“YOU may go, Danica.” pagtataboy sa akin ni Ms. Tatum. Bahagya lamang niya akong sinulyapan at ibinalik muli ang mata sa ginagawa.
Tumango lamang ako at tahimik na inayos ang mga gamit. Halos wala akong ginawa ngayong araw bukod sa mga mga quick errands na pinapagawa niya. Kaninang magkasabay kaming kumain sa canteen ay halos ibang mga empleyado lamang ang nag-iingay, kami pareho ay patuloy sa tanghalian nang walang umiimik. Nakakapanibago pero hindi ko na lamang pinansin.
Nang masiguradong maayos na ang mesa at kompleto ang nasa loob ng bag, ay saka ako dumiretso sa comfort room. Bigla kong naalala na magkikita kami ngayon ni Tristan kaya minadali ko ang pag-aayos.
NANG makalabas sa gusaling iyon ay nakita kong nakaupo siya sa bench na naroon. Nakakunot ang noo ko habang palapit sa kaniya. Nagtataka ako kung paano niya nalaman na dito ako nagtatrabaho samantalang wala naman akong sinabi sa kaniya tungkol dito.
Di niya siguro napansin na nakalapit na ako sa kaniya dahil abala siya sa kaniyang selpon, “Anong ginagawa mo dito?” Agad kong tanong na ikinapitlag niya sa gulat.
Lumingon siya sa akin na nanlalaki ang mata. “My ghad, Dani!”
“Paano mo nga nalaman na dito ako nagtatrabaho?” Tanong ko uli.
“Sinundan kita hanggang dito. Hindi ko alam na hindi mo pala ako napansin.” tugon niya.
“Mabuti hindi nagsuspetsa ang guard sa ikinilos mo? You're a creep.” wika ko at tumalikod.
Naramdaman kong tumayo siya sabay habol sa akin. “Sinabi kong boyfriend mo ako.” tugon niya na ikinatigil ko.
Halos magpantay ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Nakagat ko ang ngipin kasabay ng pag-igtingan ng aking panga.
“Boyfriend?” Hindi makapaniwala kong tanong. “Saan mo naman nakuha ang lakas ng loob para sabihin 'yan?” Dugtong ko at inirapan siya.
Isang baritonong halakhak ang kaniyang pinakawalan at walang sabi-sabing inakbayan ako. “Naniwala naman ang guwardiya no'ng ipinakita ko ang cellphone ko.” tugon niya.
Inilabas niya ang cellphone at ipinakita sa akin ang wallpaper niya. Nandoon ako. Sa suot ko noon na pambahay habang nakaupo sa sopa at mapaklang nakangiti.
Ang tagal na ng litrato na iyon. Bakit nasa kaniya pa?
Akma ko na sanang kukunin ang selpon pero nailayo na niya iyon sa akin. Nakangisi niya akong tiningnan kasabay ng aking pag-irap.
“Sobrang tagal na nito sa cellphone ko kaya hindi ako papayag na burahin mo lang.” aniya.
Napairap na lamang akong muli at nagtuloy-tuloy sa pagpasok sa isang tea house na binilhan ko kanina. “Isang cappuccino twist. Fifty percent sugar level.” agad kong wika sa tindera.
“Ilan po, Ma'am?”
“Dalawang Cappuccino Twist.” Si Tristan na ang tumugon niyon. Nginitian pa ng matamis ang tindera na walang kaalam-alam sa tunay niyang gender. Nakita ko pang pinamulahan ang huli na tila gusto kong ikailing.
Umupo ako't ganoon ang kaniyang ginawa. “Lahat ba ng naging girlfriend mo ay alam na transsexual ka?” Tanong ko dahil sa kuryusidad.
“Hmm...” tila nag-iisip niyang panimula. “Ilang taon na rin mula noong huli nating pagkikita. Five? Seven? Eight years? Ang laki na rin ng pinagbago mo. Buti na lang matalas ang pandama at pangkilala ko. Kasi kung hindi, baka hanggang ngayon, hindi pa rin tayo nagkakausap ng ganito.” mahaba niyang wika. Inignura ang tanong ko.
Tumaas ang kilay ko, “Oh?”
“Oo kaya. Tingnan mo nga nagsusuot ka na ng dress. Dati kahit sino ang magsabi na 'you look good in dress', hindi ka pa rin mapasuot. Tell me, sinong mangkukulam ang kumulam sa'yo para mapasuot ka ng dress?” Nakangisi niyang wika. Nagsisigawan ng 'malinis' ang kaniyang ngipin at gilagid.
BINABASA MO ANG
[✔] It Just Happened | GxG
General FictionCOMPLETED! Ang pag-ibig ay hindi nagtatapos sa iisang kabanata lamang. Akala ni Kish, ang problemang pinakamahirap niyang kahaharapin ay ang feelings niya kay Jhayce. Matagal na siyang may gusto sa kaibigan, high school pa lamang sila. Subalit, str...