KISH POV"Hoy, Jhayce, anong balak mo? Ganiyan ka na lang? Uupo maghapon at walang gagawin? Hindi ka ba nababagot kakatingin sa mga ano na 'yan? Ano ba 'yan?" Agad kong kinuha sa kamay niya ang magazine na hawak niya.
"Hey! Ano ba panira ka naman, e." maktol niya pero sinulyapan ko lang siya at tiningnan kung ano ang tinititigan niya rito.
"Holy son of a- nagbabasa ka o nagnanasa? What the fvck, Jhayce!" Nanlalaki ang mata na agad kong sambit sabay tapon ng magazine palayo, na para bang isa iyong virus.
Mga almost naked lang naman na lalaki ang nasa larawan. Halos hindi na suotin ang mga brief nila dahil masyado na iyong nakababa. Kaya pala hindi ako masulyapan man lang dahil naka-glue na pala ang mata sa mga pornstar na ito.
"What? It's normal, duh!" Nakasimangot niyang sagot matapos at ipinagkrus ang braso.
"Gusto mo ng normal? Gusto mo ng mga abs? Okay, then, itayo mo na 'yang mabigat mong puwet at magbihis ka na. Doon tayo sa marami ang abs." masama ang loob na sambit ko sabay tiwarik ng mata.
"Saan naman?" Masama pa rin ang loob na tanong niya pero tumayo rin naman.
"Sa bar! Get your ass up now bitch and move!" Usal ko uli at tuluyan na siyang tinulungan tumayo sabay tulak sa kaniya sa direksyon ng kuwarto niya. "I will give you twenty minutes to get ready. Kapag hindi ka matapos hin-"
"Eto na boss, susundin na. Napakademanding mo sa oras, ano ka ba sundalo?" Pamaktol nitong tanong.
Nang tuluyan na siyang makapasok sa kuwarto ay pasalampak naman akong umupo sa kinauupuan niya kanina. Nang maalala kung ano ang sinabi ko kani-kanina lamang ay nasabunutan ko ang sariling buhok.
Bakit ba nagagawa ko ang mga pinakanakakasukang bagay dahil lang sa kaniya? Ang hirap makita na nakasimangot siya o kaya ay nakanguso lalo na kapag galit. Hindi ko kaya kaya wala akong ibang choice kundi ang pagbigyan ito sa kagustuhan nito, na hindi ko naman gusto.
We were bestfriends since high school days. First year kami no'n nang mabunggo ko siya sa hallway, tumalsik kami pareho sa sulok. Agad akong tumayo at dinaluhan siya sa takot na magalit ito lalo't transferee lang ako sa eskwelahang 'yon. Nang makatayo siya ay parang ako pa ang nasaktan dahil sa pag-inda niya ng sakit sa bandang ulo niya. Nauntog daw siya. Inihanda ko na ang sarili ko ng mga oras na iyon, kung magalit siya ay kasalanan ko naman dahil sa mabilis na paglalakad.
'Miss, ayos ka lang ba? Sorry talaga, 'di ko sinasadya.' todo paumanhin ko. Iyong kulang na lang lumuhod ako sa harapan niya dahil sa kaba at takot isama pa ang kahihiyan.
Nang iangat ko ang ulo ko ay wala akong ibang nakita sa ekspresyon niya kundi gulat at pagkamangha, hanggang sa unti-unting kumurba sa isang malawak na ngisi ang bibig niya.
'Rockstar ka?' Hindi makapaniwala niyang tanong sabay daluhong sa akin ng yakap. 'Hala ang bango mo!' Masaya nitong wika habang yakap-yakap ako nang mahigpit.
Hindi ako nakaimik ng mga oras na iyon. Na-weirduhan ako at nagulat sa pangyayari. Hindi ko naintindihan ang naging reaksiyon niya. Naka-ripped faded jeans ako nang araw na iyon tapos itim na damit na may design na gitara, isama pa ang boots ko na itim din. May earings ako pero sa iisang tainga ko lang inilagay, tapos may black eyeliner at lipstik sa mukha. Para akong emo sa hitsura ko pero iyon ang mas gusto ko.
"Anong name mo? Ako nga pala si Jhayce but don't call me Jay kasi hindi naman ako lalaki." aniya't humagikhik sabay kapit sa braso ko. "Can you be my friend? Tara, libre kita." agad niya namang dugtong kahit hindi pa ako nakakaimik dahil sa pagkagulat.
Isa sa mga ayaw ko sa tao ay ang mga masyadong madaldal pero hindi sa kaniya. For the first time, simula nang makalipat kami sa bayan na 'yon, ngumiti ako. Iyong unusual na ngiti, pakiramdam ko dumaan sa mukha ko ang araw panandalian dahil sa pag-init ng pisngi ko.
Naging magka-klase kami dahil ayaw niya raw mahiwalay sa 'kin. Para siyang pato minsan dahil ayaw niyang matigil sa pagsasalita. Nakakainis na ang cute hanggang sa nakasanayan ko na lang. Parang virus na nakakahawa ang kakulitan niya.
INIUNTOG KO ANG ULO dahil sa alaalang 'yon. Iyon na yata ang masasabi kong hindi ko makakalimutang pangyayari sa buhay ko, ang makilala ko ang isang sutil na tulad ni Jhayce.
Habang tumatagal ang friendship namin ay mas lalo kaming tumitibay pa. We were friends and enemies almost all the time. Parang tom and jerry na hindi maiiwasan ang magbangayan. Pero, sa huli, ang sarili namin ang takbuhan namin kung may mangyari mang hindi maganda.
"Hey, I'm ready!" Napalingon ako at napalunok habang nanlalaki ang bilugang mata. 'What the fuck.'
She's wearing a black hip pencil dress na may sleeve nga pero see through rin naman. Her-- her breast, it's all expose. She look glamorous- palagi naman, pero hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili na matulala at mapalunok sa tuwing magsusuot siya ng ganiyan.
"What? You're drooling, bitch!" Tawang-tawa niyang sabi sabay pasok uli sa kuwarto niya.
Bumalik ako sa pagkakapuwesto ko kanina at nasampal ang noo.
Hindi na lang kaya kami pumunta? Yeah, good idea. Na para bang papayag ang isang iyan.
This is bad, really bad.
Lumingon uli ako sa kuwarto niya na sarado na at napaungol dahil sa inis. "Sinusubukan mo talaga ang pasensiya ko, Jhay!"
-·
BINABASA MO ANG
[✔] It Just Happened | GxG
Ficción GeneralCOMPLETED! Ang pag-ibig ay hindi nagtatapos sa iisang kabanata lamang. Akala ni Kish, ang problemang pinakamahirap niyang kahaharapin ay ang feelings niya kay Jhayce. Matagal na siyang may gusto sa kaibigan, high school pa lamang sila. Subalit, str...