II. Four

869 37 4
                                    

DANICA'S

KINABUKASAN, iminukat-mukat ko ang matang maanghang pa nang tumunog ang alarm clock, saktong alas-kuwatro y media. Nag-inat-inat muna ako bago tuluyang bumangon matapos ay inayos ang bag dahil hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon kagabi, kasama na rin ang susuotin ko. Matapos niyon ay dumiretso ako sa kusina upang maghanda ng lulutuin.

Subalit, hindi ko inaasahan ang bumungad sa akin. Nakatulala akong pinagmamasdan si Boboy habang nakatalikod sa akin at tila naghuhugas ng pinggan habang nakasalang ang kanin, naimukat-mukat ko ang inaantok pang mga mata. 'Anong nakain ng batang 'to?' Subalit napaisip ako. 'Nagugutom na siguro kasi hindi ako nakapagluto kagabi.' Napahinga ako nang malalim dahil sa pagkadismaya.

Lumapit ako at tiningnan ang nakasalang. Nang mapansin niya ako'y bahagya itong lumingon ngunit bumalik din sa ginagawa. "Nagugutom ka na ba? Pasensiya na kagabi, hindi ako nakapagluto. Nag-overtime ako sa trabaho." sunod-sunod kong wika.

"Okay lang." maikli niyang tugon.

Napahinga na lamang akong muli. Palagay ko ay hindi ko nagagawa nang maayos ang responsibilidad.

"Kumain ako kagabi... kasama ang mga kaibigan ko dito." aniyang muli.

"Mabuti naman. Pagkatapos mo diyan, maghintay ka na lang doon. Ako na ang magluluto ng ulam." sambit ko't inayos ang mga lulutuin.

Sumunod siya matapos niyang maghugas. Umupo na lamang siya sa mesa at tahimik akong pinagmasdan. Ngunit makalipas ang ilang minuto, habang nagluluto ako ng tortang talong ay bigla siyang nagsalita. "A-Ate..." napatda ako. Hindi makapaniwala sa narinig. "Pwede mo ba akong samahan ngayong sabado bumili ng gamit at magpa-enroll?" Dugtong nitong tanong na mas lalong nagbigay sa kaniya ng hiwaga.

"Ngayong sabado?" paninigurado kong tanong.

"Oo." maikling tugon naman nito.

Naisip kong umabsent na ako noong isang araw, kaya baka hindi ako payagan ngayong sabado. Subalit, ayaw ko naman na ma-disappoint sa akin ang bata.

"Kung hi—"

"Susubukan ko." putol ko sa sasabihin niya matapos ay humarap sa kaniya panandalian. Kita ko kaagad ang tila kumikinang niyang mata subalit agad din iyong nawala, o baka ilusyon ko lamang iyon.

MATAPOS kaming mag-agahan ay agad kong inayos ang sarili upang maagang makapasok. Paglabas ng kuwarto at nakabihis na'y nagdesisyon akong kumatok sa kuwarto ni Boboy.

"Bakit?" Tugon sa loob.

"Aalis na ako. Kung magutom ka may pagkain sa ref." habilin ko.

"Sige po. Ingat." tugon niya naman.

Napatango na lamang ako at tuluyang tumalikod. Subalit, napahinto ako. Paano pala kung nangailangan ang bata ng pera? Kaya naman bumalik ako sa kusina at naglapag ng isang daan doon kasama ng sulat na nagsasabing, sa kaniya iyon.

ALAS-SIYETE na nang makarating ako sa office. Saktong naroon na ang lahat at isa-isang ipinasa sa akin ang mga samples nila. Sa dami ng mga folders na nasa harapan ko ay parang naliliyo akong pagmasdan isa-isa. Hinawakan ko ang ulo at at hinimas iyon ng bahagya. Naipit din ako kanina sa traffic kaya kinailangan kong bumaba at humagilap ng tricycle upang dumating sa oras.

Huminga na lamang ako nang malalim at binaliwala ang pagod. Kailangan kong magsimula upang matapos din kaagad. Inayos ko ang mga papeles sa aking harapan at isa-isa iyong pinagmasdan kung maaari ba iyong makatulong o baka sakaling iyon na ang obrang hinahanap ko. Pinapahirapan yata ako ng mga ka-team ko dahil lahat sila'y walang maisip na bagong ideya, lahat ng mga ginawa nila'y gamit na. Tutok sa screen at sa papel ang ginawa ko matapos ay mag-i-sketch base sa nakuha kong ideya sa mga na-sketch nila.

[✔] It Just Happened | GxGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon