Chapter 34 : Holy Demonic Night
Angelina's POV
Nagising ako at nakita ko si Ms. Deza sa harapan ko.
"Good morning sweetheart" nakangiting sambit ni Ms. Deza at napangiti ako.
"Good morning po" bati ko, napansin kong kasama niya ang anak niyang si Venice
"Good morning Ate!" Magiliw nitong sambit napaupo ako at parang walang nangyari sa akin, nawala na ang mga sugat ko at biglang bumalik ang lakas ko, hindi ko na alam kung lahat ay guni guni lamang
"Halos one week ka nang tulog ate, masyado ka bang napagod?" Tanong ni Venice at nagulat ako sa sinambit niya. One week? One week akong nakahandusay dito? One week akong walang malay? Ano ba ang nangyayari? Ang pagkakaalam ko kalahating araw lang akong nagpahinga.
"Venice, let me handle this and talk to Angelina" sambit ni Ms. Deza at tumango si Venice.
"Mamayang gabi na ang Holy Demonic Night.. Ilang araw nang nakikipaglaban ang mga kaibigan at mga kapatid mo, akala ko hindi ka na magigising, kailangan ka namin Angelina... Nakasalalay sayo ang buhay naming lahat. Alam ko nagugulohan ka pa Angelina... Maraming nangyayari na hindi ko na kaya... Na hindi na namin kaya at kailangan ka na namin" mahabang paliwanag ni Ms. Deza...matalinhaga ang mga nabigkas ni Ms. Deza at bigla akong napaisip sa mga sinabi nya. Tumayo ako at napatingin ako sa katawan ko, walang bakas na ako'y nasaksak o nabaril... Parang wala lang.
"Bumisita po ba si Nick dito?" Wala sa sariling tanong ko at napayuko si Ms. Deza.
"Hindi ako palaging andito Angelina at saka wala na si Nick" malungkot na sambit ni Ms. Deza.. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas, mahina ako kapag wala si Nick... Ewan ko naguguluhan na ako.
"Angelina!" Sigaw ni Kuya Ace at nagitla ako sa kanyang biglang pagdating
"Kuya!" Niyakap ko si Kuya at dumating sila Ate Bellatrix, Ford, Ellie, Kuya Axel, Victoria, Benjamin, Zac at Ate Vivian na nakabalot ng pula, puti at kayumanggi na kasuotan.. Inaasahan kong dadating si Nick ngunit sila lamang ang nandito.. Hindi ko alam kung bakit parang pakiramdam ko'y buhay pa si Nick.. Gusto ko siyang makita.
"Si Nick?" bigla kong tanong at napaiwas sila ng tingin.
"Nandoon sa--" hindi pinatapos ni Kuya Axel ang sasabihin ni Ferio at napakunot noo ako.
"Buhay pa si Nick diba, hindi siya patay" sambit ko at nakayuko pa rin silang lahat, napatingin ako kay Ms. Deza at umiwas rin siya ng tingin.. Ibig sabihin niloloko lang nila akong lahat na patay si Nick? Ganun ba yun? Bakit naman nila itatago sa akin ang katotohanan?
"Oo" sagot ni Benjamin at binatukan siya ni Kuya Ace..
"Tanga" narinig kong sambit ni kuya Ace at napapikit ako sa inis... Tumakbo ako palabas at nakita ko ang campus na nagmistulang warzone at maraming nakahandusay na katawan.. Napakarumaldumal ng pagkapatay sa kanila. Biglang tinakpan ang mata ko at hindi ko na alam anong sunod na nangyari.. Biglang dumilim ang paningin ko.
Kuya Ace's POV
"Napakabobo mo talaga Benjamin" galit kong sigaw kay Benj at napakamot ito sa ulo.
BINABASA MO ANG
Dealing with the devils
Mystery / ThrillerA solemn village , A school full of secrets.... Behind those innocent faces are heartless demons... Distinct Personalities... Lost souls... Are you ready to meet them? Brace yourself living in Hell..... Started : September 13, 2018 Completed : May 0...