KISH POV
Pumikit at nilanghap ang hanging amihan na pumupuno sa ilong. Napakaganda nang nakikita ng mga mata ko. Para bang sa unang pagkakataon, nawala ang mabigat na nakadagan sa dibdib ko. Sumandal ako pader na katabi ko lang at nagmuni-muni habang nakatingin sa berdeng-berdeng mga bundok.
Napagpasyahan namin na mag-unwind. Para mabura muna panandalian ang mga pasanin na gumagambala, lalo na ngayon sa kasalukuyan. Nasa isang kilalang resort kami sa Manila. The Bore kung tawagin ng ilan. Mala-boracay rin ang buhangin dito at refreshing ang bawat mapagmasdan sa paligid. Kilala rin sa ibang bansa, kaya maraming turista ang naliligaw para siguro mag-bakasyon at makalanghap ng sariwang hangin.
Mayamaya ay nakarinig ako ng kaluskos ko kaya napalingon ako. Nang makita kung sino ang dumating ay awtomatikong kumurba ang bibig ko para sa isang ngiti.
"Penny for your thoughts?" aniya habang nakangiti ng matamis. Palapit ito sa akin kasabay ng dalawang kopita ng alak na nasa kamay niya.
"Nah. Sinasamyo ko lang ang paligid. Marami pa lang pumupunta dito. This is my first time here," imporma ko sabay tingin sa mga taong tila nagkakasiyahan sa dalampasigan.
Padapit hapon na kaya lalong lumakas ang hangin at lalong lumamig ang paligid. Ang tila maalat na amoy ng dagat ay sumasama sa hangin kaya sinamyo ko ito.
"Refreshing right?" aniya. "I want you to focus on the sorrounding first. The fun. The people. The sea. Just relax! Let's not mind our problems for the meantime." dugtong niya sabay ngiti at iniabot ang kopita ng alak na hawak niya.
Agad niyang iniangat ang kopita niya at ngumisi, "For happiness!" masigla niyang sambit na sinabayan ko rin. Matapos ay pareho kaming naghalakhakan.
I am so lucky after meeting Lucy that not-so-lucky night. I think meeting her that night was somehow destined to be, I guess. Nakalimutan na yata kasi ni Jhayce na may kasama siya. She didn't look for me, kagaya ng palagi niyang ginagawa. Nasa counter siya, halos hindi bumaba sa kinauupuan dahil masyado siyang masaya na makausap ang lalaking iyon.
Lucy talked to me like we were bestfriends. We talked like we knew each other for a long time. Sinabi niya sa akin na she's a bisexual kind. May naging karelasyon raw siya na Stacy ang pangalan, their relationship lasted for a year. They were happy and almost unseparatable. They can't last a day without seeing each other. Pero, may katapusan rin pala ang lahat, aniya, she cheated on her and the worst part is she caught them on the act. Pumunta raw siya sa condo ni Stacy para ipagluto ito dahil alam niyang pagkain ang kahinaan ito. Nang makarating, ganoon pa rin ang password na ipinapasalamat niya, subalit nang pumasok siya ay agad na umalingawngaw ang kakaibang tunog, mula sa kuwarto nito. That sound was a loud panting moan. It was so loud na gusto niyang takpan ang tainga pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, ay hindi niya magawa. Alam niya ang nangyayari, subalit natagpuan na lamang niya ang sarili na pinapanuod ang dalawa.
Pinapaligaya ang isa't isa. Nakalimutan na yata nilang nasa mundo pa sila. Wala na sila sa katinuan dahil sa makasalanang ligaya. Pagtataksil na ligaya.
A tear fell in her eyes pero agad niyang pinunasan iyon at inihinto ang pagki-kuwento. Natulala ako. Napakabilis ng pangyayari. Parang bigla ay may nabuksan akong isang pahina sa pagkatao niya sa maikling oras lang. Since, that night I knew, maybe I'll be fine without Jhayce for now. Siguro, as her bestfriend, I'll let her be where her heart really belong. Wala naman kasi akong magagawa kung iba ang laman ng puso niya. Magiging mahirap lang iyon sa amin, lalo na sa akin.
"Hello to earth, Kish!"
Tila ako nagising mula sa malalim na pagkalunod nang ikaway ni Lucy ang kamay niya sa mukha ko.
Napagpasyahan naming magsuot ng sea dress para maglakad-lakad sa dalampasigan, pero heto sa huli, nakaupo na naman ako.
"You're spacing out over and over again, Kish. I am so disappointed." aniya at umupo sa tabi ko sabay hinga nang malalim.
"Medyo maalat itong ginawa mo, ha! I'm a bit disappointed. Sabi mo kanina, you'll do your best but you just disappointed me."
Umalingawngaw sa hangin ang boses ni Jhayce nang marinig ko ang sinabi ni Lucy.
Huminga ako nang malalim at nilingon si Lucy na nagsasalita pero hindi naman ako nakikinig. Tiningnan ko ang paglubog ng araw. Napakaganda nito, pero nang makita ko ang nakangiting mukha ni Jhayce ay agad akong yumuko. Sumasakit lang ang puso ko.
"Lu..." tawag ko sa kaniya. Nang makita kong lumingon siya sa akin ay agad akong nagsalita, "Puwede ba tayong mag-stay dito ng medyo matagal pa?" suhestiyon ko pero agad nagkibit-balikat. "Okay lang naman kung hindi puwede. We ca-"
Hinawakan niya ang hita ko na ikinatingin ko sa kaniya. "Don't worry. We can stay here, as long as you want. Even forever." aniya at mahinang tumawa.
Natawa ako sabay tingin sa kaniya. "Salamat," sinsero kong sambit.
Nangunot ang noo niya at napanguso, nagtataka, "For what? For being good with you? Augh... Don't worry. I'm just bored." aniya.
"Hindi. Salamat... sa pagdating mo sa akin. Salamat kasi lumapit ka ng gabing iyon. Salamat kasi kinausap mo ako."
Humalakhak siya sa narinig sabay tingin uli sa akin. "Am I going to give you a kiss then? You're so dramatic, Kish." aniya sa pagitan ng pagtawa.
Inililipad ng hangin ang kulay lupa niyang buhok. Tila korona sa tuktok ng ulo niya ang ilaw mula sa isang lamp post. She's beautiful. Isama pa ang mabini niyang pagtawa. Paano nagawang pagtaksilan ni Stacy ang ganito kagandang babae?
Ilang sandali pa'y napatigagal ako. Natagpuan ko ang sarili sa pagitan ng palad niya. Nakanguso ang labi ko dahil sa higpit ng pagkakahawak niya. Tawa siya nang tawa dahil sa ginawa.
"You're so cute, Kish. Oh... Look at this squishy eeky cutie bear." aniya sabay... halik sa akin sa labi. Mabilis lang pero -- sa labi pa rin iyon.
Nanlaki ang mata ko at natulala. Did--- did she just -
kiss me?
Maski siya ay nakatulala. Siguro ay hindi makapaniwala sa nagawa. Nanatili kami sa ganoong puwesto ng mga ilang segundo, kapwa hindi kumikilos habang nagpapakiramdaman. Hanggang sa dahan-dahan niyang pinakawalan ang mukha ko.
Ibinuga ko ang hanging kanina ko pa yata pinipigilan sabay hilot sa panga kong nangalay. Ilalayo ko na sana ang paningin ko sa kaniya nang manlaki ang mata ko sa sinabi niya-
"C-can we, I-- C-can I k-kiss you?"
Tila pumilipit ang tiyan ko sa narinig. Hindi sa pandidiri kundi sa hiya. Napatingin ako sa kaniya nang mataman, bahagyang nag-iinit ang mga pisngi at mga matang naniningkit. Maski ang pagkalabog ng puso ko ay parang gusto nang kumuwala.
Damn... No, but---
---
![](https://img.wattpad.com/cover/147830582-288-k398072.jpg)
BINABASA MO ANG
[✔] It Just Happened | GxG
Aktuelle LiteraturCOMPLETED! Ang pag-ibig ay hindi nagtatapos sa iisang kabanata lamang. Akala ni Kish, ang problemang pinakamahirap niyang kahaharapin ay ang feelings niya kay Jhayce. Matagal na siyang may gusto sa kaibigan, high school pa lamang sila. Subalit, str...