Nick's POV
Ito na ang inaantay naming lahat... Sisiguraduhin naming kami ang magwawagi at di namin hahayaang magwagi ang kasamaan. At sasagipin ko ang aking pinaka mamahal na Angelina.
"Ang cute niyo namang tingnan, nakaka aliw para kayong mga garapata... Sa tingin niyo kaya niyo akong pigilan?" pang-aasar ni Papa Luciano. "Walang makakapigil sa akin, kahit na ikaw Nick! Mali ang pader na binangga ninyo" singhal ni Luciano.
"Paumanhin Luciano, pero hinding hindi kayo magwawagi!" Sigaw ni Kuya Ace.
"Well tingnan natin" nakangiting wika ni papa... sumenyas ito at lumabas ang mga alipin ng impyerno na kung tawagin naming Esbirro Demonio na maliliit na demonyo ngunit sila'y magaling sa pakikipaglaban, patay kung patay ika nga...
"Is that minions?" Tanong ni Benj.
"Tanga, mga Esbirro Demonio yan" sagot ni Ate Bellatrix at binatukan si Benjamin.
"Esbirro what?" Tanong uli ni Benjamin. Biglang sumugod sa amin ang mga ito at tila natuwa pa si Benj.
"Aww they're so cute" pabebeng tugon ni Benjamin at sinapak siya ni Victoria upang matauhan ito.
"Hoy Benj! gusto mo bang magwagi tayo? Umayos ka!" Sigaw ni Victoria at sinimulan na naming makipaglaban sa mga maliliit na nilalang.
"Ba't niyo ba pinapatay ang katulad nila?di ba kayo naaawa" Tanong ni Benj na ansarap tirisin.
"Wag kang mabulag sa hitsura nila, maaaring mabait at inosente silang tingnan ngunit mas mabangis pa yan sa mga tigre at kakainin ka nyan ng buhay" Sigaw ko habang pinapatay ang lahat ng mga Esbirro Demonio na lumalapit sa kaniya. Magsasalita pa sana si Benj ng bigla siyang kagatin ng isa sa mga ito.
"Ang cute talaga nila! nangangagat diba?!" Sarkastikong sambit ni Kuya Ace at tinawanan lang si Benjamin na halos maiyak sa sakit.
"Bakit ngayon niyo lang sinabi, takte naman!" Nagtatampong tugon ni Benjamin.
"Hoy Benj! Don't be such a cry baby at lumaban ka!" Sita ni Victoria at nag-iba ang aura ni Benj bigla itong naging uhaw na uhaw sa pakikipaglaban at halos mapatay niya ang lahat ng Esbirro Demonio na nasa paligid niya.
"Nice job Benj!" Papuri ko at tumango lang ito.
Tanaw na tanaw sa pwesto ko na nagsisimula na sila sa ritual...bigla akong kinabahan... Walang malay si Angelina na nakalutang sa ere na napapalibotan ng nga kandilang itim... bigla akong napadasal kahit di naman ako nagsisimba "Mama kung naririnig mo man ako.. Please po, tulongan niyo po kami, bigyan niyo po kami ng sapat na lakas upang matalo si papa"
"Nagdadasal na pala ang mga demonyo?" Biro ni Kuya Ace at sinamaan ko lang ito ng tingin. Halos maubos na namin silang lahat ng muli itong nabuhay.
"Tang-ina! Wala na bang katapusan ito?" Mura ni Ate Bellatrix... Di ko na napigilan ang sarili ko at pumunta na ako kina Lokiz at Papa Luciano.
"Samahan na kita!"sigaw ni Kuya Ace at tumango ako.. Sabay kaming tumakbo papunta sa kung saan ay nagsisimula na ang ritual.
"Nicholas! Azrael!" Nakangiti si Lokiz na parang nagtagumpay siya.
BINABASA MO ANG
Dealing with the devils
Mystery / ThrillerA solemn village , A school full of secrets.... Behind those innocent faces are heartless demons... Distinct Personalities... Lost souls... Are you ready to meet them? Brace yourself living in Hell..... Started : September 13, 2018 Completed : May 0...