I. Twelve

2.9K 77 1
                                    

KISH

"So, ano naman ang magagawa ng pagtatapat mo na 'yan? Hindi na maibabalik niyan ang nakaraan." nang sambitin ko ang panghuli ay nangunot ang noo niya at biglang nalungkot.

"H-Hindi ko naman sinabi iyon para makipagbalikan." tugon niya at ngumiti. "Kagaya ng sabi ko, gusto ko lang bawasan 'tong bigat ng dibdib ko. Ngayong nasabi ko na, I am finally relieved."

-
'Inaamin ko na, nagkasala ako. I cheated. No, hindi pala. He force me." aniya at mapait na ngumiti. "Minahal kita, Kish, maniwala ka man o hindi. Sa loob ng siyam na buwan, I am contented with you only." matapos ay huminga siya nang malalim.

Nanatili akong nakatitig sa kaniya at inaabangan ang mga susunod niya pang sasabihin."One n-night, I got drunk. Nawala ako sa sarili ko. Iyon iyong gabi na alam ko n-na hindi mo..." huminga siya nang malalim at yumuko. "...naman talaga ako mahal. I know simula't sapol, si Jhayce ang parating nasa isip mo. Bawat buka ng bibig mo, wala kang ibang binanggit kundi si Jhayce. Si Jhayce ganito, si Jhayce ganiyan. P-Parang nanliit ako no'n. Hanggang kailan mo ba babanggitin si Jhayce? Ano ba talaga ako sa 'yo? So, hindi ako nakasipot that night kasi hindi ko na kaya. Sa gabing iyon, Mark came. Kinaladkad niya ako palabas and then sabi ko na kailangan pa kitang puntahan kasi naghihintay ka. Pero hindi ako nakarating at iyong gabi ding iyon m-may nangyari sa amin. Kaya after a week na hindi ko pakikipagkita ko sa 'yo, I decided to show up para makipag-break kahit masakit."

-

"So, kumusta naman ang relasyon ninyo ng Mark na 'yon ngayon?" Tanong ko.

Umiling siya at napangisi. "Matagal na kaming wala. Nakipag-break ako at saktong makikipag-break din dapat siya pero naunahan ko. May nabuntis siyang babae, sabi niya."

Pinagmasdan ko ang mukha niya at pilit na binasa ang bawat galaw ng mata. Ang pagkislap pa lang ng mata niya at ang tila malungkot na awra ay alam kong napamahal na siya sa lalaking 'yon. Well, ano pa bang aasahan natin sa mga lalaki? They're all bound to play and hurt ladies feelings. Doon sila eksperto.

"Well, gusto mo ng ice cream?" sambit ko para naman magbago ang mood namin.

"Sure. Mas masarap mag-ice cream kaysa mag-senti-senti dito. Nakakainis magmahal!" reklamo niya na ikinangiti ko naman ng mapait.

"Tama ka," pabulong kong sambit. 'I wonder where Jhayce is now?'


"YUM!"

Nanlaki ang mata ko nang bigla iyong isigaw ni Georgina.

"Oh my ghad, Kishy! This is so yummy!" aniya pa.

Marami nang nakatingin sa amin dahil sa pagsigaw niyang iyon, ang iba ay natawa pa dahil sa gulat.

"Mahiya ka nga. Maraming nakatingin." inis kong sambit sabay subo ng isang kutsara ng cookies and cream ice cream.

"Ang arte mo! Ikaw lang ang nahihiya diyan. Tingnan mo sila! Malaking privilege pa nga sa kanila na ginawa ko 'yon kasi ibig sabihin lang, nasasarapan ako. Ibig sabihin, masarap ang itinitinda nila! O 'di ba, free advertisement pa 'yon. Ako nga dapat ang lugi dito, e."

Napangiwi ako sa sinabi niya at sinunod-sunod na ang pagsubo. Baka gumawa pa ng ibang kalokohan ang isang 'to, kaya kailangan ng magmadali.

-

"Haaay, napakasarap!" anito habang nakatingala at dinadama ang hangin sa mukha.

Kasalukuyan kaming nasa children's playground. Sinuhestiyon ko na dito na lang muna kami kaya heto pareho kaming nakaupo sa duyan.

[✔] It Just Happened | GxGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon