II. PROLOGUE

1.2K 45 14
                                    

First of all, just wanna thank everyone for all the support I've got from the previous story. I know some of you are confused and disappointed, maybe. But, now that we're having a season two of I.J.H. Your questions and curiosity will be answered, I guess. Keep on reading and hope you'll support ny other stories as well. - 𝗕𝗥𝗨𝗛𝗔 ♡

-

It's been five years already. Ngunit bigo kaming mahanap kung nasaan si Kish o kahit man lamang ang labi niya. Gusto naming makumpirma kung ano ang talagang nangyari, ngunit lahat ng clue na nakuha namin ay walang nagtuturo kung nasaan siya ngayon. Five years... But we're still mourning from her disappearance.

KASALUKUYAN kaming nasa sementeryo ngayon at nakatunghay sa puntod ng ina ni Kish. Dahil sa sobrang sama ng loob at pagsisisi na kaniyang dinanas sa nakalipas na apat na taon, maraming sakit ang dumapo sa kaniya't naging komplikado ng husto ang kaniyang sitwasyon, hanggang sa hindi niya na nakayanan... Tuluyan na siyang bumitaw.

"Hanapin mo ang anak ko, huh? At kapag mahanap niyo. Pakisabi sa kaniya na patawad at mahal na mahal ko siya." isang araw sa hospital ay bulong nito sa akin. Nahahabag ako at walang magawa kundi ang umiyak at sabihing lakasan pa ang loob nito. "A-Alam kong buhay pa ang anak ko. Nararamdaman ko. Kapag makita mo, huwag mong pababayaan. Ibigay mo sa kaniya ang pagmamahal na dapat ay naibigay ko sa kaniya." patuloy nito habang umaagos ang luha sa humpak na nitong mukha.

"Wag po kayong magsasalita ng ganiyan. Hindi niyo po kasalanan ang nangyari. Please, hold on. We'll get through this, please." pakiusap ko subalit lalo lamang lumakas ang aking pag-iyak nang biglang marinig ang flat line ng makina. Indikasyon na wala na talagang pag-asa na mabuhay pa ito. "Nay..." walang humpay kong hagulhol habang pilit siyang pinapaalis ng Nurse at Doctor mula sa pagkakayakap dito.

Nandito kaming lahat. Nakapalibot sa puntod nito habang may dalang tig-iisang rosas. Nang maramdaman ang tila pamumuo ng luha sa aking mata, ay agad akong tumingala at huminga nang malalim habang ikinukurap-kurap ang mata.

From the loving memory of
Nikki Ramirez De Guzman
May you rest in peace

Pagbabasa niya ng buo sa pangalan nito. Maski ang kaniyang bunsong anak na lalaki ay naroon at patuloy na umiiyak. Nakakaawa subalit handa naman kaming tumulong upang makaahon ito sa buhay, dahil alam naming kami ang dahilan kung bakit ito nangyari.

MATAPOS ang dalaw ay agad akong umupo sa ilalim ng puno, malapit sa puntod. Still hoping that I could see her there. That just like in some dramas, kapareho niya ang ilang karakter doon na nagtatago upang masulyapan man lamang ang labi ng pumanaw na kamag-anak. Isinandal ko ang ulo sa puno at huminga ng malalim. It's so lonely and empty inside, maybe because of the death of her mother or because of them both. This emptiness inside me, I know, won't disappear that easy. It's been proven and tested for five long years, but still her memories haunts me. 'If only destiny is more better to us. What would our life be like until today?'

"Let's go!" Tawag sa akin na agad ko namang ikinatayo.

-
BruhangManunulat
Kung interesado kayo. May group chat ako para sa LGBTQ 🌈. Comment below and add BRUHA. Then PM me so I can add you.

vote ; give feedbacks ♡
Thank you so much for reading.

[✔] It Just Happened | GxGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon