"Four hundred ang araw mo dito. Depende sa 'yo kung gusto mong kinsenas o buwanan ang sahod. Kailangan mo lang gawin ay punasan ang basang sahig at sa umaga at gabi, kapag uwian na, pupunasan mo ang paikot ng salamin. Kahit ang pader kung alam mong marumi, isali mo na sa paglinis. Kung alam mong kailangan nila ng tulong, ikaw na lang ang mag-adjust. Tulungan mo na sila. Nagkakaintindihan ba tayo?" Mahabang litanya ng babaeng manager ng restaurant.Tumango ako at yumuko, "Naiintindihan ko po."
Nakita kong sinuyod niya ng tingin ang kabuuan ko at itinaas ang kilay, "Tomboy ka ba?" aniya na ikinagitla ko.
Alam ko naman ang kasarian ko pero nakakagulat pa rin tuwing nasasabihan ako kung tomboy ba ako.
"Nevermind. As long as hindi iyan makahadlang sa pagt-trabaho mo dito." aniya na ikinahinga ko nang malalim nang palihim. "Pumunta ka sa storage room. Nandoon ang uniform. Tawagin mo na lang si Venice, alam niya kung saan nakalagay iyon. Diretso trabaho ka na after at... Itanong mo na rin kung saan banda ang map at ilang kailangan mo. Remember, always put a smile kahit pagod ka na."
"Sige po, Ma'am." sambit ko at yumuko muna nang bahagya bago tuluyang tumalikod.
Agad ko namang nakita si Venice na palabas sa kitchen, nakilala ko siya dahil sa name tag niya. "Hi! Ikaw ba 'yong bago?" Nakangiti niyang tanong.
"Oo. Ah, ano... Saan daw dito ang storage room niyo, puwede mo ba akong samahan?"
"Sure. Tara!" Aniyaat nagpatiuna nang maglakad.
Umakyat kami sa second floor at pagliko namin pakaliwa ay agad kong nakita ang storage room na sinasabi niya.
Kinuha niya ang susi sa bulsa niyo pero naunahan ko na siya dahil nang itulak ko ang pinto, agad itong bumukas. "Hindi na kailangan ng susi. Bukas na 'to." wika ko.
Nangungnot ang noong tumingin siya sa akin at bumaling sa pinto, "Bakit naman mabubuksa-"
Napatigil siya sa pagsasalita nang isang singhap na paungol ang narinig namin sa loob.
Madilim sa loob kaya hindi namin maaninag kung sino ang mga 'yon.
"Narinig mo 'yon?" Pabulong niyang tanong.
Tumango ako, "Nasaan ang switch ng ilaw?"
"Nasa gilid lang."
Hindi naman ako nabigo dahil agad na bumaha ang ilaw sa kuwarto. Ipinikit ko pa ang mata ko dahil sa lakas ng ilaw pero napamulat nang isang sigaw ang narinig.
"Mga baboy!" Nalingon ko pa siya nang sambitin niya 'yon.
Umiiyak siya, hindi humahagulgol siyang naglakad paabante. At halos takpan ko ang mata dahil sa nasaksihan.
Sa isang maalikabok na sahog ay may dalawang nilalang na magkapatong. Mukhang nasa rurok pa sila ng kasarapan. Agad na tumayo ang lalaki habang nanlalaki ang mata.
"V-venice, magpapaliwanag ako." anito.
Hinawakan ni Venice ang isang kahoy na malapit sa kaniya at galit na galit na tinitigan ang dalawa, umiiyak pa rin ito at pulang-pula na.
"Rose, pinagkatiwalaan kita kasi kaibigan kita! Pero kung susulutin mo lang pati ang boyfriend ko, ibang usapan na iyan!" Lumapit ito palapit na ikinataranta ko.
Pero nahimasmasan ako nang bitawan niya ang kahoy at binigyan na lang ang babae nang sunod-sunod na sampal. Sumaklolo ang lalaki pero sinipa naman niya ito.
"Venice, tama na! Tama na!" awat ng lalaki.
Umiiyak na ang babaeng katalik nito kanina at magulo na ang buhok. Samantalang ako nakatayo lang at pinapanuod sila, kulang na lang ng popcorn.
BINABASA MO ANG
[✔] It Just Happened | GxG
Fiksi UmumCOMPLETED! Ang pag-ibig ay hindi nagtatapos sa iisang kabanata lamang. Akala ni Kish, ang problemang pinakamahirap niyang kahaharapin ay ang feelings niya kay Jhayce. Matagal na siyang may gusto sa kaibigan, high school pa lamang sila. Subalit, str...