KISH POV
"Oy, Kishy! Sinasabi ko sa 'yo walang dapat na malasing sa 'ting dalawa. May pasok pa bukas, baka akala mo."
Malinaw pa sa buwan ng gabi ang sinabi niya kanina pagkapasok namin sa bar na madalas kong puntahan. Pero heto ako ngayon, nakukulili sa matinis niyang boses at naiinis dahil sa napakalikot niyang katawan. Lasing na siya. Hindi lang simpleng lasing kundi lasing na lasing.
"Woah! Woah! I am so freaking free!" Sigaw niya na naman. Paos na kakasigaw pero walang balak tumigil.
Lumapit ako at hinaklit pababa ang nga kamay niya. "Tara na. Uwi na tayo."
Mumukat-mukat niya akong tiningnan at maya-maya ay ngumuso sabay dantay ng baba niya sa dibdib ko, habang nakayakap ng mahigpit. "Kishy. Kishy ko."
Napangisi ako sa ginagawa niya at natawa ng bahagya. "Ginagawa mo?"
Nanlaki ang mata ko ng bigla siyang kumuwala sa akin at hinawakan ang magkabilaan kong kamay. "Let's dance." aniya at nilingon ang Dj. "Slow dance, please!!" Malakas niyang pagkakatili.
Mayamaya isang malamyos na musika ang pumailanlang sa entablado na ikinatulos ko sa aking kinatatayuan. Hinawakan niya ang kamay ko at inilagay niya sa bewang niya, matapos niyang ilagay ang kamay sa balikat ko ay inihilig ang sarili at inihele niya na ang sarili sa musika. Hindi ako kaagad nakagalaw dahil sa pagkabigla. Saka lang ako tila natauhan ng tapikin niya ako at nakangusong sumenyas na gayahin ko ang ginagawa niya. Namumungay na ang mata at naaamoy ko ang kakaibang aroma ng alak mula sa bibig niya.
"Hmm... Ang sarap naman." aniya habang ipinagsisiksikan ang mukha sa leeg ko. Medyo may kiliti kaya napapapilig ako.
"Ginagawa mo ba, Geo-"
Napatigil ako sa pagsasalita nang may mamataan mula sa paroo't paritong mga tao. Naroon siya nakakapit sa braso ng lalaki, na naman. Wearing a red tight dress with her lips as red as her dress. My girl was so magnificently hot but... It would be better if I am the one holding her tight, for I know I am so damn afraid to let her go.
Natinag ako mula sa pagkatulala nang isang may kalakasang sampal ang tumama sa pisngi. Magmumura na sana ako nang bigla niyang hinawakan ang magkabilaan kong pisngi at tinitigan ako sa mata. "Kish... Focus to me. To me only, kahit na ngayon lang, please. I am so fucking jealous. Masakit." aniya sa namumungay na mata, kitang-kita ang sakit doon.
Magsasalita na sana ako ng takpan niya ang bibig ko. "Alam ko, alam ko, okay? Alam ko na wala kang gusto sa akin at hinding-hindi ka na magkakagusto. Pero puwede ba, Kish. Kahit ngayong gabi lang, let me feel you. Let me feel love and j-just think that I am Jhayce kahit masakit." puno ng pait niyang sambit.
Ngumiti ako at hinawakan ang kamay niya, ginagap ko iyon at sinserong ngumiti sa kaniya. "Bakit ko naman gagawin 'yon?" I asked and I saw how it hurt her but I go on, "Mahal kita, Georgina, hindi dahil ikaw si Jhayce. Mahal kita dahil ikaw si Georgina. Mahal ko kung ano ka at kahit ano ka pa kasi ikaw si Georgina. Hindi ko na kailangan magkunwari. Pero I don't fancy you like how I love someone, I fancy you as someone special and close to me."
Naglumikot ang mata niya habang nakatingin sa akin, mayamaya ay tumawa na parang timang. "Ang drama natin." aniya sa pagitan ng mga tawa niya habang nakaupo at hawak pa ang tiyan.
Nangunot ang noo ko panandalian at mayamaya'y nagulat nang bigla siyang tumayo at sinunggaban ako ng yakap. "I love you, Kish. Makokontentona lang siguro ako kung ano tayo ngayon. Kahit parang hindi ko naman natutupad kasi ilang bese ko na ring sinabi 'yan." sambit niya't tumawa matapos ay huminga ng malalim.
Napapaingus ako sa pabago-bago niyang ugali, kung sabagay hindi naman siya magiging si Georgina kung hindi puno ng kalokohan ang utak niya, kaya't napangiti na lang din ako.
BINABASA MO ANG
[✔] It Just Happened | GxG
Ficção GeralCOMPLETED! Ang pag-ibig ay hindi nagtatapos sa iisang kabanata lamang. Akala ni Kish, ang problemang pinakamahirap niyang kahaharapin ay ang feelings niya kay Jhayce. Matagal na siyang may gusto sa kaibigan, high school pa lamang sila. Subalit, str...