Chapter 20

8 1 0
                                    

Chapter 20 : Fight for our Love

Victoria's POV

Kasabay namin si Diana ngayon and she's funny.. Hindi rin siya boring.. Bagay nga sila ni Zac.. I wonder where is my bestie right now. Sports day kaya chill lang kami magbabarkada, hindi kasi kami kasali sa mga ball games, sana naman magpakita na si Angelina bukas sa Mr. and Ms. Intramurals

"Hey Victoria! Kanina ka pa namin kinakausap... nasa earth ka pa ba?" biro ni Benjamin at pinalo ko ito.

"Aray ko!" Reklamo niya.

"Wag ka ngang mang gulat may iniisip lang ako" sambit ko at ngumisi ito ng malawak.

"Ako ba iniisip mo?" Tanong niya at natawa si Diana at Zac.

"Sino bang mag-iisip sa'yo? Eh baka binangungot na ang nag-iisip sa'yo" pang-iinis ko at ngumuso ito..

"Bad ka!" Parang bata niyang sambit at inirapan ko siya.

Naikwento ni Zac na nagkakilala daw si Diana at Zac nung hindi nakapunta si Angelina sa double date nila Lucas and that brat Lucy and the rest is history.

Nakita ko si Ferio na dumaan habang hinahabol ang matangkad at magandang babae.. Hayss asa pa siya na mahuhulog ang loob ng babae sa kaniya.

"Ferio!" Tawag ko sa kaniya at lumingon ito.

"Puro ka Ferio, Ferio, Ferio.. Maka-alis na nga" pagpaparinig ni Benjamin at umalis ito.. Hayss bahala nga siya sa buhay niya masyadong seloso wala namang kami. Torpe!

"Oh Hey guys!" Magiliw niyang bati habang tinitingnan ang babaeng sinusundan. "Darn" bulong nito sa sarili

"Gotta go...Medyo busy ako eh... talk to you later" napakamot siya sa ulo at aktong aalis na ngunit pinigilan ko siya.

"Stay or pupunta na naman kami sa dorm ng walang paalam?" Pagbabanta ko sa kaniya.

"Hindi naman ako ang mapaparusahan" sagot niya at aktong aalis na sana pero hindi ako pumayag.

"Kakalbohin kita pag di ka umupo" dagdag ko pa at wala na siyang nagawa kundi umupo.

"Aalis na kami guys, may bibilhin pa si Diana" pagpapaalam ni Zac at naiwan kaming dalawa ni Ferio.

"Saan niyo itinago si Angelina" seryoso kong tanong at tinakpan niya ang bunganga ko.

"Ano ba! Ang laki ng bunganga mo!" Sita niya at tinanggal ko ang kamay niya..

"May masama kayong ginawa sa kaniya?! Anong ginawa niyo?" Natataranta kong tanong and he rolled his eyes on me.

Dealing with the devilsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon