I. Twenty-six

1.8K 47 9
                                    

KISH POV

"No. No. No way!" Hindi makapaniwala niyang sambit. "There is no way!" Aniya at muli na naman sanang aalis ngunit hinawakan kong muli ang kaniyang kamay.

"Maniwala ka naman, Jhayce, o." sa nagmamakaawang tinig kong sambit.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa muli, matapos ay umiling. "Isang taon pa lang kaming hindi nagkikita ni Kishy. There is no way you'll change like that nang ganoon kabilis!" Nagdududa niya pa ring wika.

"But, it did. See?" tugon ko at inilahad ang parehong kamay sa ere. "Walang imposible sa siyensiya, Jhayce. But, if I want to I can turn back anytime with my old self. Just say so... please, believe me. Ako 'to." dugtong ko at hinawakan ang kamay niya na agad niya. namang ipiniksi.

Ipinagkrus niya ang braso at ipinaarko ang kilay. "Sigurado ka? Kung ganoon, kailan mo ako nakilala?" Tanong niya.

"Honestly, una kitang nakita sa isang kainan sa bayan." nangunot ang kaniyang noo ng sinabi ko iyon. Halatang hindi kumbinsido. Bumuga ako ng hangin at nagpatuloy ko na lamang habang kinakamot ang bumbunan, "Nakalimutan ko na kung anong kainan iyon. Basta nakita ko, umiiyak ka no'n kasi gusto mo ng ice cream pero ayaw kang payagan ng mama mo. Tumigil ka lang sa pag-iyak no'ng nabigyan ka ng halo-halo. Naiinis pa nga ako no'n kasi nakakarindi ang boses mo." nakasimangot kong salaysay. Para kasing naririnig ko pa rin sa utak ko ang pagngawa niya. "Kasunod no'n no'ng sa eskwelahan na. Iyong lumapit ka sa 'kin tapos nilibre mo ako ng burger." dugtong ko.

Tumalikod siya at muling humarap sa akin. "Kung gano'n, umuwi ka na sa inyo, puwede? No'ng pumunta ako doon, sinabi agad sa'kin ni Tita na umalis ka pa-abroad tapos pagkatapos no'n hindi ka na nagparamdam." aniya ngunit mayamaya ay biglang nalukot ang kaniyang mukha, at masakit na palo sa braso ang aking natanggap. "Ganiyan ka ba talaga karebelde, Kish? Hindi mo man lang inisip na marunong mag-alala ang nanay mo sa'yo? Iniisip niya na baka napaano ka na o kaya baka... namatay ka na sa pinuntahan mo! Ganiyan ka ba talaga ka-selfish? Uunahin mo ang sarili mo kaysa sa pamilya mo? Huh?" Pasigaw niyang pagkakasambit na natural na nakapagpakuha ng atensyon sa mga naroon.

Napayuko ako at gustong maluha. Subalit, sadyang pag-iinit lang ng mata at mukha ang kaya kong gawin. Hindi maituloy kung ano ang talagang nararamdaman ko. Ang gulo. Bagaman, isa lang ang napansin ko.

Ang pagbabago niya. "Nagbago ka na, Jhayce." wika ko. Sandali kaming nanatiling nakatayo at tahimik ngunit huminga ako nang malalim matapos ay marahang umupo. "Bukas na lang siguro. Hindi pa ako handa sa sasabihin nila patungkol sa'kin." wika ko't binaliwala ang kaniyang sinabi. "Bakit hindi mo na lang ako samahan dito at mag-usap. It's been a year since we last spoke, marami na siguro ang nagbago sa 'yo." dugtong ko matapos ay humiga sa buhanginan at tumingala. "Parang isang taon lang naman ang lumipas pero pakiramdam ko, nakatira na ako ngayon sa pluto." wika kong muli at ipinikit ang mata.

Masakit isipin na kahit saan pumunta ang tulad ko, walang tatanggap sa kung ano ako mismo. Ang hirap makisalamuha sa mga taong may salungat na paniniwala.

Naramdaman kong umupo siya sa aking tabi. 'Jhayce, nasasaktan ako. Pero alam kong wala ka ng pakialam doon.'

"Ikaw din masyadong malaki ang pinagbago. Lalaking-lalaki ka na ngayon. Hindi ko akalain na kaya mong umabot sa ganiyang level." ramdam ko ang kawalan ng emosyon ng kaniyang boses. "Bakit nga ba? Okay ka naman noon kahit palagi kang naka-black at itim na lipstick. Mas tanggap pa kita doon, kaysa ngayon na parang hindi na ikaw ang bestfriend ko mula pagkabata." aniya. Hindi ako umimik na naging dahilan upang magpatuloy siya. "Pero, bukas naman ang isip ko sa mga ganiyang issue. Kung gusto mo talaga iyan. Go. Walang may tutol kasi wala na rin naman, e. Tapos na. Nangyari na."

[✔] It Just Happened | GxGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon