MAKALIPAS ANG DALAWANG TAON...
Kaagad na isinalpak ni Kishy ay kaniyang headphone sabay takip ng ulo gamit ng hood ng kaniyang jacket. Kanina lang ay malamig ngayon ay agad na sumalubong sa kaniya ang init ng pinas. Isinuot niya ang sunglasses niya at pinagmasdan ang paligid habang naglalakad, napangiti siya nang makitang walang halos pagbabago, magulo pa rin at makukulit ang mga pilipino.
"Kishy, it's so hot in here. Why are you still in your jacket?" Tanong ni Lucy.
Tama, si Lucy nga. Tatlong araw matapos kung umalis sa bahay nila Georgina ay aksidente kong nakabanggaan si Lucy sa bar. We chatted a little hanggang sa nabanggit niya ang tungkol sa pangingibang-bansa, naisipan kong magbiro na sasama ako, pero deep inside I really meant it, pagkakasabi ko pa lang niyon ay agad siyang sumang-ayon na ikinatigagal ko. Kinabukasan niyon ay agad naming inasikaso ang mga kailangan para sa pag-abroad na hindi naman umabot nang isang linggo dahil sa mga koneksiyon niya. Doon ko rin nalaman kung gaano kayaman itong pamilya ni Lucy, dahil ang nagmamay-ari pala ng resort na The Bore ay ang pamilya rin nila, na nakapangalan na sa kaniya.
Nagbago ang buhay ko dahil kay Lucy. Nagtrabaho ako sa kompanya nila na kilala bilang ECAFC o Elite Clothing And Furniture Company, kung saan si Lucy ang namamahala, karamihan din sa mga nagt-trabaho doon ay mga pilipino lang. Bilang sekretarya niya'y halos wala rin akong ginawa dahil kung nasaan siya ay nandoon din ako- mula sa bahay niya hanggang sa kung saan-saan niya gustong puntahan ay kasama ako, numero uno na don ang pagsh-shopping. Masyadong kilala si Lucy doon lalo na sa mga kalalakihang puti, pero sa tuwing may lalapit sa kaniya at manghihingi ng number niya ay agad niya akong itinuturo at sasabihing, "I got a boyfriend, hun. Sorry." Minsan din akong napapaaway dahil sa kaniya. Pero bukod sa mahilig na paggala ni Lucy ay isa rin siyang gym addict. Sa umaga pagkagising ay nasa gym na agad kami pareho hanggang sa minsan kapag bored siya at walang magawa, nasa gym kami pareho. Kaya ang katawan ko noon na walang kabuhay-buhay, ngayon may mga muscle na. Hindi lang iyon, may self-defense trainer din kami na isang retired army. Nang dahil kay Lucy, nagawa ko ang mga bagay na akala ko ay hindi ko magagawa.
"I'm feelin' the heat, baby." kaswal kong tugon. "Where are we going first?" Padugtong kong tanong para hindi na niya pa palakihin ang isyu.
"Ah... How 'bout your fam'ly? You aren't goin' there first?" British accent niyang tanong. Kasalukuyan siyang nakasuot ng bandage pink top and a bandage leather brown skirt with a high black stiletto, parisan pa ng sunglasses niya na kulay brown din, plus the black chanel snake-skinned handbag.
Nag-isip ako panandalian at ipinagpatuloy ang paglalakad, "Some other day na lang siguro. Magpahinga muna tayo." tugon ko.
"A'right." tugon niya lang at ikinawit ang kamay sa braso.
I didn't say a thing about her sudden action. Maliban kasi sa pagpapakilala ni Lucy sa akin bilang boyfriend niya ay wala naman siyang sinasabi sa akin kung ano ang tunay naming na relasyon, atsaka mas kampante ako sa ganitong setup na parang magkaibigan lang kami. Walang higitan ng leeg na mangyayari. Isa a, kung uuwi ako sa bahay kung hindi magugulat ay baka paalisin kaagad ako ni nanay. Masyado nang malaki ang ipinagbago ng anyo ko, hindi na ako makikilala sa isang sulyap lang.
Nang makasakay ay agad na tinanong kami ng driver kung saan kami magpapahatid. "Sa Resort, Kuya." sagot ni Lucy na ikinaisip ko naman.
"Saang Resort iyon?" Napatingin siya sa akin at ngumiti dahil sa tanong ko. "Hmm... Y'know, 'yong resort kung saan tayo nag-stay before. Hindi ko pa nasasabi na, inilipat na sa pangalan ko 'yon." tugon niya't nagawa pang kumindat.
Napatango na lang ako sa kawalan at napatingin sa kaniya nang isandal niya ang ulo niya sa balikat ko. Nag-iisang anak nga lang pala si Lucy kaya lahat ng gusto niyang luho ay nakukuha niya.
BINABASA MO ANG
[✔] It Just Happened | GxG
General FictionCOMPLETED! Ang pag-ibig ay hindi nagtatapos sa iisang kabanata lamang. Akala ni Kish, ang problemang pinakamahirap niyang kahaharapin ay ang feelings niya kay Jhayce. Matagal na siyang may gusto sa kaibigan, high school pa lamang sila. Subalit, str...