The EX-GIRLFRIEND

2.2K 37 1
                                    

CHAPTER EIGHT

Riana's PoV

"Oh bruha!! Tara malling tayo." Si Chloe. Ee sino pa nga ba?!

"Yoko." tipid na sagot ko sa kanya

"Yoko? Bakit naman ako yoyoko? May ano ba----" i cut her off

HAYS..

"A.YO.KO. Gets mo na 'te? Tsaka may trabaho pa ako. Ano ka ba?" wika ko sa kanya

"Ano ba 'yan? Para malling lang?!" nagkamot pa sya ng ulo nya

"Eehh sa may trabaho pa ako noh! Maybe next time." wika ko sa kanya saka iniwan sya

Pagdating ko sa bahay. Nakakapagtaka. May kotse kasi sa labas ng bahay ni boss. Tsaka kulay pula pa. Kanino kaya 'to?

Dumiretso ako sa loob.

-__________-

May babae?

"Ahm.. Excuse me po." tawag ko sa kanya. Lumingon naman sya sa gawi ko----HUTA!! Anghel ba 'to? Ba't ang ganda nya?

"Who are you?" takang tanong nya sa 'kin

Ay!! English accent 'te.

Magpapakilala na sana ako ng biglang dumating si Manang at sumingit pa. Tss. Moment ko na sana ee.

"Andyan ka na pala, ija." Manang

Ay manang!! Mukha kang si Daddy. Halata na ngang andito na ako nagtatanong pa talaga. Loveteam ata kayo ni Dad!?

"Nga pala, sya si Riana. Personal Maid ni Boss Fiezer. Tsaka ija, sya si Lalaine Vergus E-----"

"A friend of him. Nice meeting you, Riana." Lalaine with matching smile pa

Perfect----

SANA! Baka nasa loob ang demonyo nito. Teka nga. Adriana. Friend of him lang. Wag ka ngang ano dyan.

"Ahh. S-sige. Bihis na muna ako. I'll just call my boss. Manang, paki bigyan nalang sya ng gusto nya. (Tingin pabalik kay Lalaine) Sa kwarto muna po ako." di ko na inantay pang magsalita sya. Dumiretso na ako sa kwarto ko. Bigla kong naisip 'yung pangalan nya. Para kasing may something na di ko alam?!

Pagkatapos ng usapan namin ni Boss. Bumaba na ako saka dumiretso sa living room. Nakita kong nakatitig sya sa isang frame. Tumikhim ako para malaman nyang andito ako sa likuran nya. Ngumiti sya sa kin pagkatingin nya.

"I'm sorry but my boss said, you have to leave right now. He doesn't wan't to see you." wika ko sa kanya

Bigla namang nawala 'yung ngiti sa labi nya at napalitan ng kalungkotan.

She sighed. Ngumiti sya ulit pero alam kong peke lang 'yun. Talaga bang mabait nga 'to o sa una lang talaga?

"Yeah! I know! After all this years. Galit parin sya sa kin dahil sa pang iwan ko sa kanya. *smile* I'll be back tomorrow. Thank you, Riana." saka umalis sya

My Boss is a Gangster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon