KISH POV
"Sabing 'wag malikot, e!" Sigaw niya sabay palo sa balikat ko.
Napaungot ako at hinimas na lang ang balikat na kanina pa nananakit. Ganiyan 'yan siya kapag guilty, imbes na mag-sorry mas lalo ka lang sasaktan, pero ang mukha niyan nakakuluntoy at nakasimangot.
"Bakit ka ba namimisil kasi? E, sana kung hindi mo pinisil, e 'di wala kang bukol ngayon!" Sermon niya na mas lalo kong ikinapikit.
Idiniin niya ang bulak na may betadine sa noo ko kung saan naroon ang sugat, na ikinapikit ko at napariin ang hawak sa sofa. Napaungol ako at sa nasasaktang tingin ko siyang pinanlisikan ng mata, "Isa-Isang diin pa talaga, Jhayce. Malalagot ka na!"
"E-"
"Kasi masakit!" Sigaw ko na talaga na ikinanguso niya.
Mayamaya pa'y nauwi na sa paghikbi, "E, ka-kas-kasi naman, e... Ba-bakit ka kasi namisil! E, 'di sana hindi ka nagkaganito!" Tumutulo ang luha niyang sambit sabay palo na naman sa braso ko.
Her eyes are sparkling and her cheeks are red isama pa ang labi niyang nakanguso, na ikinahinga ko nang malalim. Why is she like this? A seductress without herself knowing.
"Itigil mo na 'yan. Mabuti pa para mawala ito, bili na lang tayo ng ice cream. Gusto ko isang bucket para may matira pa para mamaya." marahan kong wika habang pinupunasan ang luha niya. Matapos ay inayos ang buhok niyang magulo na.
I know she's nervous and sorry pero hindi niya lang alam kung sa anong paraan sasabihin, kaya imbes na makapag-sorry ay mamamalo lang tuloy siya. Kung hindi ko lang talaga siya...
"Hindi ka pa uuwi sa inyo?" tanong niya nang makaharap sa akin. Naaamoy ko pa ang pinaghalong ulam kanina at ang toothpaste na ginamit niya, naghatid iyong ng kakaibang ginhawa sa akin na ikinangiti ko. I dunno, whenever, I am with her I just feel so comfortable and loved.
Umiling ako sabay ipit ng buhok niya sa tainga niya. My heart was throbbing fast because our face are few inches away. Mga mata ko ay naglalakabay sa buong mukha niya at may kung anong puwersa ang nagtutulak sa akin na hawakan ang pisngi niya at- "Let's go!" putol ko sa mga pumapasok na kalokohan sa isipan ko.
Tumayo na siya nang nakangiti, "Okay. Ayusin ko na muna ang sarili ko then wait mo na lang ako sa labas, okay?" aniya. Bumaling siyang muli, "Ah... Commute na lang tayo?" nakangisi niyang dugtong.
Napabuga ako ng hangin at napailing sabay talikod sa kaniya. Kapag sinabi niyang mag-commute malamang may kalokohan na namang naiisip iyan. Man hunting. Ano bang nakakatuwa sa mga lalaki?
"MANONG, BAYAD PO. Sa bayan lang po." wika ko sabay abot ng bayad sa drayber ng dyip.
Imbes na traysikel ang sasakyan namin, mag-dyip na lang daw para mas makatipid. Paandaran niya ako ng katipiran niya kunwari.
Nakamaiksi siyang maong short at v-neck t-shirt na puti, litaw na litaw ang kaputian niya kaya kung magtinginan ang mga pasahero ay para na siyang hinuhubaran. Kulang na lang dukutin ko ang mga mata nila o kaya'y itakip na lang ang sarili ko sa kaniya. Nakakainis. Bakit kasi kailangan niya pang magsuot ng ganiyan?
Hanggang sa dumami nang dumami ang pasahero, siksikan na. Hinawakan ko na ang kabilang hita niya at iwinakli ang siraulong katabi niya na kung makasiksik ay halatang gusto naman nito. Pinandidilatan ko na't lahat pero parang wala lang, dini-deadma lang ako. Hanggang sa pagbaba namin ay dinukot ko pa talaga amg panyo sa bulsa ko at itinakip sa puwetan niya.
"Mag-tricycle na tayo mamaya." ani ko pagkababa.
"And, why naman?" She ask acting innocently.
Kinunutan ko siya ng noo at itinaas ang kilay- ang madalas na reaksyon niya tuwing nagagalit.
Natawa lang siya sa naging reaksiyon ko at itinaas ang magkabilang kamay na tila sumu-surrender. "Fine. Fine. Gosh, para ka nang si Mama, e." aniya nang nakangisi sabay talikod sa akin.
Parang ngayon pa ako makakaramdam ng hangover dahil sa inaasta ng babaeng ito.
Nang makarating kami sa Ice Cream Couch-na isang ice cream shop sa bayan na walang ibang tinitinda kundi mga ice creams-ay agad siyang nakangising lumapit sa counter, "Hi. One bucket of cookies and cream," diretso niyang sambit.
Kahit paano napangiti ako. Ice cream really screams heaven at isama pa na cookies and cream ang inorder niya. Nakangiti pa rin akong kumuha ng couch for couple at doon na naghintay.
Maganda na ang pagkakangiti ko nang- "Oh, my god!" marinig ko iyon kaya naiangat ko ang paningin ko.
"Jerich?" Bigla yatang nangulimlim ang araw ko nang marinig ko ang pangalan na iyon. Ano bang ginagawa ng siraulong lalaki na iyan dito?
I can see how her face lit upon seeing him and that makes my heart pause from beating. I felt cheated.
"What a coincidence? Sinong kasama mo?" Tanong ng siraulo.
"I'm with Kish. Ikaw, sinong kasama mo?" tanong naman ni Jhayce na tuwang-tuwa, namumula pa ang pisngi niya.
"Ah... si bunso. Gusto niya raw kasi ng ice cream," tugon ng mokong.
"Oh, really? Why don't you join us na lang? I mean, if you want lang naman,"
Marahas ko nang napisil ang ilong ko dahil doon. Bakit kailangan pang sumalo sa akin nang isang iyan? Close ba kami? Hindi niya man lang ba ako tatanungin kung gusto kong kasalo iyan?
"Ah... sure, sure. Anyway, natatanong ka rin niya minsan sa akin, iyon nga lang hindi ko alam kung ano ang isasagot," kunwari nahihiyang wika ng mokong. Kakamot-kamot pa sa batok niya. May kuto yata.
Shit!
Mayamaya....
Nagtatawanan na silang tatlo at nag-uusap na nang kung ano-ano. Nakalimutan na nila na nag-e-exist ako.
Ikinikuwento ng bata ang mga ganap sa kanila noong mga nakaraang wala raw si Jhayce sa kanila. Na namiss daw siya ng bata at kung bakit daw hindi na siya sumasama sa kuya nito.
Napapatiwarik na lang ang mata ko sa pinag-uusapan nila kaya napaparami at sunod-sunod ang subo ko sa ice cream. Damn! Mas gusto ko na lang umuwi sa bahay at pakinggan ang walang hanggang monologo ni Mama. Iyon kasi madaling ma-absorba ng kalooban ko at itutulog na lang kung magsawa na si Mama, pero ito, habang tumatagal parang gusto ko nalang malusaw sa kinauupuan ko at maglaho.
I just can't take this anymore.
Tumikhim ako at pilit na ngumiti. "Cr lang ako. Excuse me," ani ko at agad na tumalikod.
-
Look for me on Facebook.
Keide MorenaPage:
Author. KeideMorena📍
Mangyaring magbigay ng komento na may kaugnayan sa kuwento. Magiging motibasyon ko ito upang paghusayan pa ang pagsusulat. Kung maaari, i-share sa mga kaibigan at ilagay sa library ang kuwento. TYSMIADISCLAIMER:
This is work of fiction. Names, Characters, places, and event are fictitious, unless otherwise stated. Any resemblance to real person, living, dead, or actual event is purely coincidental
BINABASA MO ANG
[✔] It Just Happened | GxG
General FictionCOMPLETED! Ang pag-ibig ay hindi nagtatapos sa iisang kabanata lamang. Akala ni Kish, ang problemang pinakamahirap niyang kahaharapin ay ang feelings niya kay Jhayce. Matagal na siyang may gusto sa kaibigan, high school pa lamang sila. Subalit, str...