???

2.2K 38 1
                                    

CHAPTER SEVEN

Riana's PoV

Kakaalis lang ni Boss patungong trabaho nya kaya ako, papunta na rin sa school. Aba! Dapat lang noh. Tsaka kaunti nalang din yung pera ko, kaya kailangan ko ng sanayin yung sarili ko sa pagtitipid. Pagdating ko sa school, ayun pagmumukha agad ni Chloe ang nakita ko. (Lage naman ee )

"Oh bruha. Anong ganap? Na rape mo na ba boss mo?" bungad nya sa kin

Di rin halatang manyakis din tong babae na to noh?! Oo. Alam na nyang nagtatrabaho ako kay boss. Akalain mo 'yun. Sinundan ako ng babae na to hanggang sa bahay. Masekreto na daw kasi ako sa kanya kaya sya na yung gumawa para malaman nya ang totoo. Psh. Kaya ayokong magsinungaling ee.

"Wala. Busy na masyado yung tao." wika ko sa kanya

"So it means, di ka naka score sa boss mo? Tss. Ang hina---*PAKK**"

"ARAYKOPO!!"

Batok ko sa kanya. Ngayon naman nakascore na talaga ako sa babae na 'to.

"Makapagsabi ka ng score sa kin kala mo manyakis na talaga ako. Gaga ka ba? Boss ko yung tao na 'yun." inis kong sambit sa kanya

"Weee May ganern te? Bakit? Yung iba nga kahit boss pa nila naging sila nga ee, 'tas ikaw nagpapabebe pa. Gusto mong padede sa kin te? Ha? Tss. Tsaka bakit? Di mo like si boss mo? Ha?" may ngiting aso pa sya. Nang aasar talaga. Pero..

"G-g..gusto!! PERO BOSS KO PARIN YUN GAGA KA BA?" sigaw ko sa pagmumukha nya. Napapikit pa sya. Hinawakan nya 'yung magkabilang balikat ko sabay eye to eye sa kin.

"Te... Ok lang naman na pagsigawan mo ko, pero yung may kasama pang laway?! WOW BRUHA SHOWERING NA 'YUN." sigaw nya rin pabalik sa kin

Juice ko po. San ko nga ba 'to napulot 'tong babae na 'to? Bakit ba may loka-loka rin akong kaibigan? Talaga bang destiny kami nito?

"Ewan ko sa'yo." iniwan ko na sya dun at dumiretso ako sa classroom

Hays.

"Adrian!!" huh?

Si ivan pala.

"Bakit?" ako

"Pa favor naman oh----"

"Ay naku! Kung pera man 'yan wala akong maibibigay sa'yo. Sorry." sabay lakad ko papuntang upuan ko

"Huh? Hindi." wika nya may kasama pang kamot (may kuto?)

"Oh ee ano 'yun? Pabebe ka naman masyado. Sabihin mo na." wika ko sa kanya

"Di naman. --" Ay hala sya!! Nagblush. Ang cute lang.

"ARAY---A-ARAY KO ADRIANA ANG SAKIT---"

"*pout* bakit ba kasi ang cute mong lalake ka? Pa arbor ng mukha mo ." pa cute kong sabi sa kanya

"Huh? Ahh.. ano-- sige wag na nga lang." sabay kamot ng ulo nya at nag walk out

"Ay teka. May sasabihin ka pa diba, Ivan? Ano 'yun?" patanong kong sigaw sa kanya

"Mamaya nalang----"

"Bruha ka. Ang bad mo. Mang iiwan ba daw sa ere!!" sabat bigla ni Chloe. Dumating na pala 'to?

"Sa ere? Bakit? Lumipad ba tayo para iwan kita dun? Tss." painosenteng tanong ko sa kanya

"Aist. Ba't ba napaka mo?" inis nyang gulo sa buhok nya. HAHAHA. Huta!! Ang sarap nyang asarin.

"Napaka ka dyan? May salita bang ganun?" wika ko

Magsasalita pa sana sya ng dumating na 'yung guro namin. Oh!! Save by the teacher!!

Yung mukha ni Chloe parang di ko na maipinta. ---Nakalimutan kong di pala ako marunong puminta ng pagmumukha nya.
Sarap lang bangasan.

My Boss is a Gangster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon