Chapter 18

7 1 0
                                    

Chapter 18 : Surprises

Benjamin's POV

"Malapit nang mawala si Sir Nathan!!" Excited kong sambit at binatukan ako ni Victoria.

"Ikaw talaga ang sama talaga ng ugali mo" sigaw niya at napakamot ako sa ulo.

"Kung tutuusin parang hindi guro si Sir Nathan" dagdag pa ni Zac..

"Diktador" sabay namin sagot tatlo.. namimiss na namin si Angelina, umiiyak daw siya nung isang araw pagkwekwento ni Zac..

"I want to see her" malungkot na sambit ni Victoria..

"Let's see her" sambit ni Zac at ngumiti ng bahagya.

"I miss her craziness" dagdag ko pa at tumakbo kaming tatlo palabas..

"O san kayo?" Nakakunot noong tanong ni Ferio na bagong baba sa sasakyan niya.

"Angelina" diretsong sagot ni Zac at bigla niya kaming hinarangan.

"Hindi kayo basta basta makakapasok doon" dagdag pa ni Ferio at tinulak siya ni Zac.

"Ano bang meron doon? Kulungan? Kaya siguro umiyak si Angelina noong isang araw dahil ayaw na niya doon" galit na tugon ni Zac.

"Teka, umiyak si Angelina?" Gulat na tanong ni Ferio.

"Pwede ba guys! I want to see Angelina.. Tutal nandiyan ka na Ferio samahan mo na lang kami" diretsong sagot ni Victoria.. Ang talino talaga ng babe ko.

"Pero mapapagalitan ako" napakamot si Ferio sa ulo at lumapit sa kaniya si Victoria.

"Puputulan talaga kita ng ulo pag may nangyaring masama kay Angelina" pagbabanta ni Victoria kay Ferio at walang nagawa si Ferio kundi sumunod. Tahimik ang paligid.

"Creepy naman dito" sambit ni Victoria... no wonder malungkot si Angelina para syang naka kulong dito sobrang tahimik wala man lang ingay...

"Welcome to GDE Dorm... this is an exclusive dorm at piling pili ang puede mag stay dito" pagpapaliwanag ni Ferio.

"Lagot talaga ako kay Nick" bulong niya sa sarili niya at ginulo ko buhok niya.

"Atleast hindi kami" sagot ko at ngumising nakakaloko.. Bumaba na kaming apat at pagpasok namin ng dorm.. tuwang tuwa si Angelina na parang first time makakita ng visitors...

"She looks fine" sambit ni Ferio at nagulat si Angelina sa pagdating namin.

"Guys? What are you doing here?" Nakangiting tanong ni Angelina at niyakap niya kami. "I'm so happy to see you guys" masayang wika ni Angelina

"Angelina are you ok?" Tanong ni Victoria at tumango si Angelina.

"What are you doing here?" Malamig na tanong ni Nick, biglang inirapan ni Angelina si Nick at pinapunta niya kami sa kusina at naiwan na nakatayo sa may door si Nick. "Excuse us Nick" paalam ni Victoria

"Girl! May LQ ba kayo? As in lovers quarrel?" Tanong ni Victoria.

"Nag-away ba kayo ni Nick?" Tanong ni Zac at hindi sumagot si Angelina.

"Ano bang tawag sa magkaibigan na hindi nagpapansinan?" Sarkastikong tanong ni Ferio at binatukan ko ito.

"Tumahimik ka na nga" sita ko at biglang sumulpot si Nick.

Dealing with the devilsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon