Chapter 30 : Mind-controlled
Third Person's POV
Sa palasyo na kung tawagin ay Bellezaderpo.. namumuno ang Ina at Ama ni Angelina, Ace at Axel.. Ang palasyo na kung saan ay nasa kalagitnaan ng langit at impyerno. Takot ang mag-asawa na sabihin sa kanilang anak ang katotohanan. Ang tanging may alam lamang sa kanilang lihim na pagkatao ay ang anak nilang panganay na si Ace.
Ang kanilang ina ay isang anghel na nahulog ang loob sa anak ng hari ng Bellezaderpo, Silang dalawa ang naging Hari at Reyna ng Bellezaderpo, Naging maligaya sila at nagkaroon ng tatlong anak... nagkaroon sila ng anak na lalake na may kakayahan na kontrolin ang kalikasan..Gusto ng Reyna na magkaroon ng babaeng anak ngunit bigo sila ng kaniyang asawa, lalake ang kanilang pangalawang anak na may kakayahang giba-in ang metal o sunugin ang bagay-bagay sa pamamagitan ng laser na lumalabas sa kaniyang mata, ang abilidad niyang ito ay nakuha niya sa kaniyang ama.
May nakapagsabi sa mag asawa na may ritwal silang gagawin para magkaroon ng anak na babae pinapunta nila sa palasyo ang magtuturo sa kanila.
At ng desidido na sila... sinimulan na nila ang ritual para magkaroon ng anak na babae kasama ang mga anghel at natupad ang kahilingan ng reyna ngunit ang kapalit nito'y kaligtasan ng bata...Siya ang napiling nakatakdang Anghel na iaalay sa Holy Demonic Night.."Alexandro malapit na ang Holy Demonic Night...Nanganganib ang buhay ni Angelina, kailangan natin siyang iligtas" nag-aalalang sambit ni Reyna Lizania, minamasdan ng Reyna ang paikot ikot na paglalakad ni Haring Alexandro.
"Hayaan natin si Luciano sa kaniyang plano" Sagot ni Haring Alexandro .
"Hindi natin siya pwedeng pabayaan nalang Alexandro!" Nag-aalalang sambit ni Reyna Lizania.. Hindi na siya mapakali dahil alam niyang hindi ligtas ang kaniyang mga anak lalo na si Angelina at madadamay rin ang mga inosenteng barkada ni Angelina.
"Mali ang pagpayag nating bumalik sila sa lugar na iyon" dagdag pa ni Reyna Lizania.
"Liza.. Kasama ni Angelina si Nicholas at Azrael, magiging ligtas siya" niyakap ni Haring Alexandro ang kaniyang asawa upang mabawasan ang pag-aalala.
"Mapagkakatiwalaan natin si Nicholas" dagdag pa ng hari.
"Alam kong sinabi na ni Nicholas ang lahat, iniibig niya si Angelina at ililigtas niya ito.. Bilang matalik na kaibigan ng ina ni Nicholas, pinagkakatiwalaan ko siya, ngunit hindi mo lang maiaalis sa akin na mag alala" sagot ng Reyna at niyakap ang Hari.
"Mahal na Hari at mahal na reyna.. Nariyan po si Nicholas, nais niya po kayong makita" magalang na tugon ng kawal.
"Papasukin niyo siya" pormal na sagot ng hari.
"Masusunod po mahal na hari" sambit ng kawal at yumuko ito bilang paggalang sa hari.
"Nicholas ano ang pakay mo at naparito ka?" Tanong ng Haring Alexandro.
"Mahal na Hari.. Mahal na Reyna..Bilang anak ng anghel na si Josefina at demonyong si Luciano.. Naririto po ako upang ipangakong ililigtas ko po si Angelina sa ano mang kapahamakan.. Isusugal ko ang sarili kong buhay para sa inyong minamahal na anak.. Hindi ko po hahayaang muling mag wagi ang kasamaan" magalang na tugon ni Nicholas at lumuhod sa harapan ng Hari.
BINABASA MO ANG
Dealing with the devils
Mystery / ThrillerA solemn village , A school full of secrets.... Behind those innocent faces are heartless demons... Distinct Personalities... Lost souls... Are you ready to meet them? Brace yourself living in Hell..... Started : September 13, 2018 Completed : May 0...