Chapter 3 : Azrael
Angelina's POV
Masyado akong kinukulit ni Kuya Ace sa sugat ko, hanggang sa nag decide si kuya na sa bahay muna daw ako mag stay. Magiging panatag lamang ang loob nila kapag nakikita ako na safe kasama sila. Halos one week na akong nandito sa bahay nila kuya Ace and ilang days ko na ring iniiwasan si Nick Infierno sa school... ayaw ko ng gulo, maaga akong nagising, I heard Kuya Axel and Kuya Ace na nag-uusap sa sala on going pa rin ang investigation hindi pa rin nahahanap ang killer.
"Kuya Ace its weird at nalinis kaagad ng killer ang fingerprints or any clues, paano niya napatay yung mga estudyante sa isang iglap lang? hindi lang isa ang killer nito, marami sila" sambit ni Kuya Axel.
"Kayang gawin ito ng isang immortal na tao, isang demonyo" tulalang sambit ni Kuya Ace at tumawa si Axel.
"Kuya naniniwala ka pa rin ba sa ganun? Ang weird mo na Kuya ah" natatawang sambit ni Kuya Axel at napahinga ng malalim si Kuya Ace.
"Impossible nga yun" sambit ni Kuya Ace at napasinghal nalang ito.
"May nakawitness nga pala kuya Ace" pabulong na sabi ni Kuya Axel.
"Sino daw?" Mabilis na tanong ni Kuya Ace.
"Si Wendy Veneracion, classmate daw siya ni Angelina, pumunta siya kanina sa office at nanginginig sa takot, wag daw akong mag-ingay at papatayin daw siya ni Nick Infierno" seryosong sambit ni Kuya Axel. Patay, siguradong papatayin ni Nick itong si Wendy hindi ko maiwasang mangamba.
"Si Nick?" Nauutal na sambit ni Kuya Ace.
"Bakit kilala mo ba siya kuya?" Tanong ni Kuya Axel.
"Hindi, familiar lang" sambit ni Kuya Ace at mukhang may tinatago na something si Kuya Ace na hindi namin alam.
I fake a cough para makuha attention nila kuya.
"Angelina? Bakit ang aga mong nagising? Kanina ka pa ba dyan?" Tanong ni Kuya Axel.
"I'm bored kuya, babalik na ako sa bahay ni Zac" diretso kong sagot alam kong magrereact si Kuya Ace, alam ko na linya niyan eh.. no! Unless you told us who did that.. ang arte ni Kuya umienglish pa...
"No, Unless you tell us who did that" sambit ni Kuya Ace, oh diba..
"Wala nga kuya eh, ilang beses ko bang sasabihin sa'yo" nakakairita na rin eh, paulit ulit na lang.
"Kuya naman eh, payagan mo na ako bumalik kina Zac namimiss ko na sila eh" nagtatampo kong sabi at tumawa si Kuya Axel.
"Pshhh palusot pa! Namiss mo lang si Zac eh" pang-aasar ni Kuya Axel, hay nako, bigla akong tinawag ni Kuya Ace sa taas at pumasok kami sa kwarto niya.. Ang weird talaga ni Kuya.
"Papayag akong bumalik ka kina Zac" sambit niya at huminga siya ng malalim, tumalon ako sa tuwa finally makakablik na din ako.
"Sabihin mo muna kung sinong may gawa niyan" seryosong tugon ni Kuya Ace, hay nako naman.
"Angelina, it's a devil sign, kung sino mang may gawa niyan, he's not like us, he's a devil so sabihin mo kung sino" sambit ni Kuya Ace, how did he know about these things? Manananggal ba si Kuya? Or nag aaral ng witchcraft?
BINABASA MO ANG
Dealing with the devils
Gizem / GerilimA solemn village , A school full of secrets.... Behind those innocent faces are heartless demons... Distinct Personalities... Lost souls... Are you ready to meet them? Brace yourself living in Hell..... Started : September 13, 2018 Completed : May 0...