I. Eleven

3.3K 78 0
                                    

KISH


"Anong makakain diyan?" Walang gana kong tanong kay Nanay.

"Ikaw, Kishy, umayos kang bata ka. Imbes na maghanap ka ng trabaho, nasa labas ka palagi. Naku! Hindi sa lahat ng oras sa akin ka aasa, ha! Anong oras ka na naman umuwi kagabi?" Kanin lang ang itinatanong ko, kung saan na napunta ang litanya niya.

Padabog kung hinila ang upuan sa mesa at padabog ding umupo sabay suklay ng buhok gamit ang kamay. "Oo na. Maghahanap ako bukas." tugon ko't bumuga ng hangin. "Anong-"

"Ayusin mo lang 'yang bukas mo, ha! Jusko naman, Kish, tulungan mo naman ako! Nagkakandakuba na ako kakalaba nitong mga damit niyo at kung magkalat pa kayo dito, para kayong mga bata. Bibigay na ang katawan ko sa inyo!"

Tiningnan ko nang masama ang likuran niya, nagsasampay siya ng mga nilabahang damit. "Ilang beses ko na kasing sinabi sa 'yo 'yan. Hayaan mo nang sila na ang maglaba ng mga 'yan para naman matuto! Ngayon ako pa ang sisisihin mo!" inis kong sambit at padabog na tumayo sabay kuha ng pinggan.

Bigla kong naramdaman ang pagkawala ng gana kong kumain kaya ibinalik ko na lang uli ang plato sa lalagyan nito. "Lalabas ako. Baka bukas na ako makabalik. Isasabay ko na rin ang paghahanap ng trabaho." walang gana kong paalam at agad na isinarado ang pinto ng kuwarto nang makarating.

Pasalampak akong umupo sa kama at ihinilamos sa mukha ang parehong palad. Parang may kulang...

Tumayo na lang ako at agad na pinagmasdan ang suot sa salamin. Nang makitang maayos naman iyon ay binuksan ko ang aparador at kumuha ng stripe red and white polo. Lumabas na ako pagkasuot niyon.

Maski ang mag-ayos ng sarili, nakakatamad gawin. Kaya hindi ko na magawang lagyan ng lipstick ang labi kong tila lalamayan na. 'Nilalamayan mo naman talaga ang puso mo, Kish, 'di ba?' Sambit ko sa isipan kasabay nang isang malalim na buntong-hininga.

"Siguraduhin mo na may dala kang magandang balita, Kish." dinig kong sambit uli ng ina ko na hindi ko na lang pinansin.

Nang makalabas ay agad na sumalubong sa akin ang magugulong mga tao. Mga batang tila nakatira sa lansangan dahil sa mga suot nilang punit-punit na at nakakaawa silang pagmasdan. Mga babae na nagsisigawan habang naglalaro ng kung ano-ano. Napailing ako sa mga nakikita at ipinagpatuloy ang paglalakad. Noon hindi ko napapansin kung ano ang mayroon dito dahil masaya ako.

Totoo pala ang sinasabi nila na kapag iritado o malungkot ang isang tao, napapansin nito ang lahat maski ang pinakamaliit na bagay.

"Kish!"

May tumawag sa pangalan ko kaya napahinto ako.

"Kish, dito sa kaliwa. Hello!"

Nilingon ko naman ang nasa kaliwa at agad na nakita ang babaeng nakangisi habang kumakaway. Patakbo itong lumapit sa akin at agad akong niyakap. "Bitaw." parang multo kong sambit.

Nakangisi pa rin itong bumitaw. "Kumusta ma, Kishy? Na-miss kita."

"Pangit ka pa rin. Wala akong oras sa mga kuwento mo, may gagawin pa ako." at naglakad akong muli habang nakapamulsa.

"Kishy Cruz De Guzman!?" tawag niya sa buong pangalan ko't may pangbabantang langkap. Pero nakita ko sa peripheral vision ko ang pagngiti niya nang huminto ako.

Tumakbo na naman siya palapit sa akin. Mahilig lang talaga siya maghabol kahit alam niyang wala naman siyang pag-asa na. "Hintay naman," parang bata nitong sambit. "Saan ka pupunta? Sama ako?"

"Sa lugar kung saan walang Georgina na makakasalubong at aangkala sa akin na parang close kami." naging saad ko na ikinatawa niya.

"Paano 'yan? Ang Georgina na sinasabi mo, hindi na bibitaw!" Anito at agad na inilabas ang dila at itinapat pa sa pagmumukha ko.

[✔] It Just Happened | GxGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon