CHAPTER TEN
Riana's PoV
"...prepare for your exams tomorrow. Good Bye!" Mrs.Velosco
Nagsilabasan na lahat pagkatapos ng klase namin. Ako naman ay nagliligpit na ng mga gamit ko.
"Bruha! Tara sa canteen!" anyaya nya sa kin
"Ge. Mauna kana. Susunod nalang ako." wika ko sa kanya
"Sure ka ha!! Baka di mo na naman ako sisiputin nyan?! Kakalbohin ko na talaga 'yang kilay mo." nanlake pa ilong nya sa sinabi nya. Tss. Itong pango talaga.
"Oo na. Go na. Chupii!!" ako
Umalis na sya pagkatapos. Oo nga pala. Bakit ba ako nagpapaiwan pa dito?
"Adrian.." tawag sa kin ni Ivan
Oo nga pala. Dahil sa kanya.
"Oh ano? Ano na 'yung kailangan mo sa 'kin?" tanong ko sa kanya
"Eto naman nagmamadali!" sya
"Tss. Bakit? Aangal ka? Gusto mo suntokan nalang tayo oh?!" wika ko
Nanlaki pa 'yung mata nya sa sinabi ko.
"Heto naman di makapag antay. Daig mo pa asong gutom na gutom na." sya
Loko to. Ginawa pa akong aso nito.
"Magsasalita ka na o aalis nalang ako?" banta ko sa kanya
"Tss. Oo na. Heto na. Oh, ayan!" abot nya sa kin ng maliit na envelope. Bubuksan ko na sana ng pigilan nya ako.
"What?" takhang tanong ko sa kanya. Tinaasan ko pa sya ng kilay nyan.
"It's not for you. Paki--*sigh*--pakibigay nyan kay Chloe. It's a letter." nahihiya nyang sambit
Ay ang cute.
"Para kay Chloe? Bakit sa 'kin mo pa binigay 'to?" tanong ko sa kanya. Nangangati na yung kamay ko. Gusto ko ng buksan 'to. HEHEHE
"B-basta. Basta bigay mo nalang. Ge. Alis na ako." at saka nya ako iniwan mag isa sa classroom. Ay putcha!! Walang modo!
Kunot noo akong naglakad papuntang canteen. Tumaas pa 'yung isang kilay ni Chloe ng bigla ko etong inilagay sa lamesa.
Tsismosa ako ngayon kaya gusto ko ring malaman ang nakasulat sa papel.
"Bruha!! Nanghihingi ka na ba ng pera ngayon sa 'kin at kailangan mo pa talaga akong bigyan ng maliit na envelope?" sambit sa kin ni Chloe
"Gusto mong gawin kitang minions?" inis kong singhal sa kanya
"Ay! Ayoko." sya
"Galing kay Ivan 'yan. Ewan ko sa tsonggo na 'yun at sa kin pa binigay 'yan. Dali na buksan mo na yan." naaatat na akong malaman kasi ee.
Kita kong namula naman 'tong bruha. Oh! Anyare sa babae na 'to at namula agad?
"Kay I-Ivan? Sure ka bruha?" pag-aasure nya
BINABASA MO ANG
My Boss is a Gangster (COMPLETED)
RomanceMeet Adriana. Ang pinaka pilosopa sa lahat ng pilosopa. Mahilig sa pagluluto lalong lalo na sa pagpipilosopa nya. Pero ng dahil sa punishment, makikila nya si Fiezer. Ang boss nyang ubod ng ka gwapohan. Paano kapag may malaman syang hindi maganda, a...