Angelina's POV
Pagkalipas ng tatlong taon..
Hindi dumalo si Nick nung graduation namin at di man lang nagpakita o nagparamdam sa amin, wala na ding nagsasalita sa kanila patungkol kay Nick.. Miss na miss ko na ito ng sobra.
Hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa kahit ilang taon na ang nakalipas alam kong babalikan ako ni Nick. Dinadalaw niya ako sa aking panaginip at para sa puso ko sapat na yun para di siya makalimutan."Angelina" bumungad sa akin ni Ferio na abot tenga ang ngiti.. Ang malas at siya ang naging sekretarya ko, wala akong choice eh, yung babaeng nahire ko ay ninakawan ako, langya yung babaeng yun. Mabuti at pumayag si Ferio na maging temporary secretary. Malapit na rin maging isang ganap na doctor si Ferio. Sabay sana kaming ga graduate kaso naging pasaway at inuna ang lovelife.
Naging ganap na ako na doctor. Gusto kong makatulong sa ibang tao at magamit sa wastong paraan ang kapangyarihan ko.
"Ano?" Tanong ko habang kinakain ang fries na dala ni Lokiz, nakasanayan ko ng binibigyan ako ni Lokiz ng mga pasalubong dahil alam niyang yun ang gagawin ni Nick.
Mabait naman talaga si Lokiz, nalaman namin na kinokontrol pala siya ng kaniyang ama at di na niya naalala ang masamang pinag-gagawa niya sa tulong ni Ate Bellatrix na kinuha ang kaniyang masasamang ala ala.
"Ilang taon ka nang nakasimangot diyan! Matagal ka nang hindi ngumingiti!" Padabog na sambit ni Ferio na parang batang inagawan ng laruan at tinarayan ko ito.
"Pake mo ba?! Para lang akong tanga na nakangiting mag-isa?loka loka lang?" Sarkastiko kong sagot at nakita kong napairap lang siya.
"Bahala ka nga dyan.. Di na yun babalik si Nick si Kuya Lokiz nalang kaya?" Wika nitong si Ferio na tinapunan ko ng documents.
"Wag ka ngang magsalita ng ganiyan! Are you out of your mind?!" Naiirita kong tugon sa kaniya at tumawa lang ito.
"Eh kung mahal ka ni Nick sana binalikan ka niya! Tatlong taon na ang lumipas oh may narinig ka bang balita mula kay Nick? Di' ba wala!" Pang-aasar niya pa at tatapunan ko na sana ito ng sapatos ng biglang may pumasok na nars sa office ko.
"Ms. Angelina may emergency po. Request po ng patient na kayo daw po ang doctor" natataranta nitong tugon at agad akong napatayo.. Si Ferio naman ay busy na pinupulot ang documents na itinapon ko at inapakan ko ang kamay nito, kainis eh!
"Aray!" Reklamo niya at binelatan ko lang ito... Hmphh dapat lang toh sa kaniya. Agad akong lumabas ng office at nagtungo sa emergency room.
"Dito po ma'am" aniya ng nars at agad akong nagsuot ng mask at pinuntahan yung lalakeng nakahiga sa stretcher... Tahimik ang paligid, nakakapanibago, walang mga nars at patients dito sa emergency room at mukhang ako lang mag-isa ang nasa sa emergency room. Wow? Prank ba toh? Hindi ko maiwasang mag isip.
"Sir? Sir?" Para lang itong natutulog. Nagtataka ako kung bat nakashades ito at may takip na puting bandana, naalala ko tuloy ang Angel of Death...tatanggalin ko na sana ang bandana ng bigla itong tumayo kaya nagulat ako sa ginawa niya. "Holy crap!" Hindi ko maiwasang mapasigaw.
"Doc masakit po ang katawan ko" wika nito kaya napakunot noo ako... Ang lalim ng boses nito, parang kay— pshhhh at napailing ako, ano ba itong iniisip ko. Parang kailangan ko na talagang mag vacation leave.
BINABASA MO ANG
Dealing with the devils
Mystery / ThrillerA solemn village , A school full of secrets.... Behind those innocent faces are heartless demons... Distinct Personalities... Lost souls... Are you ready to meet them? Brace yourself living in Hell..... Started : September 13, 2018 Completed : May 0...