I. Twenty-one

2.2K 66 8
                                    

KISH POV

Kasalukuyan kaming nakahiga sa ilalim ng puno, sakto raw na may fireworks display dahil may ganoon daw talaga tuwing biyernes at sabado ng gabi.

Tahimik lang kami pareho. Ninamnam ang katahimikan at ang ganda ng tanawin pero ako... Tulala sa iba't ibang kulay na bigla ring naglalaho sa madilim na kalangitan.

May nag-uudyok sa akin na sabihin kay Lucy na bilang isang kaibigan lang ang turing ko sa kaniya pero may parte sa akin na, ayaw ko siyang saktan at paulit-ulit na isinisingit sa isipan na kalaunan ay magagawa ko rin siyang mahalin pabalik.

Naramdaman kong sumiksik pa sa dibdib ko si Lucy at tila sininghot ako doon, kaya hindi ko mapigilang matawa dahil sa kiliti. Natawa din siya doon at niyakap ako nang mahigpit.

"Love, thank you so much." she mumbled. "Why? Thank you for what?" I asked a bit confuse.

"Kasi I really thought you'd say, No, kanina. Y'know, I didn't really know if you feel the same way and I'm expecting that you'll reject me that time, but... You just say, yes! I j-just can't believe it! So you love me, too." aniya na mahahalata sa boses ang lubos na kasiyahan at pagkamangha.

Tumingin ako sa kaniya at mabuti na lamang ay hindi siya nakatingin, kaya hindi niya nahalata ang lungkot na sandaling dumaan sa aking mga mata. "Sino ba namang hindi mapapa-oo nang isang Lucy Torres, hindi ba?" Pabiro ko kunwaring saad, matapos ay tumawa pa.

Natawa rin siya sa sinabi ko at pinalo ako sa aking dibdib. "Of course not!" Aniya. "I don't like them in the first place. They're just for fun, y'know. I'm just too... too afraid to tell you that I like you because I thought, you still l-like that girl." dugtong niya.

Though, I have a hint who she's referring, "Sino? Sinong babae?" Tanong ko pa rin.

"Uhm... Haven't seen her face to face but-- but I can still recognize her if ever. She's the reason why you come with me, right?" Walang preno niyang sambit na ikinalunok ko.

"U-Uhm... K-Kind of." I replied stuttering. "Lucy?" I called out after a minute of silence. Narinig ko siyang umungol lang sa akin kaya sinundan ko na agad. "Hindi pa ba tayo kakain?"

Napahagikhik siya at pinalo na naman ako sa dibdib ko. "Ang takaw mo talaga! Hmm, I'm waiting for the kiss, Kish!" Nanlaki ang mata ko sa huli niyang sinabi.

"K-Kiss?"

Matapos kasi ang huling halik namin, na nangyari noong nakaraang taon pa ay hindi na nasundan pa iyon. She's too gorgeous, kaya imposible na maiwasan ang hindi magnasa sa labi niyang mapupula. I'm just restraining myself dahil bilang kaibigan ko at amo ko ay nirerespeto ko ang pribado niyang buhay. Subalit sa kabila niyon, siya pala ang may malaking pagkakagusto sa 'kin.

Pinalo niya uli ako sa dibdib at dahan-dahan tumayo. "Just kidding. Get up, kain tayo sa labas. Para maiba naman ang ambiance. Maybe, restaurant or somewhere cozy." aniya at iniabot sa akin ang kaniyang kamay.

Awkward akong tumawa sabay hawak sa kamay niya't marahang tumayo, "Bad girl." usal ko matapos ay iiling-iling na lamang.

Kagaya ng sabi niya ay naglakad nga kami hanggang sa labasan. Nakasalubong pa namin ang driver niya at tinanong kami kung saan kami pupunta't ihahatid na lamang kami, tumanggi siya. "Diyan lang naman po kami sa malapit and we'll enjoy manila's night, of course, it's been a long time."

Sa sinabi niyang iyon ay napangiti ako. Oo nga't kakaiba ang klima sa ibang bansa at sadyang marami ang mapupuntahan, subalit ang traffic sa manila ay kakaiba pa rin. Wala pa rin itong pinagbago na sadyang nakaka-miss nga naman.

Nakasandal siya sa balikat ko at nakaangkala sa braso ko, habang ako naman ay nakangiting iginagala ng paningin sa lahat ng sulok nang magulo at maingay na daanan. Minsan pa'y napapayuko dahil sa mga matang nakatingin sa akin nang may pagkamangha at pagkakahumaling. Gwapo nga naman talaga ako kahit saang banda. May iba pa ngang sinasabihan ako na may kahawig raw akong kung sino-sinong hollywood actors.

[✔] It Just Happened | GxGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon