KISH POVSAQUE ERO BAR, ay isa sa kilalang bar ngayon sa buong kamaynilaan dahil sa kakaiba nitong ambiance at mga pakulo. Isama pa na dito rin nagpupunta ang mga artista kapag gusto nilang mag-chillax.
Maingay, magulo, masikip, at amoy nilang halo-halo na kaya hindi na maintindiha kung ano ba talaga. Hindi kinakaya ng aircon ang iba't ibang amoy nila. Kulang na lang ay takpan ko ang mata at ilong ko. Hindi pa ako nakaka-order ng inumin niyan pero nahihilo na ako, paano pa kaya kung nagpapakalango na ako? Let's behave tonight, self, kailangan ng bantay ni kamahalan ngayon.
Nang lingunin ko ang kasama ko ay malawak ang ngisi na ikinatiwarik ng mata ko. Kapag nakakakita ng lalaki, ang mata ng babaeng 'to hindi mapakali.
"Oh, gosh. This is so exciting! Look! Ngayon ko lang nakita si Derek Ramsay dito, he's so hot as hell..." kumikinang ang mata na sambit niya. "Sana naman makasayaw ko siya," at tila nananaginip niya pang dugtong.
Napailing ako at napabuga ng hangin. Well, self, you're one hell of a bodyguard today. This is good. Really hella good.
"Hey, sexy! You wanna join us?"
Dinig ko mula sa likuran ko kaya agad akong napalingon.
"Uh, yeah. Sure!" Agad naman na paubaya ni Jayce kaya agad ko siyang hinaklit sa braso at hinila palapit sa akin.
"Pasensiya na, mga boss. Naka-reserve na 'to." sabi ko na nagpakunot ng noo nila.
"Anong kaso kung naka-reserve na?" Anang isa sabay baling kay Jhayce. "Magkano ka ba, Miss. I will buy you for this night. Tell me, magkano?" Sabay dukot ng wallet niya ikinapaningkit ko.
'Ano ba ang ibig niyang sabihin sa buy-buy na 'yan?'
"Ah-" ang akmang pagsasalita ni Jhayce ay agad kong pinutol nang pagwasiwas ko ng kamay ko.
"Mga Sir, naka-reserve na siya sa akin. Sa akin siya sasama at hindi sa inyo. Respeto. Marami ang babae na puwede niyong bilhin 'wag lang ito." matapang kong sambit.
Natawa ang lalaki sa naging sagot ko at pinasadahan ng tingin si Jhayce na ikinainit na talaga ng ulo ko sabay alis nang iiling-iling pa. "Aba't-"
"Mag-syota yata..." dinig niya pang sambit ng isa.
Kung hindi lang hinawakan ni Jhayce ang kamay ko ay baka kanina pa may giyerang nagaganap. Ang lalakas ng loob ng mga hunghang. Kabago-bago lang, siga na kung umasta. Ipa-ban ko kaya sila. Mga pangit!
"Let's go. Hayaan mo na sila. They're a waste of time. Hello, nandito tayo para magsaya hindi para maghanap ng gulo." aniya na ikinakunot ng noo ko.
"So, hahayaan mo na lang na bastusin ka nila ng gano'n?" Inis kong agad na sambit.
Namewang siya at kahit madilim ang paligid ay nakikita ko sa isipan kung paano tumaas ang kilay niya. "Ako ba may sinabi no'ng sinabi mong naka-reserve na ako? Do I look like a prostitute to you, Kish? Do I look a slut in your eyes?!" Medyo malakas niya nang sambit sabay tulak sa akin na ikinapikit ko.
"J-Jhayce, alam mo na hindi 'yan ang ibig kong sabihin." bigla akong nataranta.
"Yeah, whatever," sabi niya sabay wakli niya ng kamay at agad na tumalikod. "Let's just enjoy the night, shall we? Sayang ang outfit ko." kahit na ganoon ang sinabi niya ay ramdam ko pa rin na masama ang loob niya.
Nang makarating kami sa counter ay agad na ngumiti siya sa bartender na kilala na namin. That bartender was her ex. I don't know what's going on between this two, pero ngayon masasabi kong may kakaiba dahil sa tamis ng ngiti niya. Baka may feelings pa siya.
BINABASA MO ANG
[✔] It Just Happened | GxG
Fiksi UmumCOMPLETED! Ang pag-ibig ay hindi nagtatapos sa iisang kabanata lamang. Akala ni Kish, ang problemang pinakamahirap niyang kahaharapin ay ang feelings niya kay Jhayce. Matagal na siyang may gusto sa kaibigan, high school pa lamang sila. Subalit, str...