KISH POV
Nagising akong nag-aalburuto ang tiyan. Pigil-hiningang tumayo ako mula sa pagkakahiga at agad na pinilipit ang magkabilang hita. Dahil sa beer ito kagabi, ganito naman palagi ang epekto.
Umaga na pala dahil sa sinag ng araw na agad bumungad sa mukha ko mula sa bintana na nakabukas lang. "Nasa-" ang pagtataka ko ay nahinto nang makitang nasa kuwarto ako ni Jhayce.
Tumayo ako at agad na lumabas ng kuwarto sabay pasok sa cr na katapat lang din ng kuwarto niya. Doon ko inilabas ang lahat ng ininom ko kagabi. Nang matapos ay naghilamos na rin at inayos ang sarili dahil mukha akong miserble sa itsura ko. Magulo ang buhok na parang pugaran ng manok at ang makeup lalo na ang eyeliner ay nagkalat na sa mukha ko. Puwede na ako mapagkamalang zombie.
Bumalik ako sa kuwarto at napangisi sabay iling. Suot pa rin ni Jhayce ang dress niya kagabi, sobrang ganda niya pa rin kahit natutulog at nakanganga nang bahagya ang bibig. Nakagat ko ang pang-ibabang labi nang may maisip na kalokohan. Pumunta ako sa makeover table niya at kinuha ang eyeliner.
Tatawa-tawa pa ako habang marahan na ginuguhitan ang mukha niya. Hindi ko mapigilang mapahagikhik, mabuti na lang at hindi kaagad nagigising ang isang 'to dahil sa pagod. Matapos kong guhitan ang mukha niya ay saka ako lumabas matapos kong magbihis gamit ang damit niya. Ipaghahanda ko na lang siya ng makakain para hindi magalit.
Mag-isang anak lang si Jhayce nina Mr. and Mrs. Delgado. Si Evelyn Delgado ay Principal sa isang kilalang unibersidad sa maynila samantalang si Robert Delgado... ay ayon may sarili nang pamilya. Pero kahit na may iba nang pamilya ang ama ni Jhayce ay ginagawa pa rin nito ang tungkulin nito bilang isang ama sa kaniya. Kagaya na lamang nang bahay na 'to- sa ama niya ito galing, regalo sa kaniya. Hanggang doon lang ang alam ko dahil ayaw ni Jhayce na binabanggit ang ama, kahit paano ay may galit pa rin siya rito. Ang pagkakaalam ko ay may kumpanya ang ama niya, mula yata sa may-kayang pamilya ang angkan ng mga ito.
Twenty one year-old na si Jhayce at ako naman ay twenty two, mas matanda ako sa kaniya nang isang taon. Kapag minsang nagpapa-sweet siya at medyo clingy ay tinatawag niya akong Ate Kishme na para bang nakakatuwa. Nakakainis! Tatawag na ate at sa kaniya pa talaga nanggaling? Hindi puwede.
Nakita kong may lumang kanin sa kaldero na sakto lang para sa aming dalawa kaya dali-dali ko iyong iginisa at isinunod ang omelette na paborito niya-gusto niya na marami ang mushroom at cheese doon, kapag ganoon ang inihahanda sa kaniya ay napapapikit siya na para bang nasa mga tv commercial, at ang panghuli ay ang tinapa. Matapos no'n ay saka ko inihanda sa mesa nang maayos.
Napangiti ako at napangisi nang makita kong handa na ang lahat. Pero wala pa ang kasabay kong kumain kaya tinakpan ko na lang muna iyon doon at nagpunta sa sala upang manuod.
ILANG BESES ko na bang tiningnan ang orasan? Mga lima o nasa sampung beses na yata pero ang tulog-mantika na prinsesa ay mukhang masarap pa rin ang tulog, sigurado akong malamig na ang niluto ko. Huminga ako nang malalim at pinagpatuloy ang panonood ng Garfield sa cartoons network.
Dinampot ko ang remote dahil nawawalan na ako ng gana manood, ngunit ang akma kong paglipat sa ibang channel ay naudlot nang marinig ko ang pag-angat ng pinto, na sa tingin ko ay mula sa kuwarto niya. Masigla akong lumingon at nadatnan ang babaeng nag-iinat sa daan habang suot pa rin ang dress niya kagabi.
Magulo ang golden brown na buhok, gusot ang dress na nakaangat na- agad kong inilayo ang paningin sa kaniya at tumikhim.
"Good Morning," normal kong bati kahit na medyo nanunuyo ang lalamunan ko at kumikislot ang dibdib. Why is she like that? Why is she still sexy with those messy hair a-and dress?
"Magbihis ka na muna bago kumain. Naghanda ako ng breakfast kanina pero malamig na yata kaya iinitin ko muna," dire-diretso kong sambit at agad na lakad-takbong tinungo ang kusina. Kumuha ng tubig na malamig at ngali-ngaling nilagok na agad kong ikinaubo dahil sa lamig niyon.
"Good Morning!" Pakanta niyang saad, "Okay." at agad na pumasok sa banyo. Napahinga na lang ako nang maluwang at ginawa na ang dapat gawin.
Subalit, napatigil ako dahil sa malakas na bulahaw mula sa banyo, "KISH... ANONG GINAWA MO SA MUKHA KO?!" Agad na humagalpak ang kanina ko pang pinipigilan na tawa. Pakiramdam ko pulang-pula na ako at namamaga ang buo kong mukha.
"You bitch! Papatayin kita?!" Lumabas siya mula sa banyo na puno ng bula ang kamay at tila kinulayan ng itim ang buong mukha niya. "You will pay for this!" Puno ng inis niyang sigaw saka bumalik sa loob.
Ako naman ay naiwang tawang-tawa sa nakita. Kahit habang nagluluto ay bigla na lang akong tatawa kapag naalala iyon.
Matapos ang ilang minuto at saktong inaayos ko ang mesa ay dumating naman siya. Naka-maikling white short siya at white sando na hapit na hapit sa katawan niya. "Oh my, these smells delicious!" excited niyang sabi na ikinangiti ko. Kahit paano ay nawala ang atensyon ko sa bakat niyang katawan.
Nilagyan ko ng pagkain ang pinggan niya na tila naglalaway niya naman iyong tiningnan. "Omelette!" Aniya at iyon agad ang nilantakan. "Oh my gosh!" bulalas niya habang nakatingala at nakapikit. Para siyang sira.
"Ang weirdo niyang mannerism mo, ah." nakangisi kong sabi at kinain na rin ang pagkain ko.
"It's part of thanking Him for giving us such delicious food like this. Hindi naman lahat ng bagay sa pananalangin lang makakapagpasalamat, right?" Nakangiti niyang sabi habang nakataas ang isang kilay.
"Yeah, yeah. If you're done kumain ka na nang hindi lumamig 'yan," saad ko na lang at ngumiting kinain ang pagkain ko.
"If you think I forgot what you did a while ago, think again. You have to pay me." aniyang ginamit pang pangturo ang tinidor.
"Ano naman ang ibabayad ko sa 'yo?" Mapanghamon ko ring tanong habang may pilyang ngisi sa labi.
"Hmm..." aniyang tila nag-isip habang kagat ang tinidor. "Basta, one day, when I say that you have to pay me, you have to." aniyang nakataas ang kilay.
Natawa na lang ako.
MATAPOS NAMING KUMAIN ay siya na ang nag-boluntaryo na maghugas, samantalang ako naman ay pumunta sa sala at komportableng humilata habang nanunuod. Sinisilip ko siya sa kusina at lihim na tatawa dahil sa puwet niyang kumikembot habang naghuhugas ng pinggan.
Inilapag ko nang marahan ang remote sa glass table at tumayo nang walang nililikhang ingay. Dahan-dahan na halos ilang segundo muna ang papatak bago ako muling humakbang, sa takot na marinig niya ako.
Nakangisi kong sandaling pinagmasdan ang puwet niya at kagat-labing inilapit ang daliri ko saka... pinisil.
"MAMA!!" agad niyang tili. "Walanghiya ka, Kish! Babalatan kita ng buhay!" Nanggagalaiti niyang sambit sabay kuha ng sandok at hinabol ako.
Hindi ako makatakbo nang maayos dahil sa wagas na paghalakhak. Hawak ang tiyan ay halos maglupasay na ako sa sahig, maski ang luha ko ay umaagos na dahil sa sobrang tuwa.
Dahil siguro sa inis na nararamdaman ay ibinato niya ang sandok sa akin na hindi ko ikinailag.
Naramdaman kong tila may namanhid sa bandang noo ko. Napatigil ako sa pagtawa at napatulala saka tiningnan si Jhayce sa kabilang counter na tutop ang bibig.
Lumunok ako at dahan-dahang iniangat ang kamay saka idinantay doon sa bandang namamanhid. Naramdaman kong parang may tubig kaya ibinaba ko ang kamay at...
Nanlaki ang mata ko nang makita sa daliri ang dugo na mula sa noo. "D--dugo. J-jhayce, d-dugo," utal kong sambit.
Nanghina ang tuhod ko at napakapit sa counter. "J-jhayce, dugo," huli kong sambit habang unti-unting nilalamon ng karimlan.
Nakita ko muna ang bulto ni Jhayce na palapit nang nag-aalala bago ako tuluyang pumikit.
-·
BINABASA MO ANG
[✔] It Just Happened | GxG
General FictionCOMPLETED! Ang pag-ibig ay hindi nagtatapos sa iisang kabanata lamang. Akala ni Kish, ang problemang pinakamahirap niyang kahaharapin ay ang feelings niya kay Jhayce. Matagal na siyang may gusto sa kaibigan, high school pa lamang sila. Subalit, str...