KISH POV
Ilang minuto na lang ay mararating na namin ang main house nina Lucy. Sa sobrang kaba ko at pagkabalisa ay hindi ko mapigilang hindi mapapikit at umusal ng mga panalangin. Pinakamalaking pagsubok talaga ang humarap sa mga magulang na ayaw sa same sex marriage, kahit na mistulang lalaki pa ang anyo. Bigla ay naalala ko ang Nanay ni Georgina, hindi ko lang akalain na ayos lang sa kaniya na ako ang maging kaparehas ng anak niya noon. Hindi ko man maalala ang buong sinabi nito, pero dahil doon ay nagkaroon ako kahit paano ng pag-asa.
'Diyos ko po, sana gano'n na lang din ang gawin nila. Sana po, nagbago na ang mga paniniwala nila.'
Kulang na lang ay mag-sign of the cross ako at lumuhod, kaso nakakahiya naman kung ganoon ang astahin ko sa harapan ni Lucy.
"We're here!"
Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko at mapatulala. Parang gusto nang tumalon ng puso ko sa dibdib ko.
"A-Ah, y-yeah." at sa nanginginig na labi ay pinilit kong ipinakurba ang labi sa isang ngiti.
Bago lumabas ng kotse ay pumikit muna ako at bumuga ng hangin, nang hindi napapansim ni Lucy. 'Guide me, Lord.ʼ usal ko. Sobrang lamig ng kamay ko kaya hindi ko na nagawang hawakan ang kamay ni Lucy na alam kong ipinagtaka niya, bagaman ikinibit-balikat na lamang.
Hindi na ako nagulat o namangha nang isang magarang uri ng bahay ang bumungad sa amin. May anim na talampakang taas na tarangkahan muna kaming pinasukan, bago bumungad sa amin ang bakuran. May swimming pool sa harapan at sa gilid niyon ay may kung anong uri ng puno na matayog na nakatirik doon, iyon siguro ang nagbibigay lilim kung sakaling mainit ang panahon. Ang lupa ay hindi makita kundi ang berdeng-berde na damo ng bermuda, hindi kalayuan naman sa daanan ay garden na tingin ko ay aabot hanggang sa likuran ng bahay.
May mga cctv rin na nakakalat sa kung saan at sa tingin ko ay protektado ang lahat, guwardiyado ang lahat kahit walang guwardiya.
"Kish?" Tawag sa akin ni Lucy na agad ko namang ikinalingon at ngumiti. Lumapit siya sa akin at malambing na kinuha ang kamay ko. "You don't have to be afraid. I'm here. I will not let anyone hurt you, love." pagbibigay niya ng kapanatagan sa akin na ikinangiti ko nang sinsero.
Dinala ko ang kaniyang kamay sa aking labi at dinampian ito ng halik. "No need to worry. Lahat naman ng mga manliligaw kailangan dumanas ng ganito, lalo na kapag pamilya na ang liligawan. Everything is going to be okay. Matatapos din naman ito." tugon ko na nakapagpangiti sa kaniya nang malawak.
"I love you." aniya matapos ko at agad akong dinampian ng halik sa labi.
I was taken aback. Hindi ko alam kung ano ang itutugon, mabuti na lamang at agad siyang tumalikod. "Let's go." dugtong niya sabay hila sa akin.
Nang marating namin ang pinto ay agad niyang pinindot ang doorbell. Isang maikling panalangin na naman ang binitawan ko. May bumubulong sa akin na sa pag-apak ng aking paa sa loob, ay tila ako sasabak sa matinding labanan.
Matapos ang ikalawang tunog ng doorbell ay bumukas ang matibay na pinto na tila yari sa kung anong kahoy na mamahalin. Dumungaw ang kasambahay sa loob at kiming ngumiti.
"Ma'am Lucy, kayo po pala. Tuloy po kayo." alok nito at agad na binuksan nang maluwang ang pinto.
"Where's mom and dad?" Agad namang tanong ni Lucy.
"Nasa dining po. Kumakain." tugon naman nito at nginitian ako na sinuklian ko naman ng masayang ngiti.
Bigla akong hinila ni Lucy at ipinulupot ang kaniyang kamay sa braso ko. "Tell them my fiancé is here." agad nitong wika na ikinapalis ng ngiti ng kasambahay at agad na yumuko.
BINABASA MO ANG
[✔] It Just Happened | GxG
Ficción GeneralCOMPLETED! Ang pag-ibig ay hindi nagtatapos sa iisang kabanata lamang. Akala ni Kish, ang problemang pinakamahirap niyang kahaharapin ay ang feelings niya kay Jhayce. Matagal na siyang may gusto sa kaibigan, high school pa lamang sila. Subalit, str...