Chapter 5 : Ako mismo
Angelina's POV
Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari lalo na sa pagkamatay ni Wendy. Marami paring tanong ang tumatakbo sa isip ko.. Sinong pumatay sa kaniya? Sino ang mga lalakeng nakatakip ng banda? Yung naka kulay pula at puti na grupo ng mga lalake.. Sino sila?
Nakasalubong ko si Nick kinabukasan sa hallway na matalim ang tingin sa akin, nagulat ako ng bigla niya akong hatakin at pinasok sa kaniyang office.
"Aray! Ano ba nasasaktan ako" reklamo ko ngunit parang wala siyang narinig.
"Sa pagiging pakialamera mo madadamay ka" seryoso niyang tugon at napakunot noo ako.
"Ano bang pinagsasabi mo? Are you out of your mind?" Tanong ko at hinawakan niya ako ng mahigpit sa braso.
"Huwag na Huwag ka nang lalabas ng gabi" pagbabanta niya at binitawan ako.
"Sino ka ba para bantaan ako ng ganyan? Tatay ba kita? ehh kung gusto kong lumabas may magagawa ka ba?! At isa pa wag mo nga akong pakialaman di naman kita inaano dyan?!" Sigaw ko at nakatitig siya sa akin na parang nasaniban ng demonyo. Matagal kami nagakatitigan hanggang nagsalita siya.
"Ako mismo ang papatay sa'yo" malamig niyang tugon at pinaglaruan ang isang patalim sa harap ko...
"Ayaw mo naman sigurong isaksak ko toh sa ulo mo?" Bulong niya at nagulat ako nung bigla niyang sinaksak ang kutsilyo sa gilid ng ulo ko. Akala ko mamamatay na ako... parang illusion ang nangyari...
"See you around little Angel" bulong niya at kinuha ang kutsilyo.. Naiwan akong tulala.. What does he mean? Naguguluhan na ako. Lumabas ako sa office ng nakasalubong ko si Ferio.
"Hey Angelina.. How's life here in Hell?" Tanong niya at tinapunan ko lang ito ng tingin.
"Ayyy snob?" Pagpaparinig niya at sinundan ako.
"Ano bang nangyari?" Tanong niya at hindi ko siya pinansin.
"Huy Angelina" tawag niya uli.
"Stay Away Ferio!" Sigaw ko at tinulak siya hindi ko namalayang napalakas ang pagtulak ko. Na out of balance si Ferio. Lumayo ang mga kaklase ko sa akin na parang takot na takot at ng mahimasmasan ako bumalik ako sa sarili ko.
"I-I'm sorry Ferio" paumanhin ko at tumakbo.. hindi ko na napansin ang nga susunod na pangyayari... pa ikot ikot ako hanggang sa napunta ako sa may home economics room at nakita ko ang lalakeng nakapula na may kausap na isa sa mga estudyante ng eskwelahan.
"Kamusta ang pagpatay mo sa babae?" Tanong ng lalakeng nakapula.
"Matagumpay po Lucifero.. Pinalabas ko pong nilason siya" sagot ng estudyante... Siya yung lalakeng nakapula, hindi ako nagkakamali siya yung pumatay kay Wendy.. Naalala ko pa ang buhok niya at mata..
"Mabuti naman.. Makakaalis ka na" sambit ng lalakeng nakapula at tumango ang lalake, tumakbo ako pabalik ng classroom at saktong palabas ng office si Nick Infierno...
BINABASA MO ANG
Dealing with the devils
Mystery / ThrillerA solemn village , A school full of secrets.... Behind those innocent faces are heartless demons... Distinct Personalities... Lost souls... Are you ready to meet them? Brace yourself living in Hell..... Started : September 13, 2018 Completed : May 0...