigaw sa kaklase namin. Nagkatinginan kaming dalawa ni Chloe at maya-maya pa'y...

"Bruhaaaa!!!!" yakap naming dalawa sa isa't isa.

*PAKK*

"ARAYKOPO/OUCHIE!!" sabay naming dalawa.

Wala. Nagsampalan lang naman kami. Ganyan Kaming dalawa. Mga walang kwenta. Napakamot nalang si Ivan sa ulo niya dahil sa inasta namin.

"Pero bruha, si Dad.." malungkot kong wika sa kanya

"Tsk. Don't worry. Akong bahala sa'yo. "

Pagkatapos ng klase namin. Nagsiuwian na kami.

"...kung hindi ko pa nalaman sa kuya mo ang ginawa mo sa aso ng kapitbahay natin, malamang nasa kulongan ka na. Buti at napakiusapan ko pa sila!!" galit na suhistiyon ni dad sa 'kin

Pagkarating ko kasi sa bahay bunganga agad ni Dad ang sumalubong sa 'kin. Daig pang babae sa kanya kung maka-rap. At walanjo na kapatid. Sumbongero talaga. Sarap ilunod sa anidoro.

"May kasalanan din naman kasi sila sa 'tin Dad. That dog is trespassing." sagot ko sa kanya. Tama naman ako diba?

Napakamot sa sintido si dad. "Riana! Aso 'yon. Ano ka ba?!" malapit ng mainis si Dad sa 'kin. Kitang-kita ko kasi sa itsura niya lalo na sa pananalita.

"Kaya n---" napanguso nalang ako.

"Dad, someone wants to talk to you.." biglang sulpot ni Kuya

Ang walanjo na 'to. Kinuha ko 'yong tsinelas ko sabay bato sa kanya. Ayon. Sapol sa noo niya.

"ARAY!! Problema mo?" inis niyang tingin sa 'kin.

"RIANA!!" saway sa 'kin ni Dad
Nakakainis. Sarap bangasan.

Dad sigh heavily. "Riana. Remember about your promise to me? You broke it, honey. I'm sorry but.. I need to do this. I'm going to close your ATM. And all I have to do is to give you a punishment." Dad said

WHAT?? C-close?

"Dad..."

"Don't worry. I'll help you to find a job. This is your punishment for breaking the promised, honey. I'm sorry." He said kapagkuwan ay umalis na.

This is not gonna happen. Huhuhu.. tapos ngayon pagtatrabahoin niya ako? Ng ano naman?
Wala na. 'Di na ako mahal ni Dad. Pati ng kuya ko.

"Ayan kasi.. tsk, tsk, tsk." Kuya na iiling-iling pa ng ulo niya. Psh.

Tumingin ako sa kanya. Galit ako ngayon. Dapat galit ako ng---WAAAHHHHH Hindi ako galit... Huhuhuhu

Kinuha ko 'yong isa ko pang tsinelas saka pinaghahampas sa kanya.

"Walanjo ka!! Napakasumbungero mo talaga..." Patuloy kong hampas sa kanya

"Aray!!---Aray ko!!--Hoy!!--tsk ano bang? Masakit!!!" sabi niya

Iniiwasan niya lang 'yong mga hampas ko sa kanya. Tangna masakit raw?!

"Letche ka talaga. Alam mo bang halos nagdadasal pa ako para lang hindi malaman ni Dad 'yon, tapos ngayon isusumbong mo lang? Pakialamero ka din eh noh?" inis ko sa kanya

"Gusto ko lang namang mai-update si Dad sa lahat ng ginagawa natin. And that old woman wants to put you in jail. Is that what you want?" sambit niya sa 'kin na may pag alala

"N-no!" I answered

"Then good..ARAAYYYYYYYYY RIANAAAAA!!!!" sigaw niya sa sakit. Ginulo niya kasi buhok ko. Ginawa pa akong aso, kaya ayon. Kinagat ko.

"RIANA!!!! LAGOT KA SA 'KIN PAGNAHULI KITA!!" sabay takbo ko papuntang kwarto

"MUKHA MO!!" sigaw ko pabalik sa kanya

Tsk. Bwisit na 'yon. Lalo na 'yong Chloe na 'yon. Sabi niya siya na raw ang bahala. Psh.

Dumiretso ako sa banyo saka naghilamos at nagtoothbrush narin. Napatingin ako sa litrato na nakadikit sa salamin.

Bigla ko tuloy siyang naalala. Nakakalungkot lang at wala na siya.

"Miss ko na po kayo.." tanging nasabi ko habang nakatingin sa litrato naming dalawa na ang saya-saya noong buhay pa siya.

My Boss is a Gangster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon