Chapter 2 : Devil's sign
Angelina's POV
"OMG!! Gurl halika na umuwi na tayo malalate na tayo oh" natatarantang sambit ni Victoria, kung di kami natulog dito kina Kuya Ace eh sana di kami malalate.
"Tsk yan kasi sabing umuwi na kagabi" suway ko at ngumuso siya.
"Kuya Ace.. Pwede pong pahatid na?" Pababeng tanong ni Victoria at binatukan ko ito.
"Aray ko" mahina niyang sambit at sinamaan ako ng tingin.
"Sure.. Hali na kayo" aniya ni Kuya Ace at tumakbo na kami sa sasakyan niya...Mabilis na pinaharurot ni Kuya Ace ang sasakyan patungo sa bahay nila Zac at pumasok kami kaagad..
"Thanks kuya!" Sigaw ko at nakita ko siyang ngumiti.. Pumasok ako kaagad sa CR at naligo.
"Angelina, Victoria! Malalate na tayo! Bagal nyo naman kumilos...First Day of school ... ganyan pa kayo? ngayon pa tayo malalate?" Sigaw ni Benjamin sa baba na halatang naasar na...
"Oo na po... napaka excited neto... as if malayo ang school like duhhh" Sigaw ko at kinuha na bag ko.
"How do I look girl?" Tanong ni Victoria habang inaayos ang kaniyang uniform.
"You look beautiful kahit ano pang gawin mo, halika na baka masermonan na naman tayo ni Benj" biro ko at tumawa kaming dalawa.
"Nakukuha niyo pang tumawa?" Pagsusuplado ni Benjamin sa amin.
"Ikaw talaga ang init ng ulo mo Benj" paglalambing ni Victoria kay Benj.
"You look gorgeous" bulong ni Zac sa akin at ngumiti, awww that smile.. shocks feeling ko isa akong strawberry ice cream.
"Lalo na if you're blushing" dagdag pa niya, help me lord!! Shocks ang guapo, matutunaw na ata ako!
"Baka naman puedeng sumabay sa inyo tong anak ko" sambit ni Manang Flora at tahimik lang si Ferio na nakikiramdam. "Oo naman po manang Flora, puedeng puede po" sambit ko para naman mas makilala namin si Ferio.
"Mag ingat ka nak ha" sambit ni Manang Flora at hinalikan niya sa pisngi si Ferio, alagang alaga niya talaga ang anak niya.
"Salamat sa inyo at mag ingat kayong lahat" dagdag pa ni manang flora and we waved at her.
Tahimik lang si Ferio habang si Victoria at Benjamin naman naghaharutan. Si Ferio yun tipong isang tanong isang sagot na tao... "A man of few words ika nga"
"Loner ba tong anak ni Manang Flora?"bulong ko kay Zac.
"Hindi naman siguro... sadyang tahimik lang siguro na tao sa Ferio may ganun talaga or puede rin na nakikiramdam lang si Ferio" sambit ni Zac, ang bait talaga na tao nitong si Zac... at napa isip ako
BINABASA MO ANG
Dealing with the devils
Mystery / ThrillerA solemn village , A school full of secrets.... Behind those innocent faces are heartless demons... Distinct Personalities... Lost souls... Are you ready to meet them? Brace yourself living in Hell..... Started : September 13, 2018 Completed : May 0...