Chapter 7

22 7 0
                                    

Chapter 7 : Angel

Angelina's POV

"Ms. Buenaventura! Listen to me!" Sigaw ni Nick, nasa ballroom kaming dalawa ng kanilang bahay... It-It was huge at halos kompleto lahat, may movie room, swimming pool, sauna, ballroom at marami pa... Mansion talaga ang kanilang bahay with the beautiful garden na puno ng bulaklak. Nakakainis lang talaga tong si Nick kasi masyadong bossy.. Siya ang nagturo ng steps tapos lagi niya akong pinapagalitan pag hindi ako makasunod..

"This will be our song" seryoso niyang sambit at pinakinggan namin ang kanta... Hasta Luego by HRVY and Malu Trevejo..

Maganda naman palang pumili ng kanta tong mokong na toh, baka dancer siya? Or something singer?

"Uhmm are you a singer or a dancer?" Tanong ko sa kaniya at nakapokerface lang siya.

"None of your business" seryoso niyang sambit at napairap nalang ako sa hangin.. Haysss suplado as always...

"Grabe suplado naman nagtatanong lang ang tao" pagpaparinig ko sa kaniya but still wala.. These past few practices lagi nalang ako nasesermonan ni Nick kasi palagi akong late..

"The steps we did last practices will be applied Angelina.. Remember the steps" banta niya sa akin ang mangyayari kasi pag hindi ko matandaan.. lalagyan niya daw ako ulit ng marka...Hay nako ayaw ko ngang masayang ang beautiful skin ko.

Nagpractice na kaming dalawa at maswerte nga ako at natatandaan ko pa yung mga steps kundi patay talaga ako sa lalakeng toh.

"Nice steps Angel" sambit ni Nick, ang sexy ng pagkasabi niya ng Angel ayieeeeeeee!!!! Tumigil ka na nga Angelina... nahihibang ka na

"Nick?" Tawag ko sa kaniya at tiningnan lang niya ako, grabe mabaho ba hininga niya kaya hindi siya nagsasalita?

"Uhmmm nakatira ba daddy mo dito?" Tanong ko, medyo awkward kasi hindi masyado siya nagshashare about sa kaniyang life.. N.G.S.B. siguro toh, or baka naman may girlfriend dati tapos nagkahiwalay sila?or baka may girlfriend pero tinatago nya kasi strict ang father niya. Hmmmm Nick is a very secretive person.

"Yes, he's not yet here" sambit niya, halos nainip na ako kakahintay ng sagot niya .. akala ko nga deadma na naman ang beauty ko...

"Nicholas!" Tawag ng matandang lalake at paglingon ko, familiar yun mukha at nag flashback yun mga naganap sa office... confirmed it was Nick's dad.

"It's Nick" matipid na sagot ni Nick, parang close silang dalawa but I know deep inside Nick doesn't want his dad... baka coincidence lang yun kasi baka may ginawa si Nick na hindi gusto ng dad niya.

"You must be Nick's first ever girlfriend?" Tanong ng dad niya na nakangiti, actually he's kind of creepy... baka talaga NGSB no girlfriend since birth tong si Nick.

"Good afternoon sir...I'm Angelina Buenaventura and hind-" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla ako hinawakan ni Nick sa bewang at may naramdaman akong konting electricity na dumadaloy sa buong katawan ko nung hinawakan niya ako... ughhhhhh.

"So what if she's my girlfriend?" Nakapokerface na tanong ni Nick at halatang natutuwa ang dad niya.

"I'm proud of you Nicholas, I thought you're gay" sarkastikong sambit ng dad niya at umalis na ito.

Dealing with the devilsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon